Edgar Allan Guzman to work with JM de Guzman in upcoming movie

Edgar Allan Guzman (left) and JM de Guzman are expected to star in an upcoming movie titled Papa’s Boy.



Masaya si Edgar Allan Guzman na nakasali siya sa cast ng ABS-CBN primetime series na Hawak Kamay kung saan nakaeksena niya sina Piolo Pascual at Iza Calzado.

Sa isang panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Edgar Allan noong November 22, sinabi ng two-time Best Actor awardee (Cinemalaya at Golden Screen Awards for Ligo na U, Lapit na Me) na sobrang masaya siya sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng Kapamilya network to be part of Hawak Kamay.

“I felt so happy and blessed kasi bago pa lang ako sa ABS-CBN pero nabigyan agad ako ng chance na maipakita ang talent ko sa pag-arte. And take note, primetime pa iyon kaya happy and thankful talaga ako sa ABS-CBN,” pahayag niya.

Nagpapasalamat din siya sa oportunidad na kapwa niya nakaeksena sina Piolo at Iza. “Ang saya ko talaga na nakatrabaho ko sila. Sobrang galing nila pareho. Pangalawang beses ko silang nakatrabaho and I can say na mas nakita ko yung pagiging malalim nilang aktor at aktres,” dugtong pa ni Edgar.

Happy ang mga fans ni Edgar dahil mas aktibo na ang kanilang idolo sa career nito. Ikinagalak nila na mas focused na ito sa kanyang career and serious na talaga to make up for lost opportunities.

“Mas naging matured lang kasi ako sa ibang bagay. Iyon po ang nagtulak sa akin na mas maging focus na sa career. Siyempre naisipan ko rin na mahalin ang trabaho at hindi ko ito dapat pabayaan. As the saying goes love your job and it will love you back,” sambit pa niya.

Edgar turned 25 on his birthday last November 20. Ano naman ang kanyang naging wish sa kanyang kaarawan?

“Siyempre po ang wish ko ay sana mas maging maganda pa ang takbo ng career ko this year at sa darating na taon. I also wish for good health kasi health is wealth di po ba? And saka gusto ko rin maging mas matatag for my family.”

Masaya rin ibinalita ni Edgar na may sisimulan siyang bagong pelikula titled Papa’s Boy to be directed by Don Cuaresma. Kasama niya sa movie si JM de Guzman and it will be produced by Cinebro, isang bagong sangay ng Star Cinema.

“Excited na ako kasi alam ko magiging maganda to! Exciting yung story. And maganda yung material tapos magagaling pa makakatrabaho ko. Gusto kong magpasalamat sa ABS-CBN and Star Cinema for giving me this opportunity. I am very happy na nandito ako sa ABS-CBN now!”

Nang tanungin naman if he is recording a new album, sinabi ni Edgar na wala pa ito sa plano as of now. Pero last month ay may inilabas siyang cover ng isang song titled “Sa’Yo," isang acoustic version na puwedeng mapanood ng kanyang mga fans sa YouTube.

Ayaw magsalita ni Edgar about his lovelife. Gusto raw niya na maging tahimik about it. Basta ang mahalaga raw sa kanya ngayon ay minamahal niya ang kanyang trabaho at mas focused siya sa kanyang career.

Hanggang ngayon ay hindi nalilimutan ni Edgar ang kanyang pangarap na makapagpagawa ng bahay for him and his family. Big dream talaga niya ito at sa tuwing siya ay magbi-birthday o kaya sa tuwing papasok ang New Year, lagi pa rin ito ang wini-wish niyang matupad.

“Since I joined showbiz, ang makapagpagawa ng sarili kong bahay for me and my family ang gusto kong matupad. Malaking achievement iyon for me once nangyari iyon. Kaya nga I am working hard kasi gusto ko talagang mag-ipon para matupad ko ang dream na iyan,” sabi pa ng 26-year-old actor.

Natapos na raw ang kontrata niya sa TV5 at kung aalukin siya ng kontrata ng ABS-CBN, he is more than willing to sign up with the Kapamilya Network.

“Kung aalukin nila akong pumirma ng kontrata ng ABS-CBN, pipirma po ako dahil ang sarap na maging Kapamilya,” pagwawakas ni Edgar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN