Does Christian Bables now have a higher talent fee after winning international awards?

by Julie E. Bonifacio
Oct 25, 2019
Christian Bables (in photo) will be part of the upcoming ABS-CBN teleserye starring Richard Gutierrez and Bea Alonzo.
PHOTO/S: Jocelyn Dimaculangan

Kahit na may namatay na major character sa blockbuster movie na The Panti Sisters, usap-usapan na may part 2 ang pelikula.

Ayon kay Christian Bables, “Siguro, kasi ano na... though nasabihan na kami na there’s going to be a sequel. Saka napakita na sa end credits. So, matutuloy talaga siya.”

Nakausap namin si Christian sa press conference nitong October 15 sa Scout Limbaga St., Quezon City.

Tatlong bagong pelikula ang nakalinya para kay Christian, pero wala pa siyang nasisimulan sa mga ito.

Meron din siyang teleserye sa ABS-CBN, at stage play sa Tanghalang Pilipino.

“Hango ang stage play sa book na ang nagsulat ay si Paul Czajak. Ang title ay Tree. So, ang title ng play ay Balete,” lahad ni Christian.

“Directed by Chris Millado yung play. Tapos, ang nagsulat ng adaptation ay si Rody Vera. Pwedeng next year ito.”

Sa bago niyang teleserye sa ABS-CBN with Bea Alonzo, isa si Christian sa mga bida.

Continue reading below ↓

“Ang galing,” medyo kinikilig niyang sambit.

“Ang galing din na napagkakatiwalaan tayo na isa sa lead characters.

“May working title na, pero hindi namin pwedeng sabihin.

“Si Direk Mae Cruz po ang direktor namin. Kasama namin sina Richard Gutierrez, Rafael Rosell, and si Jameson Blake. Magkakapatid kami sa serye.

“Nagkapag-taping na kami, ongoing.”

Kumusta silang katrabaho?

“Masaya, kasi, parang ano... ang tagal na naming magkakaibigan. Though ako yung pinakabago sa kanila, hindi nila pinaramdam sa akin na kailangan kong sobrang mag-adjust for them.

“Sila mismo ang nagtitibag ng hiya ko. They really made me feel comfortable sa set, lalo na si Bea.

“Masaya, mabuting tao si Bea Alonzo, inside and out.”

Personal na tinanggap ni Christian ang Bright Star Award 2019 ng Asian Pop-Up Cinema kamakailan sa Chicago, USA para sa kanyang pagganap sa pelikulang Signal Rock.

“Uh, sometime August, parang tinawagan ako ng Regal [Films], nina Ma’am Roselle [Monteverde], ‘Christian, you won an award, sa Chicago,” lahad ni Christian.

Continue reading below ↓

“I went there without any expectations. Uh, akala ko simpleng awarding. Akala ko, certificate ang ibibigay. Hahaha!

“Ang laki pala niya. Ang laki-laki niya!

“Gumawa sila ng three-day event just for me. Ako lang yung highlight ng event. Ganoon siya kalaki.

"Hindi ko ine-expect na grabe yung magiging pagtanggap ng Americans.

“Yung three-day event, ano siya, isang gabi na screening. Screening na for Signal Rock lang. And then, may Q&A. Merong isang araw, allotted for the Hollywood press.

“Oo, mga interview, taga-Hollywood. Uh, mga press from Hollywood. Then, isang araw yung awarding.”

Paano ang proseso ng pagpili nila ng winner?

“Uhm, 12 films from different countries ang pinagpilian. Uhm, dalawa lang yung award na binigay nila.

“Iyong Lifetime Achievement Award, ibinigay nila sa isang direktor na taga-Hongkong. And then, eto na, Bright Star Award. Uhm, awa ni God, ako yung nakakuha.

“The founder of Asian Pop-Up Cinema, Miss Sofia Boccio, napanood daw ata nila ang Signal Rock noong nag-screen kami sa Italy.

Continue reading below ↓

“Tapos, doon niya nakita yung performance ko. Tapos yun.”

Sinu-sino ang famous international actors na nakita niya sa Asian Pop-Up Cinema?

“Uh, wala, e. Kasi yung awards night, made siya just for me. Oo, so, walang ibang artist. Ako lang.

“Then, different events for the director from Hongkong. So, ayun.”

Nagulat ba siya na tatlong araw ginanap ang selebrasyon sa Chicago para sa pagkakapanalo niya ng Bright Star Award?

“Grabe, na-overwhelm ako!” bulalas ni Christian.

Parang pa-tribute na ba sa kanya yung three-day event.

“Nakakatawa yung pa-tribute. Hahaha!

“Na-overwhelm, kasi, uh, hindi ko alam kung anong ginawa ko, anong nakita nila doon sa film, doon sa Signal Rock, para bigyan nila ako ng ganitong recognition.

“Uhm, ninanamnam ko na lang kasi, minsan lang itong nangyari. Hindi lagi na mare-recognize tayo ng ibang bansa. I’m very thankful.

“Habang nangyayari ang tatlong araw na yun, parang napapapikit na lang ako. Ang drama, e, ‘no?

Continue reading below ↓

“Pero talaga, napapapikit na lang ako. Ano ba ‘tong nangyayari sa akin?

“Ah, ‘Sobrang lakas ko naman sa, ‘yo God.’ Ang galing!”

Bilang aktor sa Pilipinas, anong pakiramdam na mas malaki ang acknowledgement sa kanya ng ibang bansa pagdating sa husay niya sa pag-arte?

“Uhm, thankful?

“I’m thankful, I’m grateful sa recognition, sa trust, sa pagpansin, sa pagpapahalaga na ibinibigay sa akin. Hindi lang sa akin kundi sa buong film, at sa country natin ng ibang bansa.

“Uhm, hindi ko alam kung ano ang sasabihin, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hahaha!

“Uh, masaya. Mas masaya na ano, na nare-recognize tayo ng ibang bansa.”

Nanalo rin si Christian ng Best Leading Actor award sa Hanoi International Film Festival noong 2018 para sa Signal Rock.

Itinanggi ni Christian na magiging mas mapili siya sa pagtanggap ng mga projects. Ipinauubaya niya ang pagdedesisyon sa manager niyang si Boy Abunda.

Continue reading below ↓

Nang tanungin naman si Christian kung nagtaas na siya ng talent fee dahil sa mga international awards na nakuha niya, ito ang sagot niya: "Si Tito Boy po ang makakasagot—pero nangingiti ako no? Sana."

RELATED STORY

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christian Bables (in photo) will be part of the upcoming ABS-CBN teleserye starring Richard Gutierrez and Bea Alonzo.
PHOTO/S: Jocelyn Dimaculangan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results