Vince Rillon unfazed by intimate scenes with Paolo Gumabao in Sisid

by Jerry Olea
Oct 23, 2021
Vince Rillon (left) on intimate scenes with Sisid co-star Paolo Gumabao (right): "Nanginginig-nginig ako! Pero kung ano yung ginagawa niya sa akin, ginagawa ko rin sa kanya para patas."

Challenging para kay Vince Rillon ang Viva movie na Sisid, kung saan magkaromansahan sila ni Paolo Gumabao, sa direksyon ni Brillante Mendoza.

“First time ko pong makagawa ng ganito,” sabi ni Vince nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong nakaraang Biyernes ng hapon, Oktubre 23, via Zoom.

“Kakaiba para sa akin na gumawa ng ganito, BL [boys’ love]. First time sa akin na lalaki yung partner ko, habang ako meron din akong girlfriend, ganun.

“Pagdating sa lalaki, siguro challenging sa akin. Kasi naramdaman ko yung ano, e. Parang… nakaramdam din ako kay Paolo.

“Pero bilang lalaki, nagawa namin nang maayos yung trabaho namin. Nagkaroon kami ng connection.

“Bago pa lang kasi namin gawin ito, si Pao, napaka-down-to-earth niya. Siya yung unang nag-approach sa akin na, ‘Vince, I’m Paolo Gumabao.’ Ganun siya.

“Tapos, sabi ko, ‘What’s up, bro?’ Ganun. So, nag-bonding muna kami. Nagkaroon kami ng connection sa isa’t isa para maayos namin ang mga BL namin na eksena sa Pola (Oriental Mindoro).”

Continue reading below ↓

Ang gumanap bilang girlfriend ni Vince sa Sisid ay si Christine Bermas, na naka-love scene na niya before sa pelikulang Red Earth na kinunan din sa Pola, sa pamamahala rin ni Direk Brillante. Bida sa Red Earth sina Coco Martin at Julia Montes.

“OK naman po. Magaan naman po. Kasi, yung una pa po, nag-bonding na rin kami ni Christine,” matamang lahad ni Vince.

Continue reading below ↓

“So, ngayong pangalawa, OK naman po. Magaan po. Same lang din kay Pao. Kasi, si Pao, lalaki, so, madali akong makakonek. E, yung dati pa si Christine, nag-bonding din talaga kami.

“So, mas mabilis akong naka-pick up kay Pao kahit first time ko lang siyang nakatrabaho ngayon.”

VINCE ADMITS CHALLENGE OF FILMING UNDERWATER SCENES

Nahirapan ba siya sa underwater scenes sa Sisid?

“Opo, kinabahan po ako. Hindi po kasi ako marunong sumisid nang ganun katagal,” mabilis na tugon ni Vince.

“Kaya po maaga po akong pumunta dun sa Pola para mag-immerse ng diving. Nung una, takot na takot po ako. Kasi, kahit kailan, hindi ko pa po na-experience yun, e.

“Yung sumisid, sa buong buhay ko. Kahit yung mga sa family ko, outing lang po kami, magkasama kami ng family ko. So, natuto po akong sumisid, yun po.”

Vince Rillon

Continue reading below ↓

Mas mahirap pa yung sumisid kesa yung mga love scene nila ni Paolo?

“Opo! Nahirapan po ako sa sisid. As in takot na takot ako, nagpapaalam ako sa mga staff,” natatawang paggunita ni Vince.

“Sabi ko, ‘Huy, bahala kayo diyan…’ Natatawa sila sa akin. Kasi, grabe po yung… seven meters. So, more than twenty feet yung binababa namin.

“Tapos, pag nakikita ko na yung mga corals, natatakot ako, nalulula ako. Kasi pagtingin ko, ang taas-taas na! Sobrang lalim na ng sinisisid namin.

“Peto nung nakalapag na yung paa ko sa may sand, sa ibaba… tapos, binitawan na ako nung nagtuturo sa akin, doon na ako napalagay.

“Pero dalawang araw akong nahihirapan. Kasi, sobrang takot po talaga ako sa ilalim. Sobrang ano,” pag-iling-iling ni Vince.

VINCE, A NATURAL FOR GAY ROLES?

Anong klaseng gay ba ang karakter ni Vince sa Sisid? First gay role ba niya ito?

Napakunot-noo si Vince, “Hmmn, hindi naman actually gay ako diyan. Kasi, para akong naguguluhan sa pagkalalaki ko diyan, e.

Continue reading below ↓

“Pero first time ko po iyan, opo.”

Hindi pa sumailalim si Vince sa acting workshop. Bagkus, nag-i-immersion siya sa bawat role na ipagkatiwala sa kanya.

Paano ang immersion niya para gampanan ang papel ng isang lalaki na umibig sa kapwa lalaki?

“Si Pao, kinausap ko lang naman si Pao. Sabi ko kay Pao, kung may experience na siya. Tapos, tinanong niya rin ako,” kaswal na kuwento ni Vince.

“So, nag-usap kami nang ganun. Tapos… ay! Parehong wala. Sabi ko, ‘Isipin mo na lang, babae ako. Isipin mo na lang din, babae ka.’

“Tapos, sabi ko, ‘Kung may mga eksena tayong hubad-hubad,’ sabi ko, ‘I’m sure, mahihiya tayo.’

"Sabi ko, ‘Gawin na lang natin nang ano, nang totoo!’ sabi ko. ‘Totoo, para hindi tayo mag-take two,’ sabi ko, ‘Para hindi tayo nakabuyangyang doon.’

“Sabi ko, ‘Di ba, kailangan, magbubuyangyang tayo doon?’ E, maganda naman po yung mga shot. Hindi po masyadong nakakailang kahit maghubad ka, di ba? Ganun po,” pagtango ni Vince.

Continue reading below ↓

Take one lang ang mga intimate scene nila sa kama?

“Opo! Pero nagche-change angle naman po.”

VINCE ADMITS BEING SWEET TO PAOLO EVEN OFF-SCREEN

Halata sa still photos ang passion nila ni Paolo sa isa’t isa.

“Nag-aano nga po kasi kami, e. Nagiging sweet kami sa isa’t isa ni Pao,” sambit agad-agad ni Vince.

Continue reading below ↓

“Nagiging sweet kami! Ayun, minsan, binibiro ko siya, sinusubuan ko! Tapos, magkasama kaming dalawa. Pag kakain, sinusundo ko siya, ‘Tara, bro! Kain tayo!’

“Meron kasi siya doong ice maker. May dala naman po akong blender. So, gumagawa ako lagi ng fruit shake. ‘O, Pao, fruit shake tayo…’ Kaming dalawa lang.

“As in kaming dalawa lang! Walang ibang binibigyan!”

Continue reading below ↓

Nakakatulala ang ekspresyon nila habang magkasiping, at tila naglulunoy sa paulit-ulit na sukdulan. Nakakadarang!

“Nakaka-enjoy po kasi yung karakter namin. Nag-enjoy din naman po ako.”

Nakiliti ba si Paolo sa halik niya? O siya ang nakiliti sa halik ni Paolo?

“Ako! Kasi, ano siya, e… medyo mabigote! Nanginginig-nginig ako! Pero kung ano yung ginagawa niya sa akin, ginagawa ko rin sa kanya para patas.

“Kung didilaan niya ako, didilaan ko rin siya! Ganun!” natatawang pahayag ni Vince.

Pag hinahaplos siya ni Paolo, gumaganti siya ng haplos?

“Opo! Talagang… sabi namin sa isa’t isa, ‘Bro, hindi puwedeng ikaw lang yung mag-stand out, dapat dalawa tayo.’ Nagtutulungan kami. Natutuwa ako sa kanya.

“Tapos, pag may eksena po kaming medyo mabigat, sabi ko sa kanya, ‘Bro, huwag tayong maging masaya.’ Kasi, pag nagiging masaya kami, kunyari, morning, masaya yung mga eksena namin…

“Tapos, pagdating ng gabi, meron kaming eksena na mabigat… sa mukha namin, ang saya-saya namin! Nakikita ni Direk sa camera. ‘Sabi ko sa ‘yo, ‘wag mo akong patawanin!’ Yung ganun,” pagmamaktol kunwari ni Vince.

Continue reading below ↓

“Kaya minsan, kinabukasan, titingnan namin kung ano yung eksena namin. ‘O, huwag muna tayong ano, seryoso muna tayo.’

“Ayun, naitatawid namin, lalo na yung mga love scene-love scene namin. Nararamdaman din namin sa isa’t isa na tuwing gabi, masaya kami, dahil naitawid na naman namin nang maayos yung mga eksena namin. Masaya kami, iyun ang gift namin sa sarili namin. Ayun, ayun po.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vince Rillon (left) on intimate scenes with Sisid co-star Paolo Gumabao (right): "Nanginginig-nginig ako! Pero kung ano yung ginagawa niya sa akin, ginagawa ko rin sa kanya para patas."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results