Kim Chiu on Xian Lim: "Wala siya sa past. Nasa present or future..."

Kim Chiu on being compared to other loveteams: "Hindi kami nagbabago o hindi namin kinu-compare yung love team namin sa iba." Her tandem with Xian Lim (known popularly as KimXi) is being compared to tandems of Kathryn Bernardo and Daniel Padilla as well as James Reid and Nadine Lustre.



Puno ng kasiyahan at excitement si Kim Chiu dahil sa pagbabalik-tambalan nila ng ka-love team niyang si Xian Lim sa pelikulang Past Tense under Star Cinema.

Nag-enjoy daw sila sa shooting ng pelikula lalo na’t kasama rin nila bilang bida ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas.

“Siyempre nakakaano… refreshing, parang ang tagal din naming hindi nagkatrabaho. And then ngayon nagkita kami ulit, so parang nakakatuwa. Kuwentuhan, more tsikahan, ganyan,” sabi ni Kim tungkol kay Xian.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Kim sa presscon ng Past Tense na ginanap kaninang tanghali, Nobyembre 11, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

Ang huling pelikula kasi nilang pinagsamahan ay ang blockbuster hit na Bride For Rent, na nag-premiere last January. Hindi rin sila nagkasama sa teleserye dahil si Coco Martin ang naging leading man ni Kim sa Ikaw Lamang, habang si Xian naman ay nag-solo muna sa ibang proyekto.

Hindi man daw sila nagsama sa mga proyekto ay bukas pa rin naman daw ang komunikasyon nila at lumalabas pa rin sila. Pero may mga panahon din daw na hindi sila masyadong nagkikita dahil sa kanilang busy schedules.

“Ay, ngayon sobrang busy kami. Nag-show kami, siya nasa Australia, ako nasa Canada, magkabilang mundo kami. So, pagbalik namin everyday na kami nagsu-shooting.”



HOPING FOR SUPPORT. Sana raw suportahan sila ng mga tao lalo na ng kanilang fans sa kanilang reunion project.

Reunion dahil bukod sa kanilang dalawa kasama ulit nila sa Past Tense ang kanilang Bride For Rent director na si Mae Cruz-Alviar, pati na rin si Ai-Ai na nakatrabaho nila sa ABS-CBN teleserye na My Binondo Girl.

Sa Past Tense, si Ai-Ai ang gumanap bilang future self ng karakter ni Kim. Si Xian naman ang best friend na nakikipagkumpitensiya kay Daniel Matsunaga para sa pagmamahal ng dalaga. Nakatakda itong ipalabas sa mga sinehan sa November 26.

Ani Kim, “Eto ipinagdarasal talaga namin na sana hindi nawala yung suporta nila sa amin. Kung gaano nila kami sinuportahan sa Bride For Rent, sana nandiyan pa rin sila para suportahan kami.”

Hindi rin daw maiwasan na makaramdam si Kim ng kaba at pressure para sa pelikula nila.

“Siyempre may kaba naman sa lahat. Pero mas nakakakaba lang ngayon kasi siyempre may pagku-compare, ganyan. Siyempre iba rin yung nagawa namin dati, eto sobrang kinakabahan kami. Siyempre nilu-look forward namin na nandiyan pa rin yung suporta ng mga tao.”



STRENGTH OF LOVE TEAM. Hindi maikakailang isa sa pinakasikat na mga love team sa bagong henerasyon ang tambalan nila ni Xian na kilala bilang KimXi.

Paano nila mine-maintain ang lakas ng love team nila lalo na’t may iba na ring sikat na love teams ngayon gaya ng KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) at JaDine (James Reid at Nadine Lustre)?

“Siguro, kami kung ano lang kami… kung paano kami minahal ng mga sumusuporta sa amin ganun lang din kami. Hindi kami nagbabago o hindi namin kinu-compare yung love team namin sa iba. And siyempre utang namin yun sa lahat ng fans, sobrang solid silang sumuporta.”

Isa rin daw sa strength ng love team nila ang ginagawa nilang tulungan sa ginagawa nilang mga proyekto. Ayon kay Xian, inaalalayan daw siya ni Kim sa kanilang mga eksena.

Sabi naman ni Kim, “Ako tinuturuan niya ako ng joke. Siya kasi hindi keri ng face niya na mag-joke, so sa akin na lang niya pinapasa. Tapos yung mga serious-serious binibigay ko sa kanya. So, tulungan.”



PRESENT & FUTURE TENSE. Sa Q&A ng presscon natanong si Kim na sa estado nila ni Xian ngayon, nasaan ang aktor sa puso niya: past tense, present tense o future tense?

“Siyempre wala siya sa past tense. Nandoon siya sa pelikulang Past Tense, pero wala siya sa past. Nasa present or future, wow!” sabay tawa ni Kim.

Gaano kaliwanag ang future para sa kanila ni Xian?

“Ako kasi hindi ako yung tipo ng taong iniisip ko na yung future ko. Kasi baka… siyempre pag nag-expect ka na parang kunwari nanalo ka ng lotto, ‘Oy, alam ko mananalo ako sa future ng lotto.’ Pero hindi naman ako nanalo, parang nakakalungkot na i-expect ko yung dapat na mangyari sa future, e, ang Diyos ang may alam nun.

"So, ako masaya ako kung ano yung nangyayari sa akin sa present. Yun nga yung ino-nourish ko, ino-nurture ko and ite-treasure ko. Yun po yung papahalagahan ko sa buhay ko. Kung ano po yung meron sa present ko, masaya ako roon,” paliwanag ng Kapamilya actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN