Judy Ann Santos to attend 24th Busan International Film Fest for her film Mindanao

by Jerry Olea
Oct 3, 2019
Judy Ann Santos says she will not feel bad if her movie Mindanao does not become an entry of MMFF 2019. In this film directed by Brillante Mendoza (left), Juday plays a mother caring for her daughter who has cancer.

Excited si Judy Ann Santos na rumampa sa red carpet ng 24th Busan International Film Festival (BIFF) nitong Oktubre 3, Huwebes, sa South Korea.

Siya ang bida sa Brillante Mendoza film titled Mindanao. Magkakaroon ito ng world premiere sa Oktubre 5, Sabado, sa BIFF. Bida rin sa pelikula si Allen Dizon na gumanap bilang asawa ng karakter ni Juday.

Ani Juday, “Oo, excited. Excited talaga. Kaya nga kasama ko ang asawa ko, e! Ha! Ha! Ha! Ha!” masayang halakhak ni Juday nang makatsikahan namin noong Setyembre 30, Lunes sa Greenbelt My Cinema, Makati City.

“Kasi, di ba, hindi ko alam kung mauulit pa ito. Di ba?

“Hindi ko alam kung mauulit pa ito kaya I’m so happy, I’m so grateful na nakasama yung pelikula namin, at ma-experience ko naman ‘to—kung paano dalhin yung pelikula mo sa ibang bansa at mapanood ng iba’t ibang lahi, iba’t ibang tao.”

First time ni Juday na rumampa sa isang international film fest.

Continue reading below ↓

“Iyong Ploning (2008) naman, aspiring entry siya para ma-shortlist sa Oscars,” kuwento ni Juday.

“Hindi siya nakapasok. At that time, hindi pa ganito ka-wide iyong mga film festival na international. Siguro, kung nangyari ang Ploning ngayon, it could have actually entered into different film festivals.

“Pero sabi nga nila, may rason para sa lahat. Baka hindi rin kami ready. Baka hindi rin tayo ready to, you know... ako, personally, baka hindi ako ready to represent the Philippines at the time.

“Ngayon, it’s a world premiere. Hindi siya competition, di ba, na movie? Since si Direk Brillante, kasama sa Icons category.”

First time ni Juday na gumanap na Muslim sa pelikula—isang ina na nag-aalala para sa anak na may kanser, at para sa asawang sundalo na sumasabak sa giyera.

“Sa TV, may mga na-portray na akong Muslim, pero hindi ganito kalawak,” lahad ng ABS-CBN actress.

Continue reading below ↓

“Hindi ganito kalaki yung sakop niya.”

Nahirapan ba siyang unawain ang kultura at tradisyon ng mga Muslim?

“Hindi naman. When we were shooting, siyempre, may mga kasama talaga kaming mga totoong Muslim.

“I would ask them questions, ‘Bakit ganito? Bakit ganyan? Ano ang ibig sabihin ng hijab? Ano ang ibig sabihin ng mga babaeng ganito, yung iba, wala?’

“Ahhm, lalo mong maiintindihan yung respeto nila for their religion, how they understand everything.

“And itinanong ko, ‘Bakit nga po ba hindi kayo kumakain ng baboy?’

“Natanong ko na ‘yon kay Robin [Padilla]. Kasi, kasama ko siya sa Basta’t Kasama Kita.

“Parang hindi lang ako masyadong convinced sa reasoning niya, pero pareho naman sila ng rason na dahil ang baboy ay kumakain ng scraps and everything.

“Ahh, may point... pero kakain pa rin ako ng baboy! Ha! Ha! Ha! Ha!

Continue reading below ↓

“At least, hindi sila affected ng African Swine Flu! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Magtatampo ba siya kapag hindi nakapasok ang Mindanao sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019?

“Hindi! Hindi naman! Walang mawawala,” tugon ni Juday.

“I mean, paano... mataray ba? Kapag sinabi ko? Parang... maganda pag makakasama pero kung hindi, okay lang din.

“Kasi, pag panahon ng Pasko, you want... we understand, I understand na kapag Metro Manila Film Festival, you want to watch movies that would, you know... when you go out of the cinema, you feel good, masaya ka.

“Ito kasing pelikulang ito, family drama siya talaga. It tackles two types of cancer—iyong sakit na cancer, at iyong cancer na nakakapatay sa lipunan natin, which is yung giyera.

“Mabigat siya sa puso. Pero nakakabukas siya ng isipan. Nakakaintindi siya ng pinagdadaanan ng mga tao, especially ng mga pamilya na may ganitong klaseng sitwasyon, na meron silang kamag-anak na may cancer.

Continue reading below ↓

“It’s not an easy journey, to begin with, but it’s something na you will learn a lot from it.

“Ahhm, kung hindi siya makapasok sa Metro Manila Film Festival, feeling ko, may dahilan,” pagkunot-noo ni Juday.

“Baka mas magiging wide ang audience niya, kung hindi. Kung oo, okay din lang naman.

“Ang hirap lang kasi, kapag nasa Metro Manila Film Festival ka, nako-compare ka sa ibang pelikulang kalaban mo.

“E, hindi naman namin pwedeng ilatag yung pelikula namin sa mga pelikula nina Coco [Martin], nina Bossing Vic [Sotto]. Kasi, mainstream sila.

Mindanao is not a mainstream movie. This is a true-to-life story.”

ON REUNION PROJECT WITH PIOLO PASCUAL


Sabi ni Piolo Pascual, si Juday lang ang hinihintay niya para magtambal silang muli sa pelikula. Dalawa ang pelikulang ginagawa ni Piolo kay Direk Brillante.

Posible kaya na kay Direk Brillante sila magkasama?

Continue reading below ↓

Natawa muli si Juday, “Ha! Ha! Ha! Ha! Dalawa agad?! Si Piolo, kung makahagap ng mga... Ha! Ha! Ha! Ha!

“Kung makahagap ng mga pelikula ni Direk Brillante, ganun-ganun na lang, ha?! Palibhasa producer na siya! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Gusto ba niyang maging movie producer gaya ni Piolo?

“Ayoko! Masakit kaya sa ulo ang mag-produce!” mabilis na sagot ni Juday.

Paano ang reunion movie nila ni Piolo?

“Isa lang naman ang isasagot ko diyan. As soon as may makapagbigay ng magandang material,” matamang sambit ni Juday.

“Why not naman? Hindi na siya kailangan pang pag-isipan, kung sino ang dapat gumanap nito.

“Dapat, yung material na makita mo, alam mong si Piolo dapat ang gaganap doon, o ako dapat ang gaganap doon.

“And the more na tumatagal, siyempre, nandoon yung pressure lalo na maganda yung material na ilabas namin.

“Because it’s been such a long time since nagsama kami ni Piolo, and the clamor is quite large.

Continue reading below ↓

“Ako, I appreciate na hanggang ngayon, may mga naghahanap pa ng project namin ni Piolo.

“Tama naman si Piolo, hindi na kami bumabata. Alangan namang bumata kami nang bumata.

“Medyo... kakaiba yung tumatanda lahat, kami, bumabata, di ba? So, it’s something na... as years pass by, every year, dumadagdag yung edad mo, dumadagdag ang pressure na dapat, magandang proyekto yung ilabas namin sa mga tao.”

Continue reading below ↓

Judy Ann Santos and Allen Dizon portray a married couple in the Brillante Mendoza film Mindanao

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann Santos says she will not feel bad if her movie Mindanao does not become an entry of MMFF 2019. In this film directed by Brillante Mendoza (left), Juday plays a mother caring for her daughter who has cancer.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results