Praybeyt Benjamin 2 earns P440 million; Vice Ganda excited to work with Daniel Padilla in next MMFF movie



Ang pelikula ni Vice Ganda na The Amazing Praybeyt Benjamin ay patuloy pa rin na mapapanood sa mga sinehan kahit tapos na ang 40th Metro Manila Film Festival.

Ayon sa director ng Praybeyt Benjamin 2 na si Wenn Deramas, umabot na ng P440 million ang kinita ng naturang comedy film.

Ito ay pinagbibidahan rin nina Richard Yap, Alex Gonzaga, Bimby Aquino Yap at iba pa.

PEP congratulated Vice Ganda for the success of his Praybeyt Benjamin sequel, na maituturing na top grossing entry of MMFF 2014.

Ang susunod naman na makakasama ni Vice Ganda ay si Coco Martin.

"For this year, ang unang movie ko this year ay with Coco Martin," ani Vice.

Para din ba ito sa Metro Manila Film Fest sa December 2015?

"Hindi. Before film fest ang movie namin ni Coco," ayon kay Vice.

Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Coco na October 2015 ang release ng movie niya at ni Vice Ganda.

Dagdag-impormasyon ni Vice, "I'll be doing a movie, para sa Metro Manila Film Fest [2015], with Daniel...Daniel Padilla! Oo, si Daniel Padilla!"

Maganda, kung gano'n. Magkakaroon ng ViNiel (Vice and Daniel) tandem?

"ViNiel?... hindi kaya parang mag-tiyahin kaming dalawa?" tanong ni Vice na sobra ding natatawa.


ON POKWANG'S MOVIE. Kabilang si Vice Ganda sa mga celebrities na dumalo sa Edsa Woolworth premiere night bilang pagsuporta sa buong cast at production team ng pelikula, lalo na sa bidang actress, ang comedienne na si Pokwang.

Ang direktor ng straight drama na ito ay si John-D Lazatin, ang siya ring nag-direk sa 2011 drama movie ni Pokwang titled A Mother's Story.

Sabi ni Vice Ganda kay Pokwang, matapos ang premiere night, "Ito yung pelikulang hindi mo na kinakailangang humiling na mag-tweet ako sa pelikula mo... [because] I will voluntarily tweet about your movie.

"'Because this is worth tweeting about!'"

Bilib si Vice Ganda sa pagiging komedyana ni Pokwang.

"Magaling naman talaga 'yan [Pokwang]," ani Vice Ganda sa maikling panayam ng PEP sa Uncle Cheffy ng SM Megamall Atrium matapos ang premiere night.

"Hindi naman ako nagduda, at hindi na ako nagtaka pa.

"Hindi ako nabigla, na, 'Ay, ang galing niya?' Dahil magaling talaga siya!"

Dagdag pa ni Vice Ganda, "Para sa lahat ng mga Pilipino ang Edsa Woolworth, because the movie talks about family.

"E, di ba, ang mga Pilipino naman, talagang ang strength natin, e, pamilya?

"Kaya anumang kuwento o anumang istorya na tumatalakay sa pamilya, lahat tayo makaka-relate.

"Lalung-lalo na yung may mga kamag-anak sa ibang bansa.

"Kaya maganda talaga," pag-ulit ni Vice ng papuri niya sa pelikula ni Pokwang.

"Kabilang sa kuwento nito yung pagpapahalaga ng bawat Pilipino, sa bawat miyembro ng pamilya; at yung mga taong itinuturing natin na kapamilya natin, kahit hindi natin kadugo."



MESSAGE FOR RICCI CHAN. Sa kanyang congratulatory message, para kay Pokwang at sa buong cast na bumubuo ng Edsa Woolworth (kabilang ang mga Amerikanong aktor na sina Lee O'Brian, Steven Spohn, at Prince Saruhan; at mga Pinoy actors Lee Robin Salazar at Ricci Chan) ay nagbiro pa si Vice Ganda.

"Gusto kong bigyan ng espesyal na congratulations si Ricci Chan, na...binuwisit mo ako sa sobrang inggit, [dahil] sobrang napakaganda ng mga eksena mo!"

Ang tinukoy ni Vice ay ang mga tender moments at kissing scenes nina Ricci Chan at ng comebacking actor na si Lee Robin Salazar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN