Will Piolo Pascual still be doing a movie with Claudine Barretto?

by Melba R. Llanera
Nov 19, 2019
Piolo Pascual on his supposed movie with Claudine Barretto: "It's a very interesting story."


Dahil sa kontrobersiya at intriga na pinagdadaanan sa ngayon ng pamilya Barretto, marami sa mga Claudine Barretto-Piolo Pascual fans ang nag-aalala na baka
makaapekto ito o baka di na matuloy ang proyektong pagtatambalan sana muli ng dalawa.

Huling nagtambal sina Piolo at Claudine para sa pelikulang Milan na naging isang box office hit.

Sa panayam ng PEP.ph at Cinema News kay Piolo sa ABS-CBN station ID shoot na ginanap sa ABS-CBN compound noong November 10, umiwas magbigay ng komento tungkol dito ang Kapamilya actor.

"I'm not in the position to say anything about that. It's a very sensitive issue. Let's just wait and see. We only have prayers to everyone."

Tinanong si Piolo kung may mababahagi ba siyang ilang detalye ng supposed movie niya with Claudine.

"No, it's rather confidential for now but yeah, it's a very interesting story. Next year? We don't know yet, mahirap magsalita tapos di mangyayari. I'm just really waiting, depende sa Star Cinema."

Ayon sa aktor, nakadepende ang lahat sa Star Cinema at naghihintay lang siya sa mga susunod na mangyayari. Si Cathy Garcia-Molina ang magiging direktor ng movie nina Piolo at Claudine kung sakaling matuloy ito.

Continue reading below ↓

"Di ko pa alam sa Star Cinema, as in when and how. We're looking at the schedule, wala pa akong meeting with them."

Halos isang taon ding mahaba ang buhok ni Piolo bago ito nagpagupit. Para ba ito sa pelikula nila ni Claudine?

"Para may trabaho. Hahaha! Hindi. It has run its course. After nung movie namin ni Alessandra [de Rossi], yung ending ng film kasi maigsi na yung buhok ko so dinire-diretso ko na. I was really planning to cut it this year."

Fuffy and Fream ang title ng pelikula nina Piolo at Alessandra. Ito ang directorial debut ni Alessandra at siya rin ang co-writer ng pelikula kasama si Noreen Capili.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Piolo Pascual on his supposed movie with Claudine Barretto: "It's a very interesting story."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results