Culion producer clarifies, "Special participation lang po talaga si John Lloyd Cruz."

by Rommel Gonzales
4 days ago
In the movie Culion, John Lloyd Cruz is part of the story arc of Meryll Soriano's character.
PHOTO/S: Photo grabbed from Culion trailer YouTube

Naging isyu ang tungkol sa trailer ng pelikulang Culion kung saan sa last frame ay ipinakita ang aktor na si John Lloyd Cruz.

Sa mga naglabasang publicity kasi tungkol sa aspiring 2019 Metro Manila Film Festival entry ay makailang ulit nabanggit ang pangalan ni John Lloyd.

May mga natuwa dahil muling mapapanood sa big screen ang mahusay na aktor, pero marami rin ang nam-bash, na kesyo cameo appearance lamang si JLC ay kung bakit siya na ang ginamit na sentro ng mga balita at write-ups tungkol sa Culion.

Kaya naman minabuti naming kapanayamin, sa pamamagitan ng Facebook private messenger, ang producer ng Culion na si Shandii Bacolod at tinanong namin siya tungkol sa controversy.

Ano ang reaksyon niya sa mga isyu surrounding the participation of John Lloyd sa Culion?

"To be honest, wala po akong reaksyon sa mga isyu.

"Even if people are saying na good or bad publicity is still publicity, wala po ako nakikitang problema. Bad reactions man o mabuti, one is entitled to his/her own opinion.

Continue reading below ↓

“Most media probably chose the slant of the actor’s return as a headline because John Lloyd Cruz is John Lloyd Cruz. He is a brand himself.

Ano ang puwedeng i-reveal ni Shandii na participation ni JLC sa Culion?

"Katulad ng sinabi ko sa trailer launch, 'special participation' lang po talaga si John Lloud Cruz. Hindi siya lead. Part siya ng story arc ni Meryll Soriano."

Ano ang reaksyon ni Shandii sa statement ni John Lloyd about his cameo at sa mga publicity na naglabasan?

“No comment pa ako sa reaction niya kase hindi pa kami nakakapag-usap ulit. He is currently on his vacation.

“Mas nakakahiya na guluhin siya.”

Ano ang comment niya sa mga nang-iintrigang ginagamit niya si John Lloyd para paingayin ang pelikula nila?

“Sanay na po ako sa intriga. HAHAHA!!"

Ano ang comment niya sa nagsasabing wala siyang tiwala sa cast niya ng Culion kaya kay John Lloyd ang slant ng promo nila?

Continue reading below ↓

"Culion is blessed with a powerhouse cast. Hands down, the ensemble is powerful! Pinatunayan ng cast na community film ang pelikula.”

Ang main cast ng Culion ay binubuo nina Iza Calzado, Meryll Soriano, Joem Bascon, Suzette Ranillo, Mike Liwag, Aaron Concepcion, Joel Saracho, Lee O’Brien, Rex Lantano at Jasmine Curtis Smith, among others.

Ano ang mensahe ni Shandii sa mga nang-iintriga/naninira sa kanya?

“Go lang po, manira lang sila. I hope it helps them sleep at night. Basta ako, kami, happy lang. Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!"

Para sa kanya, bakit dapat makapasok ang Culion sa MMFF?

“Dapat na makapasok kasi Culion is a story that needs urgent telling. The time is now. Kailangan nating marinig ang kuwento ng Culion.

“Kailangan na kailangan.”

Ang Culion ay sa panulat ni Ricky Lee, sa direksyon ni Alvin Yapan, at produced nina Shandii, Peter and Gilie Sing through iOptions Ventures Corp, at ng Team MSB.

Continue reading below ↓

Producer Shandii Bacolod with Culion star Jasmine Curtis-Smith

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In the movie Culion, John Lloyd Cruz is part of the story arc of Meryll Soriano's character.
PHOTO/S: Photo grabbed from Culion trailer YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results