An honest-to-goodness review of Lovi Poe-Zanjoe Marudo iWant movie Malaya

In Malaya, Lovi Poe and Zanjoe Marudo go all-out for their steamy love scenes, and portrayal as tanga-tangahan and pa-fall, respectively.
PHOTO/S: Malaya (iWant)

MALAYA

Starring: Lovi Poe, Zanjoe Marudo
Written and directed by: Connie Macatuno
Producer: Dreamscape Digital for iWant
Release date: May 28, 2020 (but still available for streaming on iWant)

Rachelle SIAZON

Top 1 sa iWant ang pelikulang Malaya, na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Zanjoe Marudo.

Ito ay kahit na may schedule ang pagpapalabas nito sa online streaming site ng ABS-CBN, dahil marahil sa adult theme ng pelikula.

May gulat factor ang mahabang love scene nina Lovi at Zanjoe, na gumanap bilang Malaya at Santiago, sa first few minutes pa lang ng movie.

Sa una, parang napaisip ako, "Kaloka naman ito. Gano'n talaga agad ang eksena?"

Pero may tahi naman pala sa latag ni Direk Connie Macatuno ng kuwento ng pagmamahalan nina Malaya at Santiago "Iago," aka Bubbles.

Napansin ko rito ang individual acting nina Lovi at Zanjoe.

Kuhang-kuha ni Lovi ang ginagampanan niyang karakter: isang babaeng mataas ang ambisyon, pero hindi maka-move on sa lalaking taken na.

Continue reading below ↓

Natural na napakita ni Lovi yung pagiging sensual at chill pagdating sa pambobola sa kanya ng character ni Zanjoe.

Pero bibigay din pala dahil sa deep longing niya for affection.

Si Zanjoe, napanindigan ang pagiging bad boy sa story.

Nakakainis nga kasi alam na alam mo as a viewer na ang dami pang insecurities ng character niya bilang Bubbles, 'tapos landi nang landi kay Malaya.

Gusto ko sabihin kay Malaya. "Girl, huwag kang tanga."

Continue reading below ↓

Jimpy Anarcon:

Nakakatawa naman yung reaction mo at gusto mo talaga pagsabihan si Malaya!

Pero true, isa iyon sa mga ka-crazy-han ng character niya. Tanga siya sa pag-ibig.

As the story continues, medyo marami marami pang mag-a-unfold na katangahan sa pag-ibig si Malaya.

But in a way, I can’t blame her. Charming naman talaga si Iago at grabe rin ang closeness nila kaya talagang mahirap hindi ma-fall. Lalo na at hindi pa nagkaka-boyfriend si Malaya.

And speaking of storytelling, non-linear ang structure na napili ni Direk Connie.

I have always admired non-linear storytelling sa mga teleserye at pelikula dahil na-a-amaze ako sa pagkakatahi ng kuwento nang hindi nauubusan ng paandar at pasabog tuwing may bagong reveal.

Continue reading below ↓

However, hindi ako gaanong na-impress sa storytelling ng Malaya.

Not that hindi effective ang structure, at walang pasabog o reveal sa bawat jump ng panahon, pero may times na magulo ang entry ng susunod na ganap.

The time shift was too fast, parang jackrabbit pacing ang dating, pero pagdating sa mga mismong eksena, may times na bumabagal at nakakainip.

Even then, bawing-bawi naman sa acting nina Zanjoe at Lovi ang kaunting kakulangan sa storytelling.

HOT STORIES

Rachelle Siazon:

Agree ako doon sa hindi ganun kaswabe yung tahi sa transition ng story—may mga putol ng eksena na sana mas pulido.

Naalala mo, Jimpy, may part na may nag-pop up na scribble na "I love you" sa screen?

Parang ang intention ay may babaeng bumulong kay Iago. Pero hindi malinaw kung pagbabadya ba iyon o nagkakahulugan na sila ng loob.

Hindi naman pa-tweetums yung film, so tingin ko ay hindi na kailangan singitan ng cute doodles sa eksenang iyon para iparating ang mensahe sa audience.

Continue reading below ↓

Ang nagustuhan ko ay iyong scenes na litaw ang ganda ng Puglia, Italy. Like yung eksena na nag-uusap sina Lovi at Zanjoe sa yacht sa gitna ng dagat.

'Tapos dun sa tuktok ng hillside area na kita yung whitewashed buildings surrounding the coastal town, parang may nostalgic feels at gusto mo rin doon mamasyal.

Continue reading below ↓

Sina Lovi at Zanjoe, parang sakto lang ang chemistry.

Pero bongga yung confrontation scene nila na todo mura si Lovi. Nakakagalit yung linya ni Zanjoe na, "Hindi ganun kadali pumili!"

Damang-dama ko naman yung sagot ni Lovi na, "Hindi ganun kadali pumili?! Andito lang ako sa harapan mo!!!" Ugh, Bubbles!

Jimpy ANARCON:

Ay wow, naka-relate ka ba kay Malaya at may Iago nang manloloko sa life mo? Charot!

Pero totoo iyon, nakakaloka ang character ni Iago, pero nagustuhan ko in a way ang pagkakagawa sa character niya, dahil naging device ito sa character development ni Malaya.

Although, to be honest, matagal bago nag-develop ang character niya—na hindi kakulangan ng kuwento kung hindi iyon talaga ang personality niya: tanga sa pag-ibig. I'm sure, marami sa atin ang makaka-relate!

Even then, ang sayang sundan ng journey ni Malaya. Okay sa akin iyong marami siyang issues in life, like sa nanay niya, yung pinag-aralan niya at naging trabaho niya sa Italy, kaya na lang din siguro naging gano’n siya katanga sa pag-ibig.

Continue reading below ↓

And, of course, hindi mo naman ma-e-enjoy sundan ang journey ng character kung hindi effective ang portrayal ng gumaganap dito.

Ang husay talaga ni Lovi. Kahit anong project, kayang-kaya niyang dalhin ang character at iba-iba ang pinapakita niya.

Ang nagustuhan ko naman sa acting ni Lovi dito sa Malaya, lumabas na natural iyong scenes na normal lang, pero kung kailangan ng drama, bigay na bigay at maiiyak ka rin talaga.

Continue reading below ↓

Okay din naman ang portrayal ni Zanjoe as Iago. Walang masyadong acting highlights, pero effective ang pagiging pa-fall niya, kaya nakakaasar ang mga ginagawa niya kay Malaya.

But my favorite part was the ending. In a way, na-touch ako doon sa ginawa ni Iago kay Malaya.

Ang nagustuhan ko pa, kahit open-ended ang pelikula, malinaw ang pupuntahan ng ending.

Hindi mo kailangang masyadong manghula...kung ipa-follow mo ang hints.

Pero, in a way, may freedom ka pa ring gumawa ng sariling interpretation kung ano na ang gusto mong mangyari sa characters nila Iago at Malaya.

Ang Malaya ay isang original movie ng ABS-CBN streaming app na iWant.

Ed's Note: The PEP REVIEW section carries the views of individual reviewers, and does not necessarily reflect the views of the PEP editorial team.

MORE PEP GUIDE STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In Malaya, Lovi Poe and Zanjoe Marudo go all-out for their steamy love scenes, and portrayal as tanga-tangahan and pa-fall, respectively.
PHOTO/S: Malaya (iWant)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results