Norte, Hangganan ng Kasaysayan fails to make Oscars shortlist for Best Foreign Language Film

Despite its failed bid for the 2015 Oscars, Norte, Hangganan ng Kasaysayan continues to garner global recognition. The film starring Sid Lucero (left frame) and Archie Alemania (right frame) earned its latest nomination for Best International Film at the 30th Film Independent Spirit Awards and as Best Foreign Language Film of the Year at the 35th London Film Critics’ Circle Awards.


Hindi nakasama sa short list ng nominees for Best Foreign Language Film sa 2015 Academy Awards or Oscars ang Philippine entry na Norte, Hangganan Ng Kasaysayan (North The End of History) ni Lav Diaz.

Nilabas na ng AMPAS (Academy of Motion Pictures Arts and Sciences) noong nakaraang December 19 ang shortlist para sa mga magiging nominado sa Best Foreign Language category.

Ang siyam na pelikulang nakapasok sa shortlist ay ang mga sumusunod: Ida (Poland); Wild Tales (Argentina); Leviathan (Russia); Timbuktu (Mauritania); Force Majeure (Sweden); Tangerines (Estonia); The Liberator (Venezuela); Accused (The Netherlands) and Corn Island (Georgia).

Out of 83 submissions ay walang nakuha mula sa South Asian region.

Twenty-six years nang nagpapadala ang Pilipinas ng entry sa Oscars pero hanggang ngayon ay mailap pa rin na makakuha ng nominasyon ang ating bansa.

Masuwerte naman ang bansang Mauritania dahil first time nilang magpadala ng entry at nakapasok ito agad sa shortlist.

Bigo rin na maging nominee ang Norte sa Golden Globes at Critic’s Choice Movie Awards.

Nabigo mang makapasa sa Oscars, masaya pa rin ang mga taong involved sa pelikulang Norte, Hangganan Ng Kasaysayan dahil nakakuha naman ito ng nomination bilang Best International Film sa 30th Film Independent Spirit Awards at bilang Best Foreign Language Film of the Year sa 35th London Film Critics’ Circle Awards.

Sa Film Independent Spirit Awards, makakalaban ng Norte ang mga pelikulang Ida from Poland, Leviathan from Russia, Two Days One Night from Belgium at Winter Sleep from Turkey.

Halos pareho rin ang mga pelikulang makakalaban ng Norte sa London Film Critics’ Circle Award.

Last December 18 naman nanguna sa listahan ang Norte sa Top 10 Movies of 2014 ng website na Grantland.com.

Ang naging distributor ng Norte sa U.S. ay ang New York-based company na The Cinema Guild.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN