Watch Now

Tony Labrusca set to fly to New York for Asian Persuasion shooting

by Julie E. Bonifacio
Apr 16, 2022
Tony Labrusca
Tony Labrusca says he'll do a cameo appearance in Jhett Tolentino's movie Asian Persuasion, headlined by Dante Basco and KC Concepcion.
PHOTO/S: Julie Bonifacio

Nakatakdang lumipad patungong New York si Tony Labrusca sa April 17, 2022, para sa shooting ng international film na Asian Persuasion.

Directorial debut ito ng Tony Award at Grammy Award-winning producer na si Jhett Tolentino. Kasama sa romantic-comedy film na gagawin ni Tony si KC Concepcion.

"Pinoy ang producer pero he doesn’t produce here in the Philippines. Nagpro-produce siya doon sa States. 'Tapos, Tony Award-winning producer.

"This is gonna be his first film kasi [sa] Broadway siya," tukoy ni Tony kay Jhett.

"Asian cast, pero parang hindi maraming Pinoy [na artista], e. Parang romcom din ata," dagdag ni Tony.

Ayon sa ulat ng Variety.com noong April 11, pagbibidahan ito nina Dante Basco (The Fabulous Filipino Brothers, Avatar: The Last Airbender) at KC Concepcion na pumalit kay Tony Gonzaga bilang lead actress.

Ang iba pang cast members ng pelikula ay sina Kevin Kreider (Bling Empire), Paolo Montalban (The Girl Who Left Home, Mortal Kombat: Conquest), Scarlett Sher (Hustlers), Celia Au (Wu Assassins), Geneva Carr (CBS’s Bull), at ang baguhang si Jax Bacani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Tony, cameo appearance siya dito sa Asian Persuasion, pero may nakalinya pa siyang proyekto kasama si Jhett.

"Itong project na ‘to, kami ni Jhett dapat may project kami. Pero yun na-postpone. So, eto yung uunahin niya. Gusto pa rin niya kasama ako.

"Cameo lang naman ‘to. But, I’m gonna have fun. It’s my first time in New York. So, I’ll be there for a week.

"Honestly, I’m very happy to be part of this project because it’s for Jhett and I’m gonna work with him in the future.

"Si Jhett, first directorial job niya ‘to."

First time rin ni Tony na makatrabaho si KC, na matagal na ring hindi napapanood sa telebisyon o pelikula.

"Yeah, I’m excited to work with KC," ani Tony. Possible ba na ligawan niya si KC?

"Hindi! Hahaha! I think KC is happy now. She’s doing great in LA. She’s having a lot of fun," diretsong sagot ni Tony. Pero nakasama na ni Tony si KC sa Los Angeles last year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung friend kasi namin, kaibigan niya rin. So, nakikita ko siya. Nakakasama ko siya. Magkakasama kami sa dinner.

"May restaurant doon na yung executive chef, si Chef Al. So, one time nag-host silang dinner, nandoon si KC," paglilinaw pa ni Tony.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tony sa isang private room sa Manila House Private Club, Bonifacio Global City sa Taguig City last April 10, 2022.

TONY'S UPCOMING FILMS

Kasado na rin ang apat na pelikula ni Tony na natapos na niyang i-shoot sa Pilipinas.

Ayon kay Tony, ginawa niya ang mga proyektong ito sa gitna ng kinaharap niyang legal battle nitong nagdaang isang taon.

"Magulo," natatawang sambit ni Tony. "Kaya nga ayaw kong masyadong magtrabaho kasi naguguluhan ako. Naguguluhan ako. Kaya sabi ko talaga, 'Hindi ko pa muna kayang mag-serye...'

"I finished a movie with Jane Oineza. It’s called You're Mine, rom-com yun. Next month ilalabas under Regal Films. Super cute movie. We’re really excited for that directed by Ezzy Ferrer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'Tapos, meron akong movie with Direk Victor Villanueva. But I can’t say who the lead actor is kasi debut film niya. So, ayoko naming sirain. For sure, sorpresa yun. Comedy-romance. Yeah, romcom din.

"And then, kakatapos ko lang ng isang movie na debut film naman ng isang director... May title na ang movie pero hindi ko pa puwedeng sabihin. Independent film siya.

"The fourth one, Vivamax with Ariella Arida."

LAST SEXY ROLE FOR A MOVIE?

Sa movie niya with former beauty queen na si Ariella ay muling magpapaseksi si Tony onscreen.

"Yun nga,e. Sabi ko sa kanila siguro pagkatapos nito last ko na," sabay tawang sabi ni Tony.

Patuloy niya, "Kasi puro na lang seksi, e. Ayoko naman maging... I don’t wanna be like an old clog here in showbiz. Ang bata-bata ko pa. Hahaha! I don’t want to be a used clog.

"Free diver kasi ako sa movie. Kaya tinanggap ko. Exciting naman [yung role]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tony Labrusca says he'll do a cameo appearance in Jhett Tolentino's movie Asian Persuasion, headlined by Dante Basco and KC Concepcion.
PHOTO/S: Julie Bonifacio
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results