Joey Paras reacts to comparisons to John Lapus and Vice Ganda

Joey Paras is the writer and director of the tragi-comedy Wala Na bang Ibang Title. This movie is part of the Pink Film Festival that will take place from December 9-16, 2014.



Sa kauna-unahang pagkakataon sasabak na sa mainstream film directing ang stage actor-turned-TV/movie actor na si Joey Paras.

Si Joey ang writer at director ng Wala Na bang Ibang Title, ang entry niya sa upcoming Pink Film Festival sa Quezon City.

Ang festival na ito ay gagawin mula December 9 to 16, 2014 sa Trinoma Mall. Ipapakita dito ang mga pelikula na tumatalakay sa lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) community.

Ang mga bida ng Wala Na bang Ibang Title ay ang dalawang film directors na sina Wenn Deramas, Soxy Topacio kasama sina Leo Rialp, Candy Pangilinan, at Biboy Ramirez.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Joey para sa Pink Festival kamakailan, sinabi nitong si Jun Lana ang dapat magsilbing director ng movie pero dahil sa hectic schedule nito si Joey na raw ang nag-take over ng project.

Ayon kay Joey, isang tragi-comedy ang tema ng pelikula.

Aniya, “Tungkol ito sa dalawang preso na sina Leo Rialp at Direk Soxy Topacio na tumakas sa Caliwara Provincial Jail. Tapos dun na nag-start...hinahanap kasi ni Leo yung anak niya.

“Si Direk Wenn naman ang Jail Warden. Pinapahanap sila at doon na nagsimula yung journey ng dalawa.”

Bakit ang kinuha mong mga lead actors ay mga director?

“Kasi dream ko yun na yung mga naging director ko before sila naman yung mga actors ko. Saka si Direk Wenn may plano talaga siya na gusto niya i-direk ko siya.

“Sabi ko, eto direk, gagawa tayo...para lang ito sa mga friends, para kaming nag-produce. Katuwaan lang.

"Tapos napunta na rito sa Pink Festival.”

Hindi ka ba nailang na iderehe ang mga mahuhusay na director na ito?

“Hindi. Kasi nung mga director ko sila, super friends na kami. So, parang mas madali. Saka in fairness napapasunod ko sila.

“Saka si Direk Wenn, nag-prepare pa siya for the role. Dala niya lahat ng mga LV [Louis Vuitton] niyang mga sapatos, bag, nagprepare. Saka nag-allot siya talaga ng day for the shoot.”

Nangialam ba sila at pinaramdam ba nila ang pagiging director nila sa set?

“Hindi. Pero minsan kinu-correct nila ako. Once lang ata yun ni Direk Soxy na tama. Pagod na kasi kami. Oh, dito yung camera mong isa. Oo, tama ka Direk na maganda rin kasi first directorial job ko na pang-mainstream na pa-indie.

“Kasi nagdidirek na rin ako ng play at ng short films sa workshop. Ito lang yung ilalabas ko, di ba, bilang sa theater nga ako nanggaling at sa acting, nagturo ako. So, eto nagdecide kami na gawin na nga siya ng malakihan.”

Sino ang peg mo bilang actor-director?

“Hay, ang gandang tanong 'yan..wala akong maisip ngayon e. Pero sa natatandaan ko nung bagets ako gustung-gusto ko si Direk Carlitos Siguion Reyna, kung paano niya ginagawa.

“Tapos nung nakilala ko si Direk Wenn feeling ko ang lakas rin ng impluwensya niya sa akin kung bakit naging ganito yung pelikula na tatawa ka, iiyak ka.

“Pero yung pagiging indie actor ko nangibabaw yun. Na-appreciate ni Direk Wenn yun na hayaan niya ako. Hindi kasing bilis itong comedy na mainstream, e.

“So, iba. Hindi naman nagpapatawa pero nakakatawa.”

Magdidiretso na ba ang directorial career mo?

“Not really, hindi naman. Pero kung may kasunod, why not? Basta, gusto ko yung gagawin ko. Pero siyempre, forte ko pa rin yung pag-arte. Eventually, nong bata ako,since nagtuturo ako ng acting workshop feeling ko papunta rin ako sa directing pag nagkaedad na ako.

“Saka pag nabigyan ng tamang project at tamang opportunity. Gusto ko, na-enjoy ko na.”


ON BEING COMPARED TO JOHN LAPUS. Hanggang ngayon may mga nagkukumpara kina Joey at John “Sweet” Lapus sa isa’t-isa. Si Joey raw na isang nakakabilib ang husay samantalang hindi rin naman papatalo sa kanyang years of acting si John Lapus.

Yun nga lang nai-launch na si Joey sa Bekikang samantalang naghihintay pa rin ng kanyang tsansa ni Sweet.

Komento ng nangingiting si Joey, “bakit kailangang banggitin si Sweet?

“Si Sweet sobrang friends kami. Actually, may plano siyang gumawa ng movie na gusto niya kasama ako na gusto ko rin. Sana matuloy, kay Direk Wenn din yun.

“Pero hindi ko alam kung matutuloy next year.

“Si Sweet...aminin natin, bago pa naman lumabas yung mga katulad naming gay character actors, si Sweet na ang nandun, e.

“Hindi pa ba siya nalu-launch?”

Bagamat, may mahalagang partisipasyon si Sweet sa installments ng Moron 5, hindi naman ito matatawag na launching movie niya.

Lahad ni Joey ng kanyang opinion, “para sa sarili ko, hindi ko rin winish yun. Bilang hindi naman talaga ako showbiz. Parang nung sinabi ni Direk Wenn na ilu-launch niya ako, paulit-ulit kong sasabihin na hindi ko siya pinilit siya talaga ang may plano. Siguro napanood niya ako sa play...

“Kasi gusto niyang gawin yung Bekikang hindi raw niya mahanap yung aktor. Siguro siya na yun, ayan na. So minadali ni Direk, kaya naging madali dahil siguro may project si Direk Wenn, naghahanap lang ng artista for that.

“Siguro hindi si Sweet na nakikita niya for that. Nagkataon lang.

“Kasi hindi ginawa yung movie for me...feeling ko lang ito, nasa isip ni Direk Wenn na bigyan siya ng opportunity nung nagkakilala kami.”

Pressure ba sa iyo na kinu-compare kayo ni Sweet kung ang pagiging versatility at acting nang hindi laging character?

“Thank you, actually gusto kong ma-achieve yun na gusto kong makilala na ganon.

“In real life, hindi naman ako yung napapanood sa TV. Hindi ako masaya, hindi ako komedyante 24-hour.

"Siguro yung kinalakihan ko nga yung disiplina ng teatro, bawal umadlib. Bawal ang bakla, kailangan straight.

“Siguro kailangang gawin ko ito. Pero masaya ako ha? Malaya ako ngayon.

“Idol ko kasi si Kuya Dick, Roderick Paulate. Eto ang totoo. Saka hindi pa kami nagkakausap in person, Facebook friends pa lang kami sinasabi ko kay Kuya Dick na isa siya sa bucket list ko na--kasi tapos na ako kay Uge [Eugene Domingo] naka-work ko na siya sa play.

“Ikaw [Roderick] ang susunod. Dream ko yun, kahit TV, movie or soap lang. Sobra naman siyang talagang ganon ang peg niya. Kaya niyang magpatawa, kaya niyang magpaiyak ng bongga.”

“Gusto kong maging siya. Kasi lumaki ako na nakakatawa siya talaga. Saka pag umiyak si Kuya Dick...siguro dahil magkahilatsa kami,” na ang nais niyang sabihin ay ang mukha.



ON BEING COMPARED TO VICE GANDA. Maliban kay Sweet, naikukumpara rin si Joey sa komedyante na si Vice Ganda.

Komento niya, “Hindi talaga maiaalis na maikumpara kay Vice no? Siya talaga kasi yung nag-set ng trend, e. Siya ang reyna. Karangalan yun na maikumpara sa kanya.

“Pero kung titignan natin may kanya-kanya kaming tinatahak, e. Una, more of a host, may talk show siya. Ako puro soap opera, pelikula..kaya ko ring gawin yun [talk show]. Pero wala akong ganong project e.

“Parang feeling ko, hindi maiku-compare kasi hindi naman siya nagsu-soap at hindi rin naman siya nagi-indie. Nasaan yung comparison...

“Oo, inaamin ko gusto kong makilala sa sinasabi mo [TV hosting] kasi masarap din naman na fulfillment na hindi lang ako ang nakakapagpatawa, kaya ko ring mag-touch ng puso.”

Kaya ka ba nagdirek ng movie para malihis ka sa doon sa image na aktor lang?

“Actually, gusto ko na ring makilala na may ganito akong talent. Tagal ko na ring nagpupuno ng acting workshop,dami ko na ring nagawang short films, hindi lang alam ng mga tao.

“Saka ang alam ng tao isa akong standup comedian.

"Gusto ko lang itama na galing ako sa teatro.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN