Janine Gutierrez on Babae at Baril: "Ito yung pinangarap kong role!"

by Rommel Gonzales
Oct 17, 2019
Janine Gutierrez stars in Ang Babae at Baril, an entry to the 2019 QCinema International Film Festival that is ongoing until October 22. 
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Gandang-ganda si Janine Gutierrez sa screenplay ng Babae at Baril, na isinulat ng direktor ng movie na si Rae Red.

“Ito talaga yung pinangarap kong role!” bulalas ni Janine nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press con ng indie film na Babae at Baril nitong October 14 sa The Aristocrat restaurant sa Quezon Memorial Circle, QC.

Ang Babae at Baril ay isa sa mga entries ng QCinema International Film Festival na ongoing ngayon hanggang October 22 sa select cinemas. Nasa pelikula rin sina JC Santos at Felix Roco.

(To learn more about the entries, read: PEP Guide to QCinema 2019; film fest gets P22 million budget)

“Yung character na ‘to kasi, galing siya ng probinsiya, wala pang masyadong alam sa Manila, very out-of-place, pero may mangyayari sa buhay niya na sobrang magkaka-conflict yung character niya.

“And so for me, actually, parang dalawang character yung kinailangan kong i-play rito.

Continue reading below ↓

“If anything, medyo it reminds me a bit of Attorney Grace from Legally Blind [2017 TV series] na talagang hindi magpapatalo, ipinapakita yung power ng isang babae, pero this is like a whole other level.

“So, wala talaga akong character na quite like this one sa Babae at Baril.

“Maganda talaga yung kuwento. The script really was what attracted me to the project, sobrang ganda ng script!

“Kaya sobrang nape-pressure din talaga ako. Kasi, pag napakaganda ng script, sobrang pressure yun bilang artista na magampanan mo, mapantayan mo yung ganda ng kuwento on paper na lumabas din siya sa screen.

“Pero dapat siyang abangan, kasi, I think in a way, lahat din tayo, makaka-relate. Na may mga nangyayari sa buhay natin na talagang nagpapaiba sa pagkatao natin. Gustuhin man natin o hindi.

“And aside from that, yung pangalawang sobrang gusto ko sa project na ito is super-female din siya which is something I’m super-passionate about also, women empowerment, especially for the youth.

Continue reading below ↓

“Kasi, director namin, babae. DOP namin, babae. Producers namin, babae.

“Yung kuwento tungkol sa isang babae na hindi mo aakalain na kaya niyang gawin ang mga magagawa niya.

“So I think it’s a really important project especially considering everything that’s happening now.”

JANINE RECALLS EXPERIENCE AT NEW YORK FASHION WEEK

Umani ng papuri si Janine Gutierrez dahil sa ganda at class niya sa pagrampa sa New York Fashion Week nitong September.

“I was happily surprised, happily surprised. Kasi, first time ko mag-Fashion Week and it’s something I’ve always wanted to do,” lahad ng GMA-7 actress.

“And sobrang saya, super-saya!

“And I’m lucky also because I was sent to New York with Laureen Uy who has been doing Fashion Week for the longest time.

“So, being with someone who’s done it for a while, alam na niya yung mga gagawin kung paano ba ‘to, ganyan-ganyan, sobrang nakatulong sa akin yun.

Continue reading below ↓

“And ang saya, super-saya ng experience. Kasi, iba rin siya sa trabaho sa set, sa taping or shooting, and iyon, super-saya and enjoy lang to see the outfits that I wore or the beauty looks featured in the international publications.”

Hindi nahirapan si Janine sa trasition ng looks niya from being a simple saleslady in Babae at Baril to a glam girl in NYFW.

“Inuna namin yung Babae at Baril. Kasi, after nun was New York Fashion Week.

“And nakakatawa nga, kasi ang hinahabol namin is magpapakulay ako ng buhok for an endorsement.

“So, kailangang matapos namin yung film bago ako magpakulay ng buhok. Pero hindi pa rin umabot, so may isang araw na in-spray-an yung buhok ko ng black spray paint.

“And iyon. Ang saya, kasi sobrang iba sila and iyon naman yung gusto ko sa career ko, e. Gusto ko na iba-iba yung ginagawa ko, ayoko ng isa lang yung ginagawa ko.

Continue reading below ↓

“Even sa teleserye, pag masyadong matagal na, napapaisip ka rin kung paano mo babaguhin, paano mo gagawing fresh yung ginagawa mo. So I’m happy that right now, sobrang iba-iba yung mga ginagawa ko.

“And when you’re doing things that are different from each other, parang lalo mo rin silang naa-appreciate.

“Parang sobrang na-appreciate ko yung shooting ng Babae at Baril, sobrang na-appreciate ko yung New York Fashion Week, kasi iba-ibang aspeto ang nagagawa ko.”

Narito ang ilang photos na kuha sa premiere night ng Babae at Baril:

Continue reading below ↓

Pinagbibidahan ni Janine Gutierrez, ang Babae at Baril ay tungkol sa isang mahina at sunud-sunurang saleslady, na dahil sa isang matinding dagok sa buhay ay natutong maging matapang at palaban.

Hindi pinalampas ni Rayver Cruz ang pagkakataong suportahan si Janine kaya mula sa taping ng The Clash ay dumiretso ang Kapuso actor sa gala ng pelikula ng babaeng pinakamamahal niya.

Continue reading below ↓

Dumating rin ang ina at ama ni Janine na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher at bunsong kapatid na si Maxine.


Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janine Gutierrez stars in Ang Babae at Baril, an entry to the 2019 QCinema International Film Festival that is ongoing until October 22. 
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results