Piolo Pascual says it felt "surreal" watching his son Iñigo act on the big screen

Relaks, It’s Just Pag-ibig, starring Iñigo Pascual (left), is graded A by the Cinema Evaluation Board. Piolo Pascual (right) says it felt surreal watching his son act on the big screen for the first time.



Successful ang premiere night ng Relaks, It’s Just Pag-ibig na ginanap sa Cinema 7 ng SM Megamall noong Martes, November 11.

Present ang mga lead stars ng movie na sina Iñigo Pascual, Sofia Andres, Julian Estrada at Ericka Villongco. Maraming mga celebrities ang dumating para suportahan ang mga bida ng movie. Naroon si Piolo Pascual, ang tatay ni Iñigo at isa sa producers ng pelikula.

In a brief chat with PEP (Philippine Entertainment Portal) sinabi ni Piolo na surreal ang feeling na makita ang kanyang anak acting on the big screen.

Ang debut film nina Iñigo ay graded A ng Cinema Evaluation Board.

Star-studded ang premiere dahil dumalo rin sina Sam Milby, Eugene Domingo, ang mga producers na sina Direk Joyce Bernal at Erickson Raymundo, Johnny Manahan, and Bela Padilla among others.

Siyempre dumating ang pamilya Estrada para suportahan si Julian, led by Manila Mayor Joseph Estrada, Dr. Loi Ejercito, ang mommy ni Julian na si Precy Ejercito at kanyang mga kapatid na sina Jolo at Jillian.

Naroon din ang kapatid ni Senator Bong Revilla na si Rowena Bautista. Siyempre present din ang dalawang director na sina Antoinette Jadaone at Irene Villamor.

Nakausap ng PEP si Iñigo after the dinner ng cast members at ayon sa 17-year-old actor, sobrang happy siya sa naging reception ng tao sa kanyang debut film.

“I am super happy and thankful sa movie,” sabi niya.

Sobrang excited ako sa premiere night pero wala akong expectations.

"Pero sobrang happy po ako kasi nakita ko ang suporta ng mga tao at ang pagtanggap nila sa movie namin. Hindi ko po ini-expect na ganito ang magiging pagtanggap ng mga tao. Sobrang masaya ako kasi nakita ko po na nagustuhan ng mga tao ang movie.

Very happy rin po si Papa sa movie.

“Sobrang ninenerbyos po ako kanina before the premiere. Pero ako po ay natuwa dahil sa magandang pagtanggap ng tao. Siyempre mas nervous po ako kasi nanood si Papa [Piolo] pero sabi niya I did very well. He congratulated me. He is very proud of me daw po sabi niya pero siyempre nandoon pa rin po ang pressure.”

First time na napanood ni Iñigo ang movie nung premiere so we asked him kung ano ang kanyang naging pakiramdam watching himself acting on the big screen.

“Parang awkward po pero cool kasi napanood ko po ang sarili ko sa sinehan. Dati dream ko lang po iyon pero natupad na po. Dati po si Papa ang pinapanood ko pero ngayon po sarili ko sa screen,” sabi pa ng young actor.

(To watch Inigo and Sofia talk about their roles in Relaks, It’s Just Pag-ibig, CLICK HERE)


Kwento pa ni Iñigo, he is looking forward to doing his next movie which has Nadine Lustre and James Reid as the lead stars. Ito ay ang movie adaptation ng best-selling book na Para sa Hopeless Romantic.

(To learn more about this upcoming movie, CLICK HERE)


By December daw ay aalis siya for a vacation in the United States.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN