Judy Ann Santos still wants to do a movie with Claudine Barretto

Judy Ann Santos is the lead star of the T'yanak reboot that will be screened in SM cinemas. This movie is part of the FDCP Sineng Pambansa Horror Plus Film Fest that wil run from October 29 to November 4, 2014.



Puring-puri ng dalawang Masters Directors na sina Peque Gallaga at Lore Reyes si Judy Ann Santos, ang bida ng T'yanak.

Ito ay reboot ng 1988 horror movie na pinagbidahan noon ni Janice de Belen.

Hangang-hanga ang mga ito kung paano nabigyan ng ibang flavor ni Juday ang karakter ng isang ina at ng kanyang anak na T'yanak pala. Anila, ipinaramdam talaga ni Juday ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak.

Ang T'yanak ay isa sa mga entries sa Sineng Pambansa Horror Plus Movie Film Fest na organized ng Film Development Council of the Philippines.

Magsisimulang mapanood ang mga entries sa mga SM cinemas simula October 29 hanggang November 4.

Halos “teary-eyed” na rin si Juday sa mga papuring narinig sa dalawang directors niya sa ginanap na presscon ng pelikulang T'yanak sa Mom & Tina’s Restaurant sa Sgt. Esguerra kahapon, October 20.

Ayon nga kay Judy Ann, “Napi-pressure ako. “Hindi naman, it was on my bucket list talaga na maka-trabaho sina Direk Peque at Direk Lore. It was a part of my long bucket list. Noong nag-retire sila, sabi ko, wala na, wala ng pag-asa ‘to.

“I really heard stories about Direk Peque and Direk Lore sa mga production staff, good background kung gaano sila ka-professional sa craft nila so all the more na nagbobola yung ano ko, yung passion, paano ko ba sila makakasama? Paano mangyayari ‘yan?

“And then, when they called me up, even before T’yanak. Wala pa nga e, I remember, noong una kong nakita sila sa Lugang [Cafe], doon kasi kami nag-set ng meeting, parang isa na siyang pelikula. Parang slow-mo. Nag-slow-mo lahat. Sabi ko, ah, hindi puwedeng hindi ko sila makasama sa trabaho.

“I have to experience them. I have to experience them for myself para malaman ko kung ano ba ang palagay nila sa akin. Kasi, lahat naman ng directors na nakasama ko, they would tell me what they want and what they wouldn’t want same with Direk Peque and Direk Lore and they gave me a license to tell them na, 'Direk, puwede po bang ito ang sabihin ko?'

“Sina Direk Peque at Direk Lore, sabi nila, kapag nagawa natin ang eksenang ito at feeling mo, may iba ka pang version, gagawin natin ‘yan and if it’s nice, yun ang ilalagay natin. Siguro, bilang isang artista, yun ang hinahanap mo rin, ‘di ba?

"Meron kang hands-on sa craft mo because it’s also part of your work and at the same time, I don’t really want to let them down.

“Hindi ako na-pressure actually na maka-trabaho sila. More of excited akong talaga. And at the same time, yung kagustuhan ko sila na makasama sila sa trabaho. Kung ano ang sabihin nila sa akin, binabato ko lang. Hindi ko iniisip kasi, yun ang sinabi nila sa akin."

Aminado si Juday na gusto nilang ibahin ang pag-arte niya mula sa pag-arte na kadalasan ay ginagawa sa TV series.

“Sabi ni Direk Lore sa akin, don’t give me 1, 2 and 3 acting because we already know that. It’s parang one way of saying na your craft is teleserye and I don’t want that in this film. It’s an honest opinion that I have to hear from a master’s director or director. Walang magsasabi sa akin niyan, people won’t tell me that na baliin mo na ang trabaho mo kasi, masyado ka ng tume-teleserye.

“Isang tao lang ang puwedeng magsabi sa ‘yo niyan na talagang babali ng craft and si Direk Peque and Direk Lore ang nagbigay sa akin ng ganoong klase ng freedom.”

Puwede ba niyang sabihin na isa sa mga paborito niyang pelikulang nagawa na niya ang T’yanak?

“Oo, oo naman,” tahasan namang pahayag ni Juday.

Gusto raw na mapanood ng dalawang anak niya ang T’yanak. Napapanood daw kasi nina Yohan at Lucho sa cellphone niya ang trailer.

“Yun din ang panakot ko kay Lucho kaya ayaw niyang mag-toothbrush. Your teeth will gonna be like that if you don’t brush your teeth. So, malaki ang utang na loob ko sa batang ito [T’yanak]. Kasi, napapasunod ko ang anak ko, napapakain ko siya ng gulay, napapatulog ko siya ng maaga dahil sa ‘yo.”

Pero, si Lucho ba, gusto ng magkaroon ng little brother?

“Ayaw pa niya,” saad naman ni Juday.

“Ayaw pa niyang magkaroon ng baby. May moment pa siyang nagpapa-baby pa siya. Pero minsan, gusto. May pagka-bipolar rin kasi ang mga anak ko. Minsan gusto, minsan hindi. Ganoon lang siya. Si Yohan, gusto niyang mapanood. Baka with Yohan, puwede kong mapanood.”


Solo naman ni Judy Ann ang poster ng pelikulang T’yanak at sabi ng aktres, matagal na raw na sa pelikulang ginawa niya, mukha niya lang ang nakalagay.

“Huli pa akong mukha ko lang, parang 15 years ago, it’s with Regal Films, I think. At parang ngayon na lang siya naulit. Nakakataba ng puso, nakaka-pressure pero...

"Saka, hindi ako glamorous dito. Ito lang ang poster na hindi ako glamour, hindi ako naka-pose. It’s from an emotional scene at action scene po talaga siya.

“Malamang ipapa-frame ko ‘to.”


ON WORKING WITH CLAUDINE. Nagpahiwatig si Juday na gusto niya pa makasama sa isang movie project si Claudine Barretto.

"I'd been dreaming of working with Claudine, hindi ito paandar ha. Alam ng Star Cinema 'yan.

"Three years ago pa yata or two years ako ko na nire-request sa kanila ang movie with Claudine. So I'm still hoping na sana someday ay matuloy pa din," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN