Kathryn Bernardo overwhelmed by success of Crazy Beautiful You, which has earned P225 million in the box-office

Kathryn Bernardo on success of Crazy Beautiful You at the box-office: “Super-saya naming lahat of course, worth it lahat ng pinaghirapan namin. Masaya kami kasi marami kaming naririnig na good feedback ng tao na natulungan namin sila, napasaya namin sila.” According to Star Cinema, this Kathniel movie has already grossed P225 million.


Masayang-masaya si Kathryn Bernardo sa mainit ng pagtanggap ng mga manonood sa pelikula nila ni Daniel Padilla, ang Crazy Beautiful You.

Inanunsiyo ng Star Cinema na umabot na ng P225 million ang kinita ng pelikula sa loob ng halos tatlong linggong pagpapalabas nito sa mga sinehan.

Sa victory party ng Crazy Beautiful You kagabi, March 9, ay inihayag ni Kathryn ang kanyang kasiyahan sa tagumpay ng pelikula nila ni Daniel.

“Super-saya naming lahat of course, worth it lahat ng pinaghirapan namin.

“Masaya kami kasi marami kaming naririnig na good feedback ng tao na natulungan namin sila, napasaya namin sila.”

Pinasalamatan din ni Kathryn ang direktor ng pelikula na si Mae Cruz at ang writer nito na si Ms. Carmi Raymundo, na tumulong daw para maibigay niya nang tama ang kanyang karakter bilang Jackie.

“Sila talaga yung nandiyan para i-guide ako kung tama o mali yung ginagawa ko.

“Madali din siguro yung pag-lock in namin dun kasi nga mas naramdaman namin yung characters namin.

“Saka nakaka-relate talaga kami sa story.”

Ilang mga eskena ng pelikula ay kinunan sa Tarukan Aeta Settlement, kung saan nakasalamuha at nakasama nina Kathryn at Daniel sa ilang mga eksena ang ilan sa mga Aeta.

Ayon sa Kapamilya young actress, marami siyang natutunan mula sa mga taong ito.

“Marami, lalo na siguro kay Jenny and Chino.

“Ang laking part nila sa movie, ang laking part nila sa buhay namin kasi ang daming matutuhan sa buhay nila.

“Kung titingnan mo sila, parang eye-opener nga siya na ito talaga ang nangyayari at kailangan natin na maging thankful sa lahat.

“Napamahal sila sa amin, lalo na yung dalawang bata.”

Nagpahayag din ng pasasalamat ang teen actress sa mga tagahanga nila ni Daniel, na hindi lang nanood ng Crazy Beautiful You kundi nagpa-block screening pa nang ilang ulit para ipakita ang suporta at pagmamahal sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Of course, pinag-ipunan nilang mga fans, ‘tapos yung iba, ilang beses talaga.

“’Tapos yung mga taga-TFC [The Filipino Channel] tumulong, so maraming-maraming salamat sa pagsuporta nila dun sa movie namin,” nakangiting sabi ni Kathryn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN