Vice Ganda drops hints about celebrity cameos in MMFF 2019 entry The Mall The Merrier

by Ruel J. Mendoza
Oct 26, 2019
Vice Ganda (left) drops hints about celebrity cameos in his MMFF 2019 entry The Mall The Merrier. Anne Curris also stars in this comedy film.

Marami na ang excited sa pagsasamahan na pelikula nila Vice Ganda at Anne Curtis sa Metro Manila Film Festival 2019 entry na The Mall, The Merrier.

Ang MMFF 2019 entry na ito ng Viva Films at Star Cinema ay mapupuno raw ng katatawanan at perfect para sa buong pamilya ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Ayon kay Vice Ganda, ang pelikulang handog nila ngayong December 25 ay para sa madlang people na walang sawang sumusuporta sa kanilang noontime show na It's Showtime at gusto nilang makaramdam sila ng saya kapag pinanood nila ang kanilang pelikula.

“Siniguro namin ni Anne Curtis, ng Star Cinema, at ng Viva Films na madlang people pa rin ang mananalo sa Pasko.

"Ano ito, selebrasyon ito ng madlang people sa masang Pilipino na marami pinagdadaanan sa buong taon,” ani Vice sa isang recent interview with ABS-CBN News.

Tuwing may pelikula si Vice sa MMFF, parati na lang may sorpresa o pasabog na hinihintay ang mga manonood.

Continue reading below ↓

"Expect the unexpected!

“Promise po itinataga ko sa wig ko ang dami namin ginawa ni Anne Curtis na di niyo pa nakikita everyday sa okrayan namin sa Showtime.

"Sabi ni Anne, nakakaloka, parang nagpapakilala pa lang ako sa showbiz dahil sa first time nagpababoy siya sa pelikulang ito para sa madlang people,” tawa pa ni Vice.

Isa pang aabangan ng madlang people sa The Mall, The Merrier ay ang higit na 100 celebrities na magkakaroon ng special roles sa kanilang movie.

Kabilang nga sa mga celebrities na magge-guest sa movie ay sina Ms. Charo Santos-Concio at Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

"Andami! Parang mahigit 100 artista po kasi ang cameo fifty plus, e. Marami yung cast.

"Ang dami, pinakasimple naming mga cameo nila Ma’am Charo, Regine Velasquez. Yan ang pinakasimple namin na cameo,” diin pa ni Vice.

Ang iba pang kasama sa cast ng The Mall, The Merrier ay sina Dimples Romana, Tony Labrusca, at ang It's Showtime Bida-Man winner na si Jin Macapagal.

Continue reading below ↓

Mula ito sa direksyon ni Barry Gonzales.

Matagal na ring hindi napapanood sina Ms. Charo at Regine sa isang MMFF movie. Huling MMFF movie na nakasama si Ms. Charo ay ang Esperanza: The Movie noong 1999 na pinagbidahan ni Judy Ann Santos.

Ang iba pang MMFF movies ni Ms. Charo ay Kisapmata (1981), Brutal (1980), at Alamat ni Julian Makabayan (1979).

Si Regine naman ay huling nakasama sa MMFF movie na Captain Barbell in 2003 kunsaan nakasama niya sina Ogie Alcasid at Bong Revilla.

Nakasama rin si Regine sa MMFF movies na Adarna: The Mythical Bird (1997) at Pik Pak Boom (1988).

Si Vice Ganda ang may hawak ng anim na top-grossing Metro Manila Film Festival entries.

Ito ay ang Sisterakas (2012) with P393 million gross; Girl, Boy, Bakla, Tomboy (2013) with P436 million gross; The Amazing Praybeyt Benjamin (2014) with P456 million gross; Beauty and The Bestie (2015) with P529 million gross; Gandarrapido: The Revengers Squad (2017) with P571 million gross; and Fantastica (2018) with P596 million gross.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda (left) drops hints about celebrity cameos in his MMFF 2019 entry The Mall The Merrier. Anne Curris also stars in this comedy film.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results