Directors Peque Gallaga and Lore Reyes impressed with Judy Ann Santos's performance in T'yanak: “Hayop! Unbelievable!”

Director Peque Gallaga (in photo) on Judy Ann Santos's performance in T'yanak: “Amazing! Hindi ko ini-expect... She brought something to the script na Lore and I planned everything sa umpisa and we didn’t expect to go there.” Director Lore Reyes adds, "Nung ending, sobrang parang nanonood na kami ng play, lahat na kami lumuluha!”


Kinuwento ni Direktor Peque Gallaga kung bakit mas nakakatakot ang T'yanak 2014 kumpara sa orihinal na Tiyanak na ginawa nila noong 1988.

“I think this is good for every director who’s an artist. I think any serious director always brings everything plus to his project.

“For a long time, Lore [Reyes] and I have been doing a lot of Filipino horror films that we’re very proud of because we try to go back to kung ano yung Filipino folklore," aniya.

“The tiyanak, the manananggal, the aswang, the shape-shifter, the tikbalang.

“And we got to the point na we’re very serious about it, na the monsters are not evil.

“They’re another species, probably an older species than human beings, and in fact this is very strong with the Telang Bayawak scene [in T’yanak] na para silang mga, they’re predators.

“They’re sharks, they kill in order to eat, in order to live, like we kill animals in order to eat and live.

“That’s become very, very strong in our movies.

“In fact, our last horror movie was Sa Piling ng mga Aswang where Maricel Soriano and Gina Alajar will meet as human being and aswang and she returns the baby aswang.

“So that’s the plus that we really mean, in other words we don’t create a monster just to destroy it.

“And I want to just let everybody know that our ending in the movie with Juday is super-plus. Amazing!”

Ito ang paliwanag ni Direk Peque sa tanong kung ano ang “plus” sa pelikula nilang T’yanak na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos na kasali sa Sineng Pambansa Horror Plus Film Festival ng Film Development Council of the Philippines na tatakbo sa lahat ng SM Cinemas mula October 29 hanggang November 4.

Ang T’yanak ay remake ng pelikulang Tiyanak na ipinalabas noong 1988 at pinagbidahan nina Janice de Belen at Lotlot de Leon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa naunang version ng pelikulang ito nauso ang tagline na “ang anak ni Janice.”

Dito sa reboot na T’yanak ay posibleng sumikat naman ang tagline na “ang anak ni Juday.”

Dagdag pa ni Direk Peque, “Actually more! Because we were building on the 'anak ni Janice,' so the story is talagang anak ni Juday. In fact, we were thinking of the tagline, 'OMG! Anak ni Juday!'

“Pero sabi ko let’s not go there, nandun na sa istorya.

“It really becomes anak ni Juday!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Direk Peque at Direk Lore sa presscon ng Sineng Pambansa Horror Plus Film Festival sa Annabel’s restaurant noong Miyerkules, October 15.

Unang beses ito nina Direk Peque at Direk Lore Reyes na makatrabaho si Judy Ann.

Anong klaseng artista si Judy Ann?

“Amazing! Hindi ko ini-expect, we were really surprised.

“She brought something to the script na Lore and I planned everything sa umpisa and we didn’t expect to go there,” pagpuri ng multi-awarded director.

Tinanong naman si Direk Peque, since napaka-successful ng Tiyanak movie noong 1988 na produced ng Regal Films ni Mother Lily Monteverde, gaano kalaki ba ang kinita nito noon?

“I have no idea. Tiyanak... was such a big hit, Mother didn’t tell us.

“So wala kaming bonus, wala kaming trip sa Hong Kong.

“It was that big,” at tumawa si Direk Peque.

WHAT MAKES A GOOD HORROR FLICK? Ano ba ang konsepto ng isang horror movie para kay Direk Peque?

Detalye niyang paliwanag, “When the people are really, really, really emotionally invested in the character, not in the monster. If you want the character to live, if you want the character to survive.

“Iyon ang pinaka-effective para sa akin.

“And number two, I hate 'shock' horror movies na palagi na lang 'Wah!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung nanggugulat lang sa sound.

“Tumatakbo siya, lumalakad lang yung monster and then nandito na siya. Parang ano ba 'yan... cheating. Yung hindi iniiisip.

“Sa akin yung pinaka-effective na horror, hanep sa logic! Grabe yung logic. So alam mo, even the audience knows, ‘Ito'ng mangyayari, e. Dapat ito ang mangyayari, e.’

“And then if something else happens, puwede rin. Hindi yung ang daming cheating. It’s so easy, e. It’s like pulling a chair from somebody who’s going to sit down; that’s not funny.

“Yung shock, that’s not good horror. Puwede once in a while pero kung ganun yung pelikula mo, cheating, cheater ka.”

Ayon naman kay Direk Lore, “Sa akin ang ideal na horror movie yung nakaka-empathize ka dun sa bida. Pero yung super-ideal yung nakaka-empathize ka dun sa kontrabida na monster.

“Which is what we are attempting. Sabihin niyo sa amin kung nagtagumpay kami,” at tumawa si Direk Lore.

Ito raw ang ginawa nila sa T’yanak.

“Kasi iyan ang sinubukan naming gawin e, mag-emphatize kayo dun sa 'This is a bad baby, but this is a baby.'”

Ano ang paboritong horror movie nila?

“Nahihiya ako kasi ang favorite ko, gawa namin. Huwag mo nang itanong,” bulalas ni Direk Lore.

“Ang dami pero my favorite is the The Innocents with Deborah Kerr, iyon ang nakakatakot,” sabi naman ni Direk Peque.

HORROR FILMS AS ENTERTAINMENT. Sa palagay nila, bakit mahilig ang mga Pilipino sa pelikulang katatakutan?

“I’ll give the communist answer. Kailangan natin ng entertainment dahil ang hirap ng p– inang buhay!

“And it is one of the best ways to be entertained, it makes us forget our problems.

“Okay! That’s the standard communist answer,” bulalas ni Direk Lore.

“And not only that, we live in a horror world,” salo naman ni Direk Peque.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The political situation is horrific, it’s horrific!

“Wala kang magawa, you feel helpless, which is a horror film in itself. At saka you cannot do anything about it.”

PINOY FOLKLORE. Mahilig rin ang mga Pinoy sa folklore.

Bahagi ng Filipino folklore ang kuwento ng mga aswang, manananggal, kapre at tiyanak.

“That’s our culture and culture is a portrait of who we are.

“So even if it’s not true, do you believe in tikbalang or anything? But that’s what we grew up with.”

Ayon pa kay Direk Lore, “That’s our ultimate aim—gusto naming ubusin talaga yung mga available na folklore na ano, lahat!

“One day, we’ll finish all of them.”

Pagsang-ayon naman ni Direk Peque, “In fact one of our ambitions, we did four Shake Rattle & Roll movies, palagay na lang sa each SRR na ginagawa namin, may comedy, may traditional story, one based on a true story, and then one we created a Filipino mythology, na the people accepted.

“Yung Undin, yung Witawit... people thought those are real Filipino [beings]. We invented those.”

DIFFERENCES. Ano ang pagkakapareho o pagkakaiba nina Janice (sa Tiyanak noong 1988) at ni Judy Ann sa 2014 T’yanak reboot?

“Very different, very different.

“Ang kay Janice, and that’s not Janice’s limitation, that was our limitation, we just saw her as the mother of the tiyanak.

“Si Juday here is mataray! Mataray because she’s working with guilt. Yun ang dinala ni Judy Ann which we didn’t think of.

“Na in other words, after a while, she’s beginning to believe that the baby that she’s protecting is guilty of all these things, so denial siya, denial, denial.

“So she stars to fight for the baby.

“Iyon ang iba dito. Iyon ang iba,” paliwanag ni Direk Peque.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IMPRESSED WITH JUDAY. Hindi naman maikakaila na nabilib nang husto ang directorial tandem sa acting talent ni Juday.

Sabi ni Direk Lore, “Hayop! Unbelievable! Unbelievable!”

“Iyon nga e, e di alam na namin yung eksena, siyempre ilang beses na namin binasa, pinlano namin pero pag nakita mong ginawa ni Juday, alam mo ba ang nangyayari sa amin?

“Para kaming nanonood ng play. In fact, nung ending, sobrang parang nanonood na kami ng play, lahat na kami lumuluha!

“Iba siya, e. [It was the] first time we worked with her so hindi naman namin alam na ganun siya kalakas.

“Eight [shooting] days lang namin siyang nakasama pero nung nakatodo siya talaga dun sa mga drama [scenes], para kang nanonood ng theater na live.”

Bilang pagsang-ayon, nagkuwento naman si Direk Peque.

Aniya, “Ganito yun. We had a [script] reading. Sa busy-busy nila, we had a reading in the house.

“When we were talking there, first time no, and believe me, I’m nervous about talking to talented people!

“Sabi ko, ‘Juday, we have to plan this because there are about eight to 10 sequences na iiyak ka! Let’s not turn this into a telenovela.

“We have to choose kung saan tayo. Where are we gonna have the crying points? This is going to become mabigat, sobra!’

“Sabi niya, ‘Yeah, okay, okay.’

“First shooting day pa lang, wala sa eksena na may iyakan, she’s just opening the nursery 'causw she's expecting a baby.

“Wala yung baby, she’s opening the crib, kinuha niya yung sapatos, then she kissed the small baby shoes, then she laughed, yung parang, ‘May baby na ako!’

“And then umiyak!

“I said, ‘P— ina wala yun sa script! Anong ginagawa niya?’

“After that we decided, let’s stop directing her, let’s trust her.

“Let’s trust her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iba siya!

“When she cries, it’s really, really, I hate to use the word logical, pero logical. You know it’s coming from something real.

“And you won’t expect the ending.”

Pagkatapos daw ng take ng bawat drama scene ay lumuluha silang lahat sa husay ni Judy Ann.

Magkakaroon ng gala premiere ang T’yanak sa SM Megamall Cinema 7 sa Miyerkules, October 22.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN