15 Greatest Movie Actors in Leading Roles, 2000-2020: Nos. 11 to 15

No. 11 to No. 15 of the 15 Greatest Movie Actors in Leading Roles, 2000 to 2021

Presenting the PEP LIST of THE 15 GREATEST ACTORS IN A LEADING ROLE (2000-2020): No. 11 Alden Richards, No. 12 Daniel Padilla, No. 13 Derek Ramsay, No. 14 Vice Ganda, No. 15 Gerald Anderson.


The Philippine Entertainment Portal has established the following criteria for an actor to become part of this select list: The men must be considered very good to superior as actors in most of their performances, if not in all. We count only performances in movies. The bigger number of these movie appearances must be as the lead character in mainstream films. The more lead roles they have played, the bigger the possibility of their ranking higher. Their movies must have been released over the most recent two decades: 2000-2010, and 2011-2020.

There are 11 people behind this list. At the time of the deliberations, which began in November and ended in April, all were members of the PEP Team.

GERALD ANDERSON

Continue reading below ↓

Gerald Anderson, 15 Greatest Actors in Leading Roles

BY JET HITOSIS
PARA SA ROLE na leading man, matatawag na easy charmer si Gerald Anderson.

Makikita ito lalo na sa mga huli niyang mga pelikula, kabilang na ang Between Maybes (2019), My Perfect You (2018), How To Be Yours (2016), at Always Be My Maybe (2016).

Flawless ang pagganap ni Gerald sa mga ito; simple ang dating pero hindi kulang, effortless pero may lalim.

Continue reading below ↓

Higit sa ladies’ man roles, mas nagningning ang husay ni Gerald, 31, sa mga challenging portrayals.

Sa mga ganito mas umaalagwa ang pagiging aktor ni Gerald, tulad na lang sa drama-action scenes na napanood sa kanya sa AWOL (2017) at sa On The Job (2013).

Sa direksiyon ni Enzo Williams, ginampanan ni Gerald sa AWOL ang papel ni Army Ranger Lt. Abel Ibarra, na isa-isang tinugis ang mga teroristang pumaslang sa kanyang mga kapwa sundalo at nagtangkang pumatay sa kanyang pamilya.

Intense ang maraming eksena ni Gerald sa pelikulang ito—na ang tema ay halos pareho ng Kapamilya teleseryeng pinagbidahan din ng aktor, ang A Soldier’s Heart, noong 2019.

Sa On The Job ng direktor na si Erik Matti unang naipamalas ni Gerald ang kanyang versatility sa pag-arte bilang si Daniel Benitez, isang bilanggong masusing sinasanay para maging hitman.

Hindi kinailangan ni Gerald ng maraming dialogue sa action thriller film na OTJ dahil ang kanyang mga mata ang kinakitaan ng sari-saring emosyon sa karamihan ng kanyang mga eksena sa pelikula.

Continue reading below ↓

Napakalinis ng performance ni Gerald sa On The Job, kaya naman hindi siya nagawang lamunin sa aktingan ng pinakamadalas niyang kaeksena, ang award-winning veteran actor na si Joel Torre.

Sa katunayan, tumanggap si Gerald ng Best Supporting Actor recognition mula sa 12th Gawad PASADO Awards noong April 5, 2014 para sa napakahusay niyang pagganap sa On The Job.

Gerald Anderson, 15 Greatest Actors in Leading Roles

Continue reading below ↓

BY JAMES PATRICK ANARCON
WHEN IT COMES to movies, Gerald Anderson shows his mettle in two genres: romance and action. He has the looks and the body for both.

Kaya siguro mas lumawak din ang kanyang kakayahan bilang actor ay dahil hindi naka-box ang kaya niyang range.

Although may mga galaw si Gerald na nakasanayan na at nadadala sa iba-ibang roles, kaya niyang timplahin ang mga ito at iayon sa kanyang karakter.

Given nang nagpamalas ng galing si Gerald sa action scenes sa pelikulang OTJ (2013), pero gusto ko ang eksena nila rito ni Joel Torre, kung saan halos ituring nila ang isa’t-isa bilang mag-ama, hanggang sa ma-reveal ang pagtatraydor ng isa sa kanila.

Nagampanan naman nang maayos ni Gerald ang complex character niya sa My Perfect You (2018) kapareha si Pia Wurtzbach.

Nakakagulat ang naging twist ng kuwento sa pelikulang ito, na epektibo namang naipakita ni Gerald.

Isa sa mga gusto kong eksena niya ay iyong nag-uusap lang sila ni Pia habang ikinukuwento ni Gerald ang kanyang nakaraan.

Continue reading below ↓

Simple, pero ramdam mo ang pinagdaanang hirap ng kanyang character.

VICE GANDA

Vice Ganda

BY JO-ANN Q. MAGLIPON
IN ANY MOVIE, it is never easy to be in the same frame as Vice Ganda.

His is a presence that the camera quite naturally picks up, and for his co-stars it becomes a toss-up between—overacting to get the audience to shift their attention from Vice to them or demanding that the script throw stronger lines their way so that they stay in the game.

Continue reading below ↓

Vice knows how to use his body. Whether it’s the big eyes or the prominent mouth, the dexterous neck or the limbs and arms that go on forever, the powerful hands or the powerhouse hips, Vice moves his body parts seemingly at will. One might even say that his body parts are characters in themselves. Just as one can say that it takes a sharp actor to understand that the parts and the sum of his body are fine acting instruments and a talented one to command them all to do as he bids.

With much of local comedy dependent on body language, he gets the box-office to do exactly what it wants: bring in the money.

Then comes his delivery. His is almost predictably spot-on, with a timing sharpened through the years with roles that went from sidekick to lead pretty quickly. As quickly as his pretty wit, this one honed through the years of stand-up acts and hosting jobs on TV and bar clubs.

Yes, Vice Ganda fills up the screen—and, with talent like that, whyever not?

Continue reading below ↓

Vice Ganda, 15 Greatest Movie Actors

BY KAREN A.P. CALIWARA
COMEDY IS UNDOUBTEDLY the turf of Vice Ganda.

He is inherently funny and witty, it always makes me wonder if he's delivering lines from a script or off the cuff.

It is with his adlibs that his comic timing is more evident.

I particularly liked his scenes with Richard Yap in The Amazing Praybeyt Benjamin (2014).

Continue reading below ↓

Priceless yung facial expressions at mga hirit niyang “Hala, galit na naman siya, o” when Richard tells him, “Are you disobeying your Commander in Chief?”; and the double-entendre “It’s up to you, Sir” after Richard threatens, “Anong gusto mo, paputukan kita?”

And thanks to his comedy-bar stints, playing multiple roles in his movies is to Vice just a walk in the park.

He was a natural in The Unkabogable Praybeyt Benjamin (2011), in This Guy’s In Love With You, Mare (2012), and in Girl, Boy, Bakla, Tomboy (2013).

In Girl, Boy..., Vice actually goes as far as doing a straight-guy act.

Here, of course, he tends to exaggerate the features of manliness, and ends up looking ridiculous, but even that can end up being funny. His brand of comedy has masa appeal, limited to no age or gender. Kaya nga eight out of his nine films became high-grossing hits, if not No. 1, at the Metro Manila Film Festival.

Continue reading below ↓

Suma tutal, if you want to laugh and be happy, pick any Vice Ganda movie.

DEREK RAMSAY

Derek Ramsay, 15 Greatest Movie Actors in Leading Roles

BY ROMMEL LLANES
KADALASAN, ANG AKALA ay walang masyadong maaasahan sa aktingan sa mga artistang katulad ni Derek Ramsay—tatak ang pagkaguwapo, walang dudang matipuno ang katawan, at may konting accent ang pananalita dahil sa taglay na kalahating dugong-banyaga.

Continue reading below ↓

British-Filipino si Derek. Kumbaga, iniisip ng iba na ito'y puro gandang lalaki lang.

Pero napatunayan ni Derek sa maraming pelikula na kaya niyang gampanan nang mahusay ang iba-ibang roles na ibinibigay sa kanya.

Kapani-paniwala siya bilang iskalawag na pulis sa The Janitor (2014).

Umigting ang tensiyon ng love triangle sa dramang No Other Woman (2011) dahil matatanggap mong maaari siyang pagnasahan ng dalawang magandang babae.

At napatunayan niyang kaya niyang mag-comedy nang magkapareha sila ni Jennylyn Mercado sa English Only, Please (2014).

Masasabi mong complete package si Derek bilang aktor.

BY ARNIEL SERATO
TAONG 2009 NAGSIMULANG pumaimbulog sa leading-man roles si Derek Ramsay sa pamamagitan ng pelikulang I Love You, Goodbye.

Isa itong sexy, romantic drama at kasama niya rito ang girlfriend niya noong si Angelica Panganiban.

Magmula noon karamihan sa mga pelikulang ini-offer sa kanya ay mga sexy at mature roles. Ilan sa mga ito ang No Other Woman (2011), A Secret Affair and Trophy Wife (2012), Ex With Benefits (2015), at The Escort (2016).

Continue reading below ↓

Hindi siya nagkulang sa mga pelikulang iyan, pero talagang lumabas ang galing niya sa Cinemalaya entry na The Janitor (2014).

Napanood ko rin yung My Candidate (2014) na tungkol sa pulitika. Mahusay din siya rito. Hindi masyadong pumatok ang pelikula, pero yung mahilig sa politics ay magugustuhan ito.

Isa sa mga hindi gaanong sexy na pelikulang ginawa ni Derek pero hahagalpak ka sa tawa ay ang 2014 Metro Manila Film Festival Entry na English Only, Please, kasama si Jennylyn Mercado.

Refreshing ang tandem nila sa movie. Romantic-comedy ang pelikula at may kaunting kurot din sa puso.

Sana gumawa pa ng mga ganitong material si Derek.

Derek Ramsay, 15 Greatest Movie Actors in Leading Roles

Continue reading below ↓

BY RACHELLE SIAZON
IBA ANG PINAKITANG ANGAS ni Derek Ramsay bilang action star sa The Janitor, kung saan bida si Dennis Trillo.

Si Derek ay si Dindo Marasigan, isang decorated Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) operative, na hinahangaan dahil sa tapang niya sa pagtimbog ng kriminal.

Pero si Dindo rin ang isa sa apat na tinatayang suspect sa isang madugong bank heist.

Nagmarka ang sub-plot tungkol kay Dindo.

Matikas ang tindig, maliksi, at agresibo ang atake ni Derek sa umaatikabong drug-bust sequence ng pelikula. Animo’y action star siya sa paghawak at pagtutok ng baril sa mga hinahabol na drug user.

Kapani-paniwala rin ang angas niya sa paghaharap nila ng karakter ni Dennis, na iniidolo siya bilang police officer.

May tahi ang kilos ni Derek sa papel niyang babaero at matapang na pulis, dahil sinusubukan niyang ma-intimidate ang karakter ni Dennis.

Pinandilatan ng mata, minura, at nakakalaking humawak pa si Derek sa bandang ari nang hamunin niya si Dennis na iputok ang baril para tuluyan na siya.

Continue reading below ↓

Na-disarm ni Derek ang hawak na baril ni Dennis, kaya nagbakbakan sila gamit ang mixed martial arts.

Nabuhat pa ni Derek si Dennis at saka ibinalibag sa sementong sahig.

Nakabawi si Dennis at maliksing naagaw ang baril para todasin si Derek.

Naging oportunidad ang The Janitor para maipakita ni Derek ang kakayahan niya bilang artista, bukod sa pagiging credible leading man sa patok niyang mga pelikula tulad ng No Other Woman (2011) at English Only, Please (2014).

DANIEL PADILLA

Daniel Padilla, 15 Greatest Movie Actors in Leading Roles

Continue reading below ↓

BY NIKKO TUAZON
DANIEL SHOWED PROMISE from the start when he appeared as a teenybopper in teleseryes.

He moved to the top of his game in the movie Barcelona: A Love Untold (2016), which earned Daniel praises for his portrayal of a complex character hurdling personal conflicts.

He plays Ely, a graduating architecture student moonlighting as a waiter, a tour guide, and a photographer to provide for his family back in Manila.

In the movie, Daniel is riveting in his confrontation scenes with Kathryn Bernardo, playing Mia, the love interest who happens to be the doppelganger of the girl he can’t get over with, and with Maria Isabel Lopez, playing Ely’s mom Belinda.

The highly charged eight-minute scene with Ely and Belinda, where he lets out all his resentment toward her for leaving their family when he was just a kid, particularly crowned Daniel as a fully realized actor.

His other movies with Kathryn Bernardo—Must Be... Love (2013); She's Dating the Gangster (2014); Crazy Beautiful You (2015); Can't Help Falling in Love (2017), and The Hows of Us (2018)—are clear indications where Daniel is walking the road of very good actors who are also matinee-idol material.

Continue reading below ↓

He is destined to be the perfect leading man. He may also again be one of the greatest actors in the next decade.

Daniel Padilla, 15 Greatest Movie Actors in Leading Roles

BY CHEZ GANAL
DANIEL PADILLA IS the current model for the Pinoy dreamboy—as enigmatic and brooding as Piolo Pascual or as angst-ridden and sweet as John Lloyd Cruz.

Continue reading below ↓

On top of that, he carries around with him the Padilla charm, earlier much displayed by his uncle Robin Padilla.

Easily, Daniel can make audiences fall in love with him with a hurt gaze and a shy smile.

His first few movies established him as a teen star, with the massive success of She’s Dating A Gangster (2014) solidifying that status.

Two years later, Daniel began his transition from teen heartthrob to leading man in the romance-drama Barcelona: A Love Untold (2016).

The film served as the vehicle from which he and on-screen and off-screen partner, Kathryn Bernardo, would come out of their teen-idol shells and emerge as box-office romantic leads.

In particular, Barcelona was a showcase of Daniel’s potential as one of the top leading men of his generation.

Some of his best moments in Barcelona occurred during the movie’s quiet moments, such as when Ely tries to steal a glance at Mia or when Ely reconnects with his estranged mother.

Continue reading below ↓

Daniel also gave notice of his screen presence in the shot where he and Kathryn had their first on-screen kiss.

At this point in his career, Daniel has audiences anticipating what he can do as a dramatic actor outside of the love-team bubble.

He will have his chance.

At the time of this writing, Daniel is set to appear in his first solo drama film, Whether the Weather is Fine, with former ABS-CBN executive and returning actress Charo Santos-Concio.

The movie centers around the aftermath of super typhoon Yolanda in Tacloban—certainly a far cry from what Daniel and his fans are used to, but one worth looking forward to.

ALDEN RICHARDS

Alden Richards, 15 Greatest Movie Actors in Leading Roles

Continue reading below ↓

BY JAMES PATRICK ANARCON
ALDEN RICHARDS ALREADY showed potential at the beginning of his acting career, but the next years showed that he would also be a quick study.

Sa loob ng isang taon mula nang nagsimula siya, nakagawa si Alden ng dalawang magkaibang pelikula: the youth-oriented kilig movie Tween Academy: Class of 2012 and the psychological thriller The Road.

Sa Tween Academy, ang role ni Alden ay normal high-school teenager na may angas dahil siya ang school heartthrob.

Sa The Road, misteryoso ang dating ni Alden dahil wala siyang gaanong linya kaya kailangang maipakita sa ibang pamamaraan ang iniisip niya at nararamdaman.

Nasapol ni Alden.

Sa The Road, nag-shine siya dahil epektibo niyang nailabas ang kanyang karakter sa galaw ng kanyang mga mata at katawan.

Noong una, aakalain mong nagpapakilig ito sa karakter ni Louise delos Reyes, iyon pala, may twist sa kanyang pagkatao at bigla na lamang siyang nag-transform!

Continue reading below ↓

Hard to believe na yung dalawang magkaibang characters na iyon, nagawa ni Alden in his first year pa lang sa showbiz.

Siyempre pa, mas mataas ang ipinamalas na galing ni Alden sa blockbuster movie niya nitong 2019, ang Hello, Love, Goodbye.

Idinaan uli ni Alden sa mga mata niyang nangungusap ang emotions ng character at sa mga delivery ng lines na tama ang timpla—from being merely a charming boy to a man na may matinding pagmamahal sa character ni Kathryn Bernardo.

Maging ako na manonood, naramdaman ko iyon.

Alden Richards, 15 Greatest Movie Actors

Continue reading below ↓

BY RACHELLE SIAZON
KILALANG MATINEE IDOL si Alden Richards, pero hindi lang siya basta nagpakilig sa pelikulang Hello, Love, Goodbye (2019), ang tumatayong highest-grossing Pinoy film sa kasalukuyan, na pinagbidahan nila ni Kathryn Bernardo.

Dito ay nagpaantig din ng damdamin ng mga manonood si Alden bilang si Ethan, dating medical student na naging bartender sa Hong Kong at nakilala ang karakter ni Kathryn na si Joy, isang domestic helper na nag-iipon ng pambayad ng placement fee para makapunta ng Canada.

Sa Hello, Love, Goodbye, angat ang kakisigan ni Alden sa kanyang scruffy look. Nagpahaba siya ng goatee at may konting bigote, with matching tattoo sa braso. Medyo bad boy ang kanyang dating, at nakatulong iyon para ma-establish din ang opposites-attract vibe ng love story nila Ethan at Joy.

Pagdating sa drama, kita ang galing sa pag-arte ni Alden sa eksenang nagsusumamo si Ethan na piliin siya ni Joy at huwag nang umalis pa ng Hong Kong.

Continue reading below ↓

Asset niya ang nangungusap niyang mga mata para bigyan ng hustisya ang emosyong hinihingi ng eksena.

Sakto ang pagpatak ng luha sa kanang mata ni Ethan, kaya nakakaantig ang paghayag niya na mahirap tanggapin na kailangan niyang pakawalan ang babaeng minamahal.

Malaking bagay din ang tindi ng chemistry nina Alden at Kathryn sa pelikula, dagdag pa ng magandang rehistro ng close-up shots nila, kaya masarap silang panoorin sa big screen.

Kilig ang paggamit ni Ethan ng kanyang bedimpled smile at malanding mga titig kay Joy noong kakikilala pa lang nila at nag-uusap sila sa tapat ng Victoria Harbour, overlooking ang skyline ng Central Hong Kong.

Achievement na pumatok ang tambalan nila, kahit na si Kathryn ay highly identified sa kanyang reel-and-real-life sweetheart na si Daniel Padilla.

Si Alden naman ay si Maine Mendoza ang huling naging perennial leading lady.

Maganda ring balikan ang The Road (2011), isang horror crime drama film na naiiba sa karamihan ng mga nagawang proyekto ni Alden.

Continue reading below ↓

Baguhan pa lang siya noon, pero nagmarka ang kanyang performance bilang isang psychotic serial killer.

Nakakapangilabot siya sa mga eksenang tinotorture niya ang mga karakter nina Rhian Ramos at Louise delos Reyes nang ikinulong niya ang mga ito sa kanyang tirahan sa liblib na lugar.

Sinapak, tinulak, at sinakluban pa niya ng supot/sako ang ulo ng mga ito.

Iyon ang nag-iisang bayolenteng role na ginampanan ni Alden. Pero ang pagpapakitang-gilas niya sa aktingan doon ang isa sa mga naging daan para maging sunud-sunod ang lead roles nya sa GMA Network.

Bukod dito, naging patunay itong may likas na tapang si Alden. Tatanggapin niya ang role, kahit maaaring makasira ito sa matinee-idol image niya.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
No. 11 to No. 15 in PEP.ph's picks for the 15 Greatest Movie Actors in Leading Roles, 2000 to 2020: Alden Richards, Daniel Padilla, Derek Ramsay, Vice Ganda, and Gerald Anderson. Presenting No. 11 to No. 15 of the 15 Greatest Movie Actors in Leading Roles, 2000 to 2021.
PHOTO/S: Cyrus Panganiban and Mark Nicdao for YES! Magazine / @praybetbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results