Nadine Lustre reveals leakage of her Best Actress win at 42nd Gawad Urian

by Julie E. Bonifacio
Oct 25, 2019
Nadine Lustre on having separate projects from boyfriend James Reid: "Healthy naman po yun."
PHOTO/S: Jet Hitosis

Kumpirmadong may leakage sa 42nd edition ng Gawad Urian, na ginanap noong June 18 sa Film Center, University of the Philippines, Diliman, QC.

Nagwaging Best Actress doon si Nadine Lustre, at ang tumanggap ng kanyang trophy ay ang Viva executive na si Baby Gil.

“Actually po, nalaman ko po, I think the night before nung actual na awards ceremony,” pag-amin ni Nadine.

“Kasi si Tito Boy [Abunda], sinabi niya rin sa akin, na nanalo ako. In-squeal niya na po sa akin.

“Sabi niya, ‘Uy, alam mo ba kung ano yung nangyari?’

“Sabi ko, kinabahan pa ako, e. Sabi ko, ‘Tito Boy, ano pong nangyari? Hindi ko alam.’

“Sabi niya, ‘Nanalo ka.’ So, parang doon pa lang.

"Even though wala ako doon sa ceremony na yun, feeling ko talaga na yun na talaga yung moment ko.

“To be honest, nawala ako sa sarili ko nung sinabi ni Tito Boy sa akin yun.

Continue reading below ↓

“So, yung buong episode, medyo na-lost in translation ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.”

Pinatotohanan ni Tito Boy ang ibinunyag ni Nadine.

Pahayag ni Tito Boy, “Nasa entablado kami nung sinabi ko sa kanya.

"The original plan, I’m speaking on behalf of my friend, James [Reid] is a good friend of ours. Hindi talaga pwede si Nadine noon. It was supposed to be...”

Singit ni Nadine, “Si James, sinabihan ko po siya. Pero, meron din po pala siyang work noon, nung night na yun.”

Nakaramdam ba si Nadine ng pagkabalisa na tila gusto niyang pumunta sa awards night at iwanan ang taping niya ng Your Moment sa San Jose del Monte, Bulacan?

“Uh… pero ano po kasi, e, talagang inisip ko na hindi rin po talaga pwede,” saad ni Nadine.

“Pero at the same time, yung nangyayari po kasi sa akin sa Your Moment, it’s... para sa akin, life-changing siya. Kasi, ang dami kong natutunan po talaga sa show na ‘to.

Continue reading below ↓

“Sa mga taping po namin, ang dami kong mga bagong taong nakilala. Na-inspire ako.

“Kaya ko po naisulat yung speech ko sa Instagram na yun, kasi sobrang inspired na inspired po ako.

“Then, uh, hindi naman ako masyadong nalungkot na hindi ako naka-attend. Pero masaya po ako doon sa sinulat kong speech, marami rin po akong napasaya, na-inspire.”

Nainterview namin si Nadine sa mediacon ng Your Moment nitong Oktubre 21, Lunes sa Dolphy Theater ng ABS-CBN compound sa Quezon City.

SEPARATE PROJECTS

Tanggap ni Nadine na kanya-kanya na sila ng project ng boyfriend niyang si James Reid.

Judge si Nadine sa reality contest na Your Moment, habang kapareha ni James si Nancy McDonie ng Momoland sa isang bagong TV series sa ABS-CBN.

“Like what I said naman po before, hindi naman pwedeng palagi kaming magkadikit,” pahayag ni Nadine, one half of the Jadine love team.

“Kailangan, meron din kaming time mag-grow separately. Kasi, healthy naman po yun, e.

Continue reading below ↓

“Hindi naman pwedeng palagi kaming magkadikit sa lahat ng mga project.

“Para at least, ‘pag nagkaroon kami ng project ulit in the future, lahat ng mga tao, mae-excite naman. Iyon po.”

Dahil kasama ni Nadine sa panel of judges ng Your Moment with Boy Abunda and Billy Crawford, humingi ba siya ng tips kay James na naging hurado sa Idol Philippines?

“Actually, sa akin po siya humihingi ng tips. Hahaha!” napatawang bulalas ni Nadine.

“Hindi kasi, di ba, nag-judge din ako saglit sa Miss Q&A [gay pageant sa It’s Showtime]. So, napapanood niya.

“So, tinatanong niya ako, ‘Paano mo nasasabi? Paano mo napapansin yung performance? Paano mo naiisip yung gusto mong sabihin, gusto mong i-comment?’

“That was before pa po mag-start yung Idol Philippines. Ayun po, sa akin po siya humihingi ng tips.”

Kaya rin daw hindi na niya kinailangang manghingi ng tips kay James sa pagdya-judge at, ayon kay Nadine, “Kay Tito Boy at kay Billy po talaga ako. Hahaha!”

Continue reading below ↓

Okay ba ang emotion meter ni Nadine habang nagdya-judge sa Your Moment knowing na nawala ang kanyang sariling moment na tanggapin personally ang Best Actress award sa Gawad Urian?

“Okay naman po,” natatawang sagot ni Nadine.

“Kasi, the whole time, nag-iisip na po ako, e. Sabi ko, ‘Wait lang.’ Parang, ‘Totoo ba ‘to?’ Kasi, yun yung mga moments na parang... am I dreaming?

“Parang yun yung nararamdaman ko nung time na yun.”

Ang ‘emotion meter’ sa tanong kay Nadine ay ang ‘emotion meter knob’ na gamit ng Your Moment judges sa pagbibigay nila ng score sa contestants mula sa pinakamababang score na 1 hanggang sa pinakamataas na 10.

Tatlong beses magbibigay ng score ang judges gamit ang ‘emotion meter knob’ during the competition.

Lalabas sa screen ang ‘emotion meter’ na ipapakita ang score ng judges sa tuwing papatak sa tatlong time markers (20 seconds, 60 seconds at 90 seconds) ang performance.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Lustre on having separate projects from boyfriend James Reid: "Healthy naman po yun."
PHOTO/S: Jet Hitosis
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results