Glaiza de Castro cries over her Luna best actress award

by Jerry Olea
5 days ago
Glaiza de Castro won the Best Actress trophy at the 37th Luna Awards for portraying a jailed rebel commander in the indie film Liway.
PHOTO/S: Noel Orsal

Napaiyak si Glaiza de Castro nang mabalitaan noong Nobyembre 30, Sabado ng gabi, na tinanghal siyang best actress sa 37th Luna Awards para sa pelikulang Liway.

Nang mga sandaling iyon ay nasa Baler, Aurora si Glaiza, sa beach resort na pag-aari niya. Ikinasal sa Baler noong araw na iyon ang bunsong kapatid niyang si Alchris Galura.

Pasado 11:00 PM noon, tapos na ang wedding reception.

“Nagkukuwentuhan na lang kami ng kapatid ko, saka ng pamangkin ko.

"Tapos na ang reception. Tapos na lahat. Nakauwi na ang mga guest,” lahad ni Glaiza nang ma-interview namin sa Paskong Kapuso 2019, ang Christmas party ng GMA-7 para sa media nitong Disyembre 3, Martes, sa Studio 7, GMA Annex Bldg., QC.

“Tumatawag si Tito Manny [Vallester, manager niya]. Sabi niya, ‘Congrats!’ ‘Para saan?’ Siyempre, gusto ko lang ma-confirm kung para saan talaga, di ba?

“‘Ikaw ang nanalo sa Luna!’ ‘Hindi nga?!’ Tapos, naiyak na ako.

Continue reading below ↓

“Naiyak ako talaga! Tapos, nung nakita ko yung sinend sa akin na pictures, nakita ko na nakalagay ang best actress sa malaking screen... tapos, may video, sina Miss Cherie Gil at Max Eigenmann ang nag-announce... so, tina-tag din nila ako.

“So, parang... sayang na sayang talaga na hindi ako nakapunta!

“Nanay ko rin, naging emotional. Kasi, ipinakita ko sa kanya ‘yung video. ‘Sayang talaga!’ Oo nga, kaso, hindi naman natin pwedeng...

“Kasal, e! Kung dito pa sa Manila, baka pwede pa akong tumakbo, e, di ba? Pero... Baler, e.

“Anim na oras! Hindi talaga kaya,” natatawang sambit ni Glaiza.

Ito ang ikatlong best actress award ni Glaiza para sa Cinemalaya 2018 entry na Liway.

“Iyong una, GEMS. Sa La Salle. Teachers, students. Tapos, iyong pangalawa, Platinum Stallion, which was recent lang,” pahayag ni Glaiza.

“Siguro, mga two weeks ago lang iyon. Ang bumubuo nun, deans, students, professors.

“This is the first time na nanalo ako na peers ko ang bumoto. Kumbaga, mga kapwa aktor ko rin.”

Continue reading below ↓

Sa pagkakaalam ni Glaiza ay ito ang unang pagkakataon na na-nominate siya sa Luna Awards ng Film Academy of the Philippines (FAP).

“Siyempre, hindi basta-basta, e,” masayang pakli ng Kapuso actress.

“So, masasabi ko talagang ito ang pinakamabigat na award na natanggap ko.”

Ang direktor ng Liway na si Kip Oebanda ang tumanggap ng best actress trophy ni Glaiza sa 37th Luna Awards.

Isiniwalat ni Direk Kip ang mga paghihirap ni Glaiza para gampanan ang papel nito sa nasabing pelikula.

Kung minsan kasi, halos araw-araw na nagti-taping noon si Glaiza para sa GMA-7 drama series na Contessa.

And that time, blonde ang buhok niya.

“Parang nagwo-worry sila, baka hindi ko kaya,” sambit ni Glaiza.

“Tapos, siyempre, baka mag-conflict din para sa mga for airing. Mga ganoon. Yun ang mga worry nila, e.

“Ang unang-unang itinanong nila sa akin, ‘Kaya mo ba, kasi, blonde ang buhok mo? Paano mo gagawin ang Liway?’

Continue reading below ↓

“Sabi ko, may mga paraan naman, di ba? May mga spray na inilalagay sa buhok.

“Talagang inilaban namin. Kasi, naniniwala talaga ako sa material. It’s something na sabi ko, gusto ko talagang gawin.”

Sabi pa ni Direk Kip, ubos na ubos ang emosyon ni Glaiza.

“Ubos talaga. Ubos talaga, as in literal. Naubos talaga,” napangiting pag-ayon ng aktres na gumanap bilang isang rebel commander noong martial law sa Liway. Ang kanyang karakter ay naging isang political detainee na pinalaki ang kanyang anak sa loob ng isang prison community.

Hindi inasahan ni Glaiza na kakabugin niya sa best actress race sina Angelica Panganiban (Exes Baggage), Ai-Ai delas Alas (School Service), Anne Curtis (Sid & Aya: Not A Love Story) at Agot Isidro (Changing Partners).

“Hindi talaga. Kaya sabi ko, okay nang nandito ako sa kasal ng kapatid ko. Masaya na ako rito, ano man ang mangyari,” saad ni Glaiza.

“Grabe naman kasi ang bigat ng mga pangalan. Saka bago raw umabot sa lima [nominees], kumbaga, butas ng karayom ang pinagdaanan ng limang nominees na ‘yon.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glaiza de Castro won the Best Actress trophy at the 37th Luna Awards for portraying a jailed rebel commander in the indie film Liway.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results