JC Santos almost quit showbiz: "Nagba-browse na ako ng motor" for food delivery

by Rommel Gonzales
Apr 3, 2021
JC Santos almost ventured into food-delivery business during quarantine last year. Incidentally, his role in his film Dito at Doon is delivery rider.
PHOTO/S: PR

Dahil sa COVID-19 pandemic, muntik nang sumuko sa showbiz si JC Santos.

Noong nakaraang taon, sumailalim ang bansa sa quarantine at marami ang biglang nawalan ng trabaho.

Sa parte ni JC, nag-aalala raw siya kung makakapag-shooting pa ba ng pelikula o makakapag-taping pa ng teleserye.

"Challenging iyong idea na hindi ko alam kung magkakatrabaho ako.

"Actually iyon iyong pinakamahirap. Hindi ko alam kung kailan magkakatrabaho, at siyempre, nasanay ka na every month, may dumarating, alam mo iyon?

"'Tapos biglang, uy, wala!"

"'Tapos nagsara yung network," pagtukoy ni JC sa ABS-CBN kung saan isa siya sa mga contract stars.

"'Tapos hindi mo alam kung ano'ng mangyayari bukas, 'tapos, lumalala iyong [COVID-19] cases.

"So that was really bad for me."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng media si JC noong March 29, 2021 sa Zoom mediacon para sa kanyang pelikulang Dito At Doon.

Dito ay gumanap si JC bilang si Carlo Cabahug, isang delivery rider na breadwinner ng kanyang ina at dalawang kapatid na nasa Cebu.

Continue reading below ↓

Ayon mismo kay JC, dahil sa epekto ng pandemya sa showbiz at sa ekonomiya, muntik na siyang maging rider sa tunay na buhay.

Kuwento ng aktor, “Umabot na ako sa nagba-browse na ako ng motor 'tapos sinabihan ko na iyong wife ko na, ‘Magluto ka, ilagay natin sa garapon, ide-deliver ko na.’

“Papunta na ako sa, 'Itigil ko na muna kaya itong shooting-shooting?'

"Kasi kailangan... andun na ako sa pambayad ng bills at future, e.

"Nag-worry ako nang konti. Pero parang isang araw lang naman dumating sa akin iyon. Sige, tiisin ko pa, kahit papaano, so ganun umabot iyong frustration ko."

Kahit na nahihirapan ngayong pandemya, nakabuti naman kay JC ang pagkakaroon ng time para alagaan ang kanyang baby habang naka-lockdown.

Continue reading below ↓

Turning one year and two months old ngayong Abril si River Altheia, ang anak ni JC at ng misis niyang si Shyleena Herrera.

"Pero the part na I have a newborn and I'm taking care of her, so sobrang nagbago iyong mindset 'tsaka yung emotional side ko.

"At iyon yung good side na nangyari sa akin nung lockdown nung 2020."

Kapag natapos na ang COVID-19 pandemic at nanumbalik na sa normal ang lahat, excited si JC na mag-abroad kasama ang kanyang mag-ina.

Aniya, "Matagal na kasi naming plano ng wife ko na lumabas ng bansa, iyon talaga iyong gusto namin, mag-travel. Lalo na ngayon, lagi lang nasa bahay iyong baby, so gusto sana namin mag-travel pagkatapos ng lahat ng ito.

"Gusto kong pumunta kung saan-saan, oo, ma-explore man lang iyong mundo ulit."

JC SANTOS ON DITO AT DOON

Kasama ni JC sa Dito At Doon si Janine Gutierrez, na gumanap bilang Len Esguerra, isang fresh graduate sa kursong Political Science.

Continue reading below ↓

Kumusta katrabaho si Janine?

“She’s so generous and super open, at wala siyang wall kaagad. She’s so approachable.

"So kahit ano'ng ibigay kong acting choices sa kanya, naibabalik sa akin kaagad at naibabalik sa akin nang mas maganda pa na hindi ko ini-expect.

“So nagugulat ako every time, so ang ganda. Dahil paulit-ulit din naman siyang ginagawa, so she managed to make it fresh every time,” ang nakangiting pahayag ni JC.

Nagkaroon ng virtual premiere noong Linggo, March 28, ang Dito At Doon. Ano ang naramdaman ni JC habang pinapanood ang pelikula?

“Noong napanood ko the first time, sabi ko, ‘Hay, salamat maganda iyong pelikula," at tumawa si JC.

"Medyo natakot ako for a moment, pero ayon pala, ang sarap ng feeling pagkatapos.”

Ano ang eksena sa pelikula na tumatak sa aktor?

“May isang eksena na nag-strike sa akin nang todo. I think iyong time na, di ba, frontliner iyong mommy ni Len? 'Tapos hindi niya alam kung ano na iyong magiging resulta.

Continue reading below ↓

"Nakaharap na lang siya sa laptop niya at hindi niya alam kung ano ang magiging reaction niya. Hindi niya alam kung anong gagawin niya at wala na siyang magawa, at nasa bahay lang siya. Pumunta na lang siya sa balcony.

"So, I think naka-relate ako dun sa part na iyon. What if nga naman, ano magiging reaction ko kung mayroon talaga akong family na nagkaroon or magiging suspect?

"Maiiwan ka sa ere 'tapos hindi mo alam kung ano magiging reaction mo.”

Si Lotlot de Leon ang gumanap na ina ni Janine sa pelikula.

Sa direksyon ni JP Habac, nasa cast rin ng Dito At Doon sina Victor Anastacio at Yesh Burce.

Nagsimula na ng Miyerkules, Wednesday, March 31, ang streaming ng Dito At Doon sa limang major online platforms: KTX.ph, Cinema '76 @ Home, iWant TFC, Upstream, at Ticket2Me.

Maaaring maka-avail ng early bird promo para mapanood ang Dito At Doon sa halagang Php 300 sa limitadong oras; ang regular price ay Php 350.

Continue reading below ↓

Ang mga nasa ibang bansa na nais mapanood ang Dito At Doon ay magkakaroon rin ng pagkakataon dahil inihahanda na ng TBA Studios ang worldwide release via premium video on demand (PVOD).

Para sa iba pang detalye tungkol sa Dito At Doon, pumnta lamang sa kanilang Facebook page, o i-follow ang TBA Studios sa Twitter, Instagram at YouTube. Maaari ring sumali sa kanilang group chat online gamit ang hashtags na #DitoAtDoon at #ProudlyTBA.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JC Santos almost ventured into food-delivery business during quarantine last year. Incidentally, his role in his film Dito at Doon is delivery rider.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results