QC Mayor Joy Belmonte wants Sarah Geronimo to star in her bioflick

by Julie E. Bonifacio
Feb 14, 2022
Joy Belmonte picks Sarah Geronimo to to star in her biopic
If given a chance to immortalize her life story on the silver screen, Quezon City Mayor Joy Belmonte says she would love Sarah Geronimo to play her part.
PHOTO/S: QC Mayor Joy Belmonte on Facebook; @justsarahg on Instagram

Bukas si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa posibilidad na gawan ng pelikula ang kanyang life story.

Pero sino ang gusto niyang gumanap bilang bida nito kung sakali mang matuloy?

"Ay, si Sarah Geronimo! I love Sarah. Yeah, you know why?"

Kuwento niya, “Because Sarah played a very important role in my life, because when I first ran for vice mayor of Quezon City, and that was in 2010, she was my endorser.

"Kasi in those days, may sinasabi ang mga tao na medyo magkahawig kami.

"Hindi ko nakita yun actually, kasi napakaganda naman ng batang yun at saka magaling kumanta.

"Pero dahil diyan ay may nanglibre sa akin na supporter. I think yung talent fee niya sinagot para maging endorser ko si Sarah.

“So she appeared in many of the rallies to endorse, to sing, and to entertain the people. So, always and forever Sarah Geronimo ako,” sabi pa niya.

Continue reading below ↓

Samantala, ipapagpatuloy pa rin ni Mayor Joy ang napasimulan niyang QCinema International Film Festival sa pag-e-extend ng kanyang termino kapag nahalal muli bilang Mayor ng Quezon City.

Hopefully, mabalik na sa dati ang sistema ng panonood sa mga kasaling pelikula sa QCinema film fest.

"Yes, basta wala naman pong restrictions galing sa national government, tuluy-tuloy na po iyan,” paniniyak ni Mayor Joy.

“In fact, the last one, it was held last November. Half of it was already face-to-face, at half was hybrid.

"Pero kung tuluy-tuloy na po na ganito kababa ang mga kaso natin, for sure one hundred percent ay puwede na siyang face-to-face."

Kinukunsidera rin daw niyang meron maipapalabas rin ito sa video-on-demand o streaming platform.

Dugtong ng mayora, "...itong dalawang taon kasi na nasanay na tayo sa online 'tsaka sa streaming, marami rin ang nagsasabi na kahit na mag-back to normal, gusto pa rin nilang mapanatili yung streaming as an option.

Continue reading below ↓

"So we are considering continuing to have like online streaming in addition to the face-to-face sa movie theaters. Mas larger in scope and it gives more options, as well."

Nakausap ng entertainment press si Mayor Joy sa oath-taking ceremonies ng bagong set ng officers at board directors ng Philippine Movie Press Club na ginanap noong nakaraang Miyerkules ng gabi, February 9, 2022, sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
If given a chance to immortalize her life story on the silver screen, Quezon City Mayor Joy Belmonte says she would love Sarah Geronimo to play her part.
PHOTO/S: QC Mayor Joy Belmonte on Facebook; @justsarahg on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results