Mula sa girl group na Sugar & Spice sa ilalim ng Viva Records at Viva Talent Agency, nag-solo na ang isa sa limang members na si Nicole Omillo.
Ang Sugar & Spice ay kinabibilangan nina Yssa Pressman, Jessie Salvador, Nathalie Alvares, Jasmin Hollingworth at Nicole Omillo.
Si Yssa ay nakakababatang kapatid ni Yassi Pressman. At si Jessie naman ay younger sister ni Maja Salvador.
NO ISSUES, JUST DIFFERENT GOALS
Kuwento ni Nicole, “Two years po kaming nag-stay as a girl group and we recorded two songs, yung “Feel na Feel” na first single namin and yung isa po “Baliw sa Ex-boyfriend” for PhilPop, written by Joan Davao.
“We disbanded kasi we all had different… kasi we didn’t really audition as a girl group. Parang individuals lang po. 'Tapos, parang nag-trinay din lang po yung group kung mag-o-okey po, pero iba-iba po ang gusto namin.
“Ako po singing talaga. Yung iba, acting. Yung iba sa sayaw. Others want to do studies first. So, it was all different po.
“Pero we’re all okey po. We’re all friends. Yun nga po e, sayang. Kasi pati mga parents namin close.”
Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nicole sa gig niya sa Music Hall sa Metrowalk, Pasig, nitong nakaraang Miyerkules, Nov. 6.
Iginiit ni Nicole na walang isyu sa kanilang mga girls kaya binuwag na ang kanilang singing group.
Paglinaw inya, “Sabi, we complement each other, nagtutulungan ko kami pag may mahiyain.
"There are times na nahihiya po kami. Someone will support. We’re all just... tama lang po ang mix.”
May tinatahak nang solo career bilang singer at actress si Nicole.
Pagkumpirma niyang sabi, “Opo, after that nag-solo career na po ko.
"And my first project was to sing OST of a series in Sari-Sari Channel, yung 'Tabi' po."
VIVA BABY
May apat na taon na sa Viva camp si Nicole.
Kuwento pa ng 20-year-old artist, “Nag-start po ako sa industry, I got signed with Viva Records around 2015.
“Yun nga po, I started sa girl group, Sugar & Spice.
“Nung 2015, for a year, puro workshops lang po. Then, 2016 po yung group until 2017.
"And then, noong 2018 po, nagsolo na ako.
“It’s been a journey, sobrang saya po. Hindi ko po alam kung saan ako papadpad dahil I just really accepts all the projects that I can get, kasi sayang po. The experience of working with different people ay talagang masaya po.”
ACTING CAREER
Ang unang sabak ni Nicole sa acting ay sa pelikula nina Nadine Lustre at Sam Concepcion na Indak na prinodyus ng Viva.
Kuwento niya sa kanyang role, “I played the kontrabida. Ako po yung love triangle nila.
“Takot po ako talaga, kasi that was my first.
“Lahat po kami may look test and we all had scenes to check kung babagay po. We had that po. 'Tapos, dancing din po kasi siya, so we had workshops.
“Super hiya po ako sa una pero we had workshops that made us comfortable.
“Kinapalan ko na talaga ang mukha ko. Sabi ko, 'Hello po, Ate Nads [Nadine], nahihiya po ako kasi kontrabida ako, baka pasampalin kita or saktan, I don’t know what Direk would want me to do.'
“Sabi ko may isang part kasi doon na parang matisod ko siya. So, sabi ko, nahihiya po ako.
“Sabi niya, 'It’s ok. Work lang naman.'
“So, in a way, pag nasa set kami, ginagawa po niyang comfortable ako. So, tulungan po sila ni Sam.
"Not just them. Marami po kasing cast, sina Julian Trono, Vito Marquez. So, marami po talaga, tulungan.
“Ako po yung laging masungit doon. So, lahat sila nagtatawanan, 'tapos ako masungit.
“So, laging hindi nila ako kinakausap pag sa take. So, we really support each other with that sense also.
“I’m very thankful kasi they made me feel like I wasn’t new. They made me feel like this is something na it’s ok even if I made a mistake, kahit kabahan ka. They made me feel comfortable.”
Dahil sa impressive performance ni Nicole sa Indak, binigyan siya nang dalawa pang movie projects.
Masaya niyang pagbabalita, “I do have upcoming two films, hindi ko pa puwedeng sabihin. Hopefully, by the end of this year or next year ilalabas… malaking pelikula po.”
Sigurado ba si Nicole na prepared na siyang harapin ang malalaking opportunities next year?
Mabilis niyang sagot, “Of course, I’m prepared na po. Until now, I’m preparing pa rin po. Wala po pong shooting, pini-prepare pa po.”
May balitang isa si Nicole sa kinu-consider na maging leading lady ni Matteo Guidecilli sa remake ng Pedro Penduko.
Komento niya tungkol dito, “Hmmm... sana meron po.
“I’d take any project if there's any. I’m very open in trying out different things.”
ABORTED STARSTRUCK AUDITION
Naging Kapuso artist sana si Nicole nang mag-audition siya talent reality search ng network, ang StarStruck, pero hindi siya natuloy dito.
Salaysay niya, “Yun po, before I entered Viva, I tried StarStruck.
"Baguhan lang po ako, hindi ko po alam ang industriya. I just sing. That’s my passion since bata pa po ako.
“Two years old pa lang ako, sa picture may hawak na akong microphone. It’s been my budd pag malungkot ako. It’s been there all the time. Yun talaga ang safe zone ko.
“Sabi meron daw audition sa StarStruck. Try lang. Kabado po ako kasi ang daming magagandang applicants, talents. Kaso nung na-call back naman po ako, I wasn’t in the Philippines at that time.
“So, I had to choose. 'Lilipad po ba ako pauwi, Ma?' 'Hindi puwedeng mag-isa ka lang.'
"So, super sayang, nalungkot po talaga ako.
“Pero pagbalik ko po, yun po, nabigyan ako ng chance to actually sign for Viva and audition for them.”
Hindi pa ba siya nag-try sa mga reality singing search?
Aniya, “Hindi pa po. Mga competitions na na-try ko lang sa school lang po namin.
“Not all the time nananalo ako. I won a few times, but I lost din a few times.”