Watch Now

Ryza Cenon comeback movie Rooftop included in Asian Horror Festival

by Jojo Gabinete
Apr 19, 2022
ryza cenon rooftop
Rooftop, starring Ryza Cenon, is the first Viva Films movie to be screened in theaters since the pandemic.
PHOTO/S: Viva Films

Ang horror movie na Rooftop ang huling pelikulang ginawa at natapos ni Ryza Cenon bago siya nagbuntis, nagsilang, at mula nagkaroon ng coronavirus pandemic.

Ang Rooftop ang magsisilbing comeback vehicle ni Ryza matapos ang halos dalawang taong pamamahinga dahil kasali ang kanyang pelikula sa Asian Horror Festival na magsisimula April 27 at magwawakas sa May 3, 2022.

Sina Rhen Escaño, Marco Gumabao, Marco Gallo, Andrew Muhlach, Epy Quizon, at Ella Cruz ang mga co-star ni Ryza sa horror movie na mula sa direksiyon ng internationally known filmmaker na si Yam Laranas.

Ilan sa popular scary movies na ginawa ni Laranas ay ang The Echo (2008), Patient X (2009), The Road (2011), Aurora (2018), at Sigaw (2004), na nagkaroon ng Hollywood version.

Ang Rooftop ang kauna-unahan at nag-iisang Filipino movie na napili para sa Asian Horror Festival na exclusive na mapapanood sa mga sinehan ng SM.

Bukod sa Rooftop, kasama rin sa nabanggit na horror festival ang The Ancestral ng Vietnam at Haunted Universities 2nd Semester ng Thailand.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

asian horror fest

Dalawang taong nahinto ang Asian Horror Festival dahil sa pandemya.

Ang Rooftop ang kauna-unahang pelikula ng Viva Films na ipalalabas sa mga sinehan buhat nang magluwag ang mga ipinatutupad na paghihigpit laban sa coronavirus pandemic.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rooftop, starring Ryza Cenon, is the first Viva Films movie to be screened in theaters since the pandemic.
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results