What makes Ronnie Alonte-Loisa Andalio love team click?

by Rose Garcia
Feb 1, 2020
Ronnie Alonte (right) on what makes love team with Loisa Andalio (left) click: “Iyung pagiging totoo namin, pagiging kalog namin. Walang kahalu-halong harang. Lahat, out kami. Hindi namin itinatago kung ano man ang meron sa amin."
PHOTO/S: Jerry Olea

Para kay Ronnie Alonte, ang kaibahan ng LoiNie tandem nila ni Loisa Andalio sa ibang love teams ay ang pagiging totoo nila.

“Sa totoo lang po, totoo kami.

"Kami po yung mag-love team na totoong magdyowa!” natawang sabi ni Ronnie.

“Pero siguro po, yung pagiging totoo namin, pagiging kalog namin.

"Walang kahalu-halong harang. Lahat, out kami.

"Hindi namin itinatago kung ano man ang meron sa amin.

“At saka, yun siguro, kapag nagtrabaho kami, talagang trabaho talaga.”

Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Ronnie sa mediacon ng James & Pat & Dave noong Enero 31, Biyernes, sa Dolphy Theater, ABS-CBN Compound, Quezon City.

USING REAL-LIFE RELATIONSHIP TO GOOD ADVANTAGE

Bukod sa pagiging totoo nila, ang pagiging magka-love team nila habang sila'y kasalukuyang magkarelasyon ang isa pa ring bukod-tangi sa kanila.

Tatlong taon na silang magkasintahan.

Paliwanag ni Ronnie, “Yung mga love team kasi noon, hindi pa sila magkarelasyon noong pinag-work sila, noong nagkatrabaho sila.

Continue reading below ↓

“So kami, ang pagkakaiba po namin, noong binigyan kami, kami na.”

STAYING TRUE TO THEIR ROLES

Maituturing ba nilang advantage sa kanila na nang gawin nila ang James & Pat & Dave ay totoong may relasyon na sila?

“Siguro po, depende,” sabi niya.

“Depende naman po iyan kung paano mo trinabaho.

"Una, mahirap naman pong talaga, kasi kami nga.

"Paano mo maaano yung story na hindi naman kami?

“Gusto kong i-share sa inyo yung story na kapag nagsu-shooting po kami, pagkadating na pagkadating namin sa set, never ko ho siyang pinansin.

“Never ko ho siyang kinausap o nilambing.

"Kasi ayokong mabaling ang isip ko na kami, lalo na yung eksena namin na hindi pa naman kami.

“Para sa akin, yun ang ginawa ko para maibigay yung dapat na hinihingi ni Direk. Iyun po.”

Pinatotohanan ito ng direktor ng pelikula na si Theodore Boborol.

Kahit daw sila, napaisip kung may problema o may pinag-aawayan sina Loisa at Ronnie, pero preparasyon pala ng mga ito sa eksena ang hindi pagkikibuan.

Continue reading below ↓

Ang James & Pat & Dave ay Valentine offering ng Star Cinema na mapapanood na sa mga sinehan simula sa February 12.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ronnie Alonte (right) on what makes love team with Loisa Andalio (left) click: “Iyung pagiging totoo namin, pagiging kalog namin. Walang kahalu-halong harang. Lahat, out kami. Hindi namin itinatago kung ano man ang meron sa amin."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results