Bea Alonzo will join Richard Gomez-Dawn Zulueta movie

(L-R) Bea Alonzo, Richard Gomez and Dawn Zulueta will topbill a movie with the working title The Crossroads.


Matapos maging bida sa teleseryeni Bea Alonzo na Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay muli na naman syang sasabak sa paggawa ng bagong pelikula kasama sina Richard Gomez at Dawn Zulueta mula sa Star Cinema na may working title na The Crossroads.

Sa story conference para sa naturang Star Cinema movie, nagkuwento si Bea Alonzo tungkol sa kanyang bagong proyekto.

Kamusta ang experience working with Richard and Dawn for the first time?

Bea: “Very very excited ako kasi parang ang dami na nilang napatunayan sa industriya. They are good people, fun to be with. I’m excited. I’m sure wegonna have fun sa set.”

First time niyo bang na encounter ang isa’t isa dito sa storycon or nagkaroon na kayo ng chance makapag-usap before?

Bea: “Si Kuya Goma, nakasama ko na siya sa Canada, nag Niagara [Falls] pa kami, yung grupo namin. So, somehow nakakabiruan ko na siya. Si Ms. Dawn, ngayon pa lang. Nakaka-starstruck siya kasi ang ganda ganda niya talaga, di ba? Although nakikita ko na siya sa Star Magic Ball and I always say pag nakikita ko siya na ang ganda-ganda niya. At ngayon nakasa ma ko na siya, na excite ako.”

Ano ang role mo dito sa movie?

Bea: “Isa akong lawyer na meron akong isang fiancé na politician, so lagi lang ako nasa back seat. Ako yung laging nag pu-push sakanya. Magbe break kami, hanggang sa dumating sa point I want something different in my life, kaya nag try ako ako mag-sailing at doon ko makikilala si Richard Gomez.”

Anong kaibahan ng role mo bilang lawyer sa movie na ito?

Bea: “Sa Sana Bukas Pa ang Kahapon isa akong criminal lawyer, dito sa movie na ito, ako yung lawyer ng mga politicians. Ako yung lawyer ng fiancé ko. Ako yung gumagawa ng paraan para mas maging malaki siya sa politika.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Is this another mistress film?

Bea: “No! It’s not! Actually, grey area yung character ko rito, not black nor white character. It’s very complex! So, I can’t really say kung ano yung role ko rito ngayon kasi baka mareveal yung buong story but isa sa assurance ko na I’m not a mistress here.”

Anong reaksyon mo na sinabi ni Ms. Dawn at Richard na excited din daw makatrabaho ang isang Bea Alonzo?

“Overwhelmed, It just that I look up to them. Si Kuya Goma is always been my crush, si Ms. Dawn, ang tagal tagal ko nang sinasabi na ang ganda ganda niya. I think ha for me, she has one of the most beautiful faces dito sa showbiz na sabi ko nga talaga nakaka starstruck until now. They have such big names na kapag itinabi sa 'yo, parang nakakahiya.”

May training ka ba para sa sailing?

Bea: “Actually dati, nag-sailing na kami sa Boracay, kami ng brother ko, pero hindi siya talaga yung serious na sailing. This one seryoso talaga. Magte training pa lang kami when I get back from Bangkok.”

May mga nagsasabing hiwalay na raw kayo ng boyfriend mo. Naiirita ka na ba na pilit kayong pinaghihiwalay ni Zanjoe Marudo?

“Hindi naman! It doesn’t bother me, kasi alam ko naman yung totoo. We don’t have a perfect relationship but we are perfectly fine with it. I mean we fight pero nagkakabati rin kami. I think it is just part of being in relationship, so, ganun lang yun. You fall and then you learned.”

Paano yan may bago ka na namang bagong project, parang mababawasan na naman yung time nyo sa isa’t isa, di ba? Yun ba ang isang dahilan ng pag-aaway niyo?

Bea: “Hindi naman, pero oo, pinag-aawayan namin yan, yung lack of time for each other, pero naiintindihan namin yung isa’tisa.Pero pag nandun ka na sa posisyon na pag hindi mo na nakikita yung partner mo, minsan parang nakakairita rin na parang gusto mong kumain sa labas pero wala kang kasamang boyfriend, siya din wala siyang kasamang girlfriend. So, talagang ganun na sya, pag hindi kami masyadong nagkikita doon nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan. Feeling ko kasi it’s really the commitment. When you say, when you commit to something and when you say I’m gonna make this work, yun ang pinakaimportanteng bagay, you can be able to make it work. Kaya nga sa una palang pag sinabi mo na hindi ko na talaga yata kaya, then hindi sya talaga magwo work. So, it’s really a decision. Hard work for both of us.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero doon sa mga pinagdadaanan nyo nga nun, paano nyo pa rinna me-maintain yung good relationship sa isa’t isa?

Bea: “Yun nanga, siguroyung commitment. Siguro, the love that we have for each other. Talagang ganun kami. It’s not like kapag mag-aaway kami i-aannounce ko siya sa lahat ng tao but one thing is for sure we’re still together, nalalaman nyo naman yun kung we’re not together anymore. Kasama naman yung publiko doon sa journey namin together, e, pero hindi naman yung dapat naibigay yung bawat detalye. Sa amin na yun. Hindi naman ako madamot sa public.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN