Kim Chiu wanted to shorten her kissing scene with Xian Lim

When asked about her kissing scenes with Xian Lim, Kim Chiu exclaimed: "Ang tagal! Hahaha! Kaya sabi ko… putulin n’yo naman!”



Maraming mga bagong na-discover sa isa’t isa sina Kim Chiu at Xian Lim nang gawin nila ang pelikulang Past Tense.

Kasama nila sa Star Cinema movie na ito sina Ai-Ai delas Alas at Daniel Matsunaga. Directed by Mae Cruz Alviar, ang romantic comedy film na ito ay ipapalabas sa November 26.

Ayon kay Kim, mas naging open sa suggestions ang leading man niya na si Xian pagdating sa mga eksenang gagawin nila.

“Hindi na po siya nagagalit sa akin,” natatawang sabi ni Kim nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ELJ Building ng ABS-CBN noong Sabado, November 22.

“Kasi dati nagagalit siya sa akin… don’t tell me what to do! Hahaha!

“Hindi niya ako papansinin dati. Mga one hour o kaya two hours.

“Pero ngayon okey na siya. Mas open na siya ngayon. Nagiging receiver na siya.

“Kasi minsan, may mga scenes kasi na hinahayaan lang kami ni Direk. Tapos ako, parang iniisip ko, minsan kasi sa script parang hindi siya swak sa dila ko so may ginagawa ako, ginugulat ko siya.

“Para nando’n ‘yong element of surprise tapos tinatanggap niya. Hindi siya parang… wala sa script ‘yan, ah!

“Tapos pag-cut, sasabihin niya sa akin… don’t tell me what to do, direk! You’re directing me!” tawa ulit ng young actress.

“Pero ngayon, hindi na. Parang sobrang open na siya na… sige, anong gagawin natin? Gano’n na siya.”

Sa story ng Past Tense, si Ai-Ai ang future ng character ni Kim. At si Kim naman ang past ng character ni Ai-Ai na babalikan nito para sa mga bagay na kailangang itama.

Sa mga scenes na magkasama sila, talagang iisa ang kanilang kilos, mannerisms, pati sa expressions at pagsasalita. Paano nila pinaghandaan ito?

Paliwanag ni Kim: “Kami ni Mama Ai, nakakatuwa nga kasi hinahayaan niya ako. Parang… anong gagawin natin dito, baby girl?

“Tapos sabi ko, eto ang gagawin natin Mama Ai: bago tayo mag-line, gaganito tayo tapos ganyan.

“So hinahayaan lang niya ako sa mga expressions namin. Tapos gagayahin niya, parang gano’n.”






Since may part tungkol sa time travel from future going back to the past ang tema ng story ng Past Tense, meron kayang specific moment sa nakaraan ni Kim na kung makakapag-travel siya pabalik ay gusto niyang mai-correct?

“Uhm… siguro ‘yong sa mom ko. Kasi she left no’ng mga nine years old ako. Sana napigilan ko. Pero bata pa kasi ako noon, e.

“Siguro dapat… kung may pera lang ako no’n. Dapat hindi ako natulog para pag gising ko nandiyan pa rin siya.

“’Yong gano’n? Na kasama ko pa rin siya. Na sana nag-beg ako na… huwag ka nang umalis.

“Iyon lang naman ang isang bagay na ni-regret ko. Pero other than that, wala na.

“Parang… sa lahat ng mga nangyari in life, part na ‘yan ng destiny mo. For you to be a better person today.

“Di ba? Sa lahat ng mga sakuna, sa lahat ng mga unos o bagyo, sa lahat ng mga tao na naging part ng past mo, you have to thank them kasi… hindi ako magiging ganito ngayon kung hindi dahil sa kanila.”

Kung papipiliin siya, ano ang kanyang mas gugustuhin… bumalik sa past o pumunta sa future?

“Ako, gusto ko future. Kasi past, wala na akong magagawa do’n e. And it made me into a better person today.

“Sa future na lang… Titingnan ko, maaaksidente yata ako dito kaya hindi na lang ako pupunta. Parang gano’n.

“[Titingnan ko] lolokohin pala ako ng next boyfriend ko, hindi na lang siya. Di ba, gano’n?

“Para mas may awareness sa future.”

Sa trailer ng Past Tense, may tanong kung alin ba ang mas dapat piliin… the love that you’ve always wanted, or the love that has always wanted you.

Kung si Kim ang tatanungin, alin ba ang pipiliin niya?

“Siyempre ‘yong mahal ako. Ang hirap naman kung mahal mo lang. Hindi patas ang laban.

“So gusto ko ‘yong love ako. Dapat ‘yong mahal ako kasi ang hirap naman ng one way lang na pagmamahal.

“Kasi kapag gano’n parang inaapi ka. Parang ang baba-baba na ng tingin mo sa sarili mo. Hindi ka na fresh!” tawa pa niya.

“Dapat ‘yong love ka para fresh ka, happy ka, at nakakaganda. Kasi kahit hindi mo naman love kung love ka, matututunan mo rin naman na mahalin siya, e.”

Nasaang estado na ba ang relasyon nila ni Xian sa ngayon? At paano niya nakikita ang kahahantungan nito in the future?

“Si Xian, siya ‘yong sobrang pinakamalapit na lalaki for me sa ngayon. Konti lang ‘yong friends ko dito sa Manila kasi, di ba, taga Cebu naman ako.

“Sobrang konti lang ang friends ko dito. Tapos umiikot lang ang mundo ko sa showbiz, sa taping or shooting. Or sa family ko lang.

“Si Xian 'yong pinakamalapit na lalaki sa akin. At nando’n kami sa… sobrang comfortable namin sa isa’t isa.

“Kasi parehas kami ng ugali: homebody, boring, konti lang ‘yong friends, family… gano’n.

“So parang swak kami. Na hindi masydong mahilig sa nightlife. ‘Yong mga gano’n.”

From a scale of 1 to 10, ano ang rating na maibibigay niya sa closeness nila ni Xian sa ngayon?

“9!” mabilis na sagot ni Kim.

“9 kasi… para may 1 pang nakalaan pa for the next days or next years.”



ON KISSING SCENE WITH XIAN. Paano naman niya idi-describe ang feeling niya nang kunan ang mga kissing scenes nila ni Xian sa Past Tense? And how did they prepare for it?

“Marami po 'yong kissing scenes!” tawa niya ulit.

“Pero hindi naman po mahalay.

“Meron lang nakakagulat. ‘Yong dulo.

“Nag-dub ako kahapon. Sabi ko… Ang tagal! Hahaha!

“Kaya sabi ko… putulin n’yo naman!”

Parang nagkakapareho raw ang pelikulang Past Tense nina Kim at Xian sa My Big Love na pinagtambalan nina Toni Gonzaga at Sam Milby.

Parehong mataba ang characters nina Xian at Sam sa kanilang mga pelikula.

“Super-daming kaibahan. Wala silang time travel na nag-meet ‘yong past at ang present.

“Siguro nando’n lang ‘yong element na mataba. Iyon lang ‘yong similar na mataba tapos pumayat.

“Pero ‘yong storyline, iba.”

Pangatlong pagtatambal na nila ni Xian sa Past Tense. Ang una nilang movie ay ang Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? at ikalawa naman ang Bride For Rent.

Sa tatlong nabanggit na pelikula, alin ang pinakamahirap?

“Itong Past Tense. Ito ang pinakamahirap," pag-amin ni Kim.

“Sobrang hirap kasi binabalikan namin ‘yong mga eksena. Tapos sinasabi namin… saan papunta ito?

“So parang… ‘yong energy ko kasi dito parang nasa level number 10. Isa itong malaking challenge for me kasi meron pang isang tao na ako.

“Siyempre iisipin ko rin si Mama Ai kung ano ‘yong mga gagawin niya. ‘Yong gagawin ko.

“So hindi lang ako nag-iisip para sa sarili ko. Iniisip ko rin ‘yong future ng character ko na si Mama Ai nga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN