Angel Aquino kisses Althea Vega for short film Astray: "This was the first time that I kissed a girl onscreen."

Angel Aquino shot a kissing scene with Althea Vega for the short film Astray. The Philippine screening of Astray will take place during the Quezon City International Pink Film Festival to be held this December.



Isa si Angel Aquino sa mga naging presentor sa awards night ng Cinema One Originals na ginanap sa Dolphy Theater noong Linggo, November 16.

Walang entry si Angel sa Cinema One Originals film fest pero ginusto pa rin niyang dumalo para bigyang suporta ang kaibigan niyang director na si Sigrid Andrea Bernardo. Siya ang nag-direk ng Lorna na pinagbidahan ni Shamaine Buencamino.

“Siya kasi ang naging director ko dati sa Ang Huling Cha-Cha Ni Anita,” sinabi ni Angel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagtukoy niya sa critically acclaimed indie film na ginawa niya para sa 2013 edition ng Cine Filipino.

Nanalo si Angel ng Best Supporting Actress award para sa Ang Huling Cha-Cha Ni Anita kunsaan gumanap siya bilang physical therapist na bumalik sa kanyang hometown.

“Since that time naging close friends na kami ni Direk Sigrid. Lagi ako nandiyan para sumuporta sa kanya.”


ON KISSING ANOTHER WOMAN. Usap-usapan lately ang ginawang short film ni Angel na Astray na nanalo sa isang film festival sa New York kamakailan.

Ang director/producer na si Nerissa Picadizo ang nanalo bilang Best Indie Producer sa International Film Festival Manhattan na ginanap last October 23.

(Read: Jake Cuenca, Liza Diño named Best Actor and Best Actress at IFFM in New York)


Ang Astray ay tungkol sa isang free-spirited woman (played by Angel) na vocal sa pagsabi ng kanyang pagmamahal para sa kapwa babae (played by Althea Vega).

Kuwento ni Angel tungkol sa Astray, “It’s about unrequited love. Nagmamahal ako kay Thea.

“Siyempre noong una, she was trying to play safe. Hindi niya ma-imagine na it’s a possible love affair, gano’n.

“Do’n sa story, I died. Tapos bigla siyang nagsisi na bakit hindi niya ako pinatulan.”

First time ito ni Angel na mag-portray ng role bilang isang lesbian na may kissing scene sa kapwa babae.

Sa hiwalay na panayam ng PEP, pinaliwanag naman ni Angel na nauna niyang ginawa ang kissing scene sa isang babae sa Astray bago pa niya ginawa ang Anita.

"This was the first time that I kissed a girl on screen.

"I was ready naman for anything. Parang may understanding that it wasn't anything intimate.

"Hindi tulad sa Anita na 'ang tagal nito ha.'"

Paano siya nag-prepare para rito?

“A… not much preparation naman. Kasi as an actor, you have to be ready for those things.

“So kumbaga, hindi ko masyadong… hindi ko masyadong inihanda ang sarili ko.

“Pero ‘yong dati sa Ang Huling Cha-Cha Ni Anita, medyo inihanda ko ang sarili ko,” pagtukoy niya sa CineFilipino entry kunsaan na-in love ang isang teenage tomboy sa karakter ni Angel.

Ano ba ang kaibahan sa pakiramdam ng pakikipag-kissing scene sa kapwa babae kumpara sa isang lalaki?

“Well medyo mas nakakatakot ‘yong… kasi ‘yong sa Anita at saka sa Astray, kiss lang naman siya. Hindi naman talaga…

“Kasi kapag sa lalaki… well so far ‘yong mga ginawa ko with guys, parang full-blown ano siya talaga… loveteam. Gano’n.

“So ‘yong sa mga babae, usually kiss pa lang naman.”

Dagdag pa ng aktres:

"Emotionally, I had to prepare rin pero it was a short film so it didn't take so much.

"Elvert [Bañares] is parang the Angel of Death. He was taunting us."

Ang Philippine screening ng Astray ay nakatakdang mangyari bilang parte ng Quezon City International Pink Film Festival na tatakbo mula December 9-16, 2014 sa Trinoma.



ON WORKING WITH NASH AND ALEXA. Sa ngayon, wala pa raw bagong gagawing pelikula si Angel.

Naka-focus siya ngayon sa taping ng Bagito, ang bagong primetime series ng ABS-CBN kunsaan gumaganap siyang nanay ng lead character na ginagampanan ni Nash Aguas.

Laging nakakasama ngayon ni Angel sa trabaho ang bida sa Bagito na si Nash Aguas at ang ka-loveteam nito na si Alexa Ilacad. May sweet moments ba siyang nakikita sa dalawa?

“They’re very close. You can tell that they’re very good friends talaga.

“As in… ‘yong nagsi-share sila ng pagkain. ‘Yong gano’n na… malapit sila sa isa’t isa.

“But not in a romantic way. Kasi mga bata pa talaga sila, e.

“So ‘yong ano nila is more on friendship than a romantic relationship.”

Sa set, parang naging totoong mag-ina na raw ang turingan nila ni Nash. May mga advice din ba siyang naibibigay sa young actor kapag nagkakakuwentuhan sila?

“One time nagtanong siya… anong mas magandang car? Sinasabi namin ni Ariel [Rivera na gumaganap namang tatay ni Nash] sa kanya… alam mo, you invest in a house first.

“Mga gano’ng hopefully sound advice ang ibinibigay namin sa kanya when he asks.

“Pero kung hindi, nakakahiya rin kasi na mag-volunteer ka ng advice, di ba?”

Open ba si Nash sa kanya sa ilang personal na bagay gaya ng tungkol sa pagkakaroon ng crush?

“Oo. Sinabi nga niya sa akin na meron siyang crush.

“Pero I did not ask him. Kasi gusto ko pagkatiwalaan niya ako.

“Pangatlong week pa lang naming na nagti-taping. I think eventually he will be telling me more things.”


OPEN TO AUDITIONS. Para sa pagbabalik pelikula ni Angel, may gusto siyang gawing period film na aniya ay tungkol sa "isang great woman" in history.

“Right now, kapag may teleserye ka mahirap talagang gumawa ng pelikula. Pero I’m looking forward to a movie that I will audition for pa lang.

“So sana makuha ko siya,” sabay ngiti ng aktres.

Anong pelikula ito?

“Ayyy! Hindi pa puwedeng sabihin e,” tawa niya.

“Pero I think it’s a monumental movie. Kasi it’s about one of our female heroes.

“Kaya sana makuha ko siya.”

Hindi biro kapag nag-a-audition. Kailangan ng tiyaga at patience at okay lang daw ito kay Angel.

“Yes, of course. Para rin alam mo how ready you are to do the scene.

"At saka I think that’s how we should do it para alam mo that you’re worthy to play that part.

“At saka makikita mo ‘yong mga kasama mong mag-a-audition, di ba? Parang nakakakaba tapos it’s daunting. Parang gano’n.

“Dati sa Bwaya, nag-audition rin ako. Pero ang nakuha ay si Angeli Bayani.”

Ano bang feeling kapag gano’n na hindi siya ang nakuha for the role gaya ng Cinemalaya entry na Bwaya?

“Uhm… I was honestly thankful kasi mahirap ‘yong pelikula. Mahirap ‘yong role.

“At that time, I was doing Ikaw Lamang so hindi ko rin alam kung paano ipapasok ‘yong schedule.

“But siyempre kahit papano parang… what did I do wrong? Parang gano’n.”

People look up to her bilang isang magaling na aktres. At marami rin ang humahanga sa kanya bilang icon pagdating sa beauty and fashion.

“Buti na lang marami akong kaibigan na designers dahil galing ako sa fashion industry. So kapag may mga events akong pupuntahan, hindi ko na kailangang bumili ng damit.

“They’re very gracious naman to me.”

Paano niya name-maintain ang kanyang beauty at figure?

“Hindi ako kumakain minsan!” tawa ulit niya. “Kapag feeling ko tumataba na ako I would skip a meal.

“Like siguro mga a few days… two meals a day lang ako, gano’n. So medyo disiplina rin.

“And now I’m staring to exercise again. Kasi medyo nag-i-age na rin ako, e.

“So para sa akin, ang pagda-diet hindi magandang tingnan when you’re older. Kailangang i-aim mo na mag-exercise para healthier ka pa rin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN