Epy Quizon says The Art of Ligaw is the “perfect apology” for his exes

by Jet Hitosis
Oct 15, 2019
Epy Quizon on playing romantic lead in the indie film The Art of Ligaw: “I think this is the perfect movie to redeem myself from my past. Ito na yung pinaka-perfect na apology ko sa mga nasaktan ko.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Para sa character actor na si Epy Quizon, simple pero “isa sa pinakamahirap” ang role niya sa pelikulang The Art of Ligaw.

Sa pelikula ay gaganap si Epy—sa unang pagkakataon at sa edad na 46—sa isang romantic role, bilang leading man ni KZ Tandingan.

Ang karakter niya ay si Jake, isang babaero na dumadanas ng midlife crisis. Siya ay forty-something Manileño na nag-desisyon na ligawan si Carisse, isang millennial na probinsyana mula sa Davao.

Si KZ Tandingan ang gumanap bilang si Carisse.

Pag-amin ni Epy, masyadong malaki ang pagkakahawig ng personality at buhay pag-ibig nila ni Jake noong kanyang kabataan.

“Isa sa pinakamahirap na role ko ito, kasi masyadong malapit,” natatawang pag-amin ni Epy.

Kilala si Epy sa markado niyang pagganap sa mga pelikula tulad ng Markova: Comfort Gay (2000), Lastikman (2003), Nasaan si Francis? (2006), at ang pagbibigay buhay niya kay Apolinario Mabini sa Heneral Luna (2015) at Goyo: Ang Batang Heneral (2018).

Continue reading below ↓

“Mas madaling maghanap ng character na kakaiba. Mas nadadalian akong maging iba, kaysa yung kahawig yung character…”

NO LOVER BOY ROLES FOR EPY

Aminado si Epy na nag-alinlangan siyang tanggapin ang role noong una itong ialok sa kanya, dahil ayaw niyang magbida sa mga love story.

Kuwento ni Epy, “I had a fear of accepting the role talaga nung una. Sabi ko, baka hindi ko magampanan nang tama.

“May something ako na… hindi ko gusto yung roles na lover boy, mga rom-com.”

Aniya, mas kumportable siyang gumanap bilang kontrabida.

“Mas gusto ko yung kontrabida. Bigyan niyo ako ng role na Joker, gagawin ko yan. Rapist… homosexual, gagawin ko yan.

“Pero yung masyadong malapit sa akin, medyo kinakabahan ako. Kasi mas mahirap mag-fill sa role na malapit sa ‘yo, o halos kapareho ng personality ko.”

DEDICATES NEW MOVIE TO HIS EXES

Gayunman, may mahalagang purpose raw sa buhay ni Epy ang pagganap niya bilang Jake sa The Art of Ligaw na ipapalabas simula November 13.

Continue reading below ↓

“What I like about the role is it helps me correct my past by telling this story.

“Yung mga times na nanligaw ako na hindi ko sineryoso. Nakasakit ka, maski hindi mo alam, pero nakasakit ka.

“I think this is the perfect movie to redeem myself from my past. Ito na yung pinaka-perfect na apology ko sa mga nasaktan ko.”

Nilinaw naman ni Epy na bagamat aminado siyang marami siyang ex-girlfriends, “walang may galit sa akin.”

Nakausap si Epy ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa press conference ng The Art of Ligaw sa Quezon City nitong Huwebes, October 10.

Kung ang The Art of Ligaw ang unang beses na gaganap si Epy bilang leading man, ito rin ang unang sabak sa pag-arte ng tinaguriang Asia's Soul Supreme na si KZ.

Produced ng Coreminds, Inc., ang The Art of Ligaw ay directorial debut din ni Jourdan Sebastian, na sumulat din ng screenplay.

Continue reading below ↓

Tampok din sa pelikula sina Roxanne Barcelo, Archie Alemania, Mercedes Cabral, Cuckooh Calsado, at Long Mejia. Ang shooting ng pelikula ay ginawa sa Davao City.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Epy Quizon on playing romantic lead in the indie film The Art of Ligaw: “I think this is the perfect movie to redeem myself from my past. Ito na yung pinaka-perfect na apology ko sa mga nasaktan ko.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results