Aminadong may karanasan sa bading ang baguhang hunk actor na si Seon Quintos.
Sa grand launch ng AQ Prime Stream noong Hunyo 4, 2022, Sabado, sa Conrad Hotel ay nasabi kasi ni Seon na, “Wild po talaga ako sa personal!”
Makikita raw sa mga pelikula niyang Mang Kanor at Baka Sakali kung gaano siya ka-wild makipagharutan, sa babae man o kapwa lalaki.
BL (boys’ love) movie ang Baka Sakali kaya inusisa ng vlogger na si Michael Louie “Byx” Almacen kung never pa ba siyang naka-experience ng gay relationship.
“Ay! Meron naman! Hindi naman mawawala yun. Hindi naman ako makikipag-ano. May mga experience din naman ako,” buong ningning na tugon ni Seon.
FRONTAL NUDITY IN MANG KANOR
Pasabog ang pagganap ni Seon sa pelikulang Mang Kanor kung saan title role ang beteranong aktor na si Rez Cortez.
“Ahh, yes po! Hindi ko rin po ine-expect na magagawa ko po yun. Sobra! As in magugulat kayo kapag napanood niyo ang Mang Kanor!” nakangiting bulalas ni Seon.
Bakit nahikayat siyang mag-frontal nudity sa Mang Kanor?
“Actually, ano, e… para bago na. Kasi, puro kontrabida ako. Kaya pinasok ko itong AQ Prime,” sambit ni Seon, na alaga ng talent manager na si Lito de Guzman.
“Handa naman na ako na pumasok dun, and then mag-frontal.”
Nagkontrabida si Seon sa FPJ’s Ang Probinsyano, Madrasta, at kung anu-ano pang TV program mula nang mag-showbiz siya noong 2017. Lagi na lang daw siyang kabarkada ng isa sa mga artista.
Ano ang feeling niya nang mag-frontal siya sa Mang Kanor?
“Una, mahirap siyempre. And then, kinaya ko naman. Kasi, andoon naman ako sa age ko na kaya ko na,” sabi ng 22-anyos na hunk actor.
BAKA SAKALI
Mapangahas din si Seon sa BL movie na Baka Sakali kung saan bida sina Drei Arias at Leandre Adams, sa direksiyon ni Alejandro “Bong” Ramos.
“Isa ako dito na may trabaho, na hindi ko kasama lagi ang dyowa ko, and then parang ano kami dito, open kami sa lahat,” salaysay ni Seon.
“Kaya puwede akong makipag-sex sa iba. Ganun ang role ko.”
Ang gumanap na dyowa niya ay si Leandre, at kapana-panabik ang kanilang intimate scenes.
“Ayun naman, first take naman ako dun. OK naman, first time ko ding makipaghalikan sa kapwa lalaki,” lahad ni Seon.
“And bilang aktor, kailangan ko ring maranasan yun.”
Sa Mang Kanor ay babae ang nakalandian niya, ang baguhan ding si Emelyn Cruz. Kanino siya nag-enjoy sa kissing scene?
“Aba! Siyempre kay Emelyn. Pag nakita po niyo si Emelyn, ay! Panalo!” masayang sambit ni Seon.
So, hindi masarap na kahalikan si Leandre?
“Actually, dinaya ang kiss namin sa Baka Sakali. Dinaya ang kiss namin dun kaya OK lang,” malumanay na pagsisiwalat ni Seon.
Nag-frontal din si Seon sa Baka Sakali, pero mas matindi raw yung paghuhubad niya sa Mang Kanor.
“As in buong sala, inikot namin!” sambit pa ni Seon.
“Kaya abangan ninyo!”
Inamin din ni Seon na tatlong beses siyang tinayuan sa Mang Kanor.
“Awkward naman pero bilang professional actor, hanggang dun lang yun, at naka-plaster ako.
“At saka OK naman kami ni Emelyn, nagawa namin nang maayos,” pagmamatuwid ni Seon.
E, sa Baka Sakali?
“One take din. Bago ko inumpisahan yun, ahh, nag-usap muna kami ni Leandre kung paano namin magagawa.
“And then, nagawa namin nang maayos,” pagngiti pa ni Seon.
PREPARATIONS FOR SEXY SCENES
Limang buwan nang hindi kumakain ng kanin si Seon para mapaganda ang kanyang katawan.
“Pinaghandaan ko talaga itong AQ Prime as in maghubad ako para pag isinalang ako, may maipagmamalaki naman ako,” pahayag ni Seon.
Yung tattoo na Arabic word sa dibdib ni Seon, ang ibig sabihin daw ay “strong.” Malakas.
Nang uriratin kung saan siya malakas, ipinagdiinan ni Seon, “Lahat!”
Sinusuportahan ni Seon ang sarili mula noong disisyete (17) anyos siya at sumabak na sa buhay-showbiz.
“Ang dami ko nang pinagdaanan kaya siguro malakas ako. Since yung mom and dad ko, magkahiwalay, ako rin lang ang bumubuhay sa sarili ko,” pagtatapat ni Seon.
“Noon pa, gusto ko nang maging independent.
“And then marami namang blessing na dumadating sa akin kaya hanggang ngayon, nakatayo pa rin ako.”
Umabot si Seon ng third year sa kursong Criminology. Pangarap sana niyang maging imbestigador. Bakit tumigil siya sa pag-aaral?
“Kasi, inuna ko yung passion ko,” pagngiti muli ni Seon.
