Watch Now

Ricky Lee grateful for the opportunity to give back after being named National Artist

by Jerry Olea
Jul 1, 2022
ricky lee national artist
Ricky Lee on National Artist recognition: "The moment na nakatanggap ka ng ganitong karangalan, lumalakas yung incentive mo, energy mo, drive mo na, ‘Lalo akong magke-create, lalo akong magse-share! Patutunayan ko na sineseryoso ko itong responsibilidad na ito.’ So, sana bigyan nila yung mga artists, pag National Artists, ng panahon na makapagbalik pa, makapag-give back pa.”
PHOTO/S: Jerry Olea

Lubos ang kasiyahan ni Ricky Lee bilang isa sa walong honorees sa Parangal sa mga Pambansang Alagad ng Sining 2022 noong Hunyo 29, 2022, Miyerkules, sa Cultural Center of the Philippines (CCP), Pasay City.

“Matagal akong hindi nakapunta at nakatuntong dito sa CCP. Finally, eto na naman uli!” nakangiting bulalas ng mos- awarded scriptwriter of Philippine cinema sa panayam ng Philippine Entertainment portal (PEP.ph).

“Pero actually masarap din yung pakiramdam na napapalibutan ka ng mga tao na nagmamahal sa Sining.

“Gaya ng feeling ko noon pag Cinemalaya. Parang… you belong to a community.

“Yung feeling na yun, parang… you belong to a community na nag-a-appreciate hindi lang sa akin kundi kina Guy, kina Marilou, sa aming lahat.

“So parang… bawat appreciation sa Art, sa Sining, maski katiting, maski malaki, ay isang napakahalagang bagay.”

Ang Guy at Marilou na tinutukoy ni Ricky ay sina Nora Aunor at Direk Marilou Diaz-Abaya, respectively, na kagaya niya ay bagong hirang na National Artists sa larangan ng Pelikula at Broadcast Arts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang lima pang tampok sa Tribute to the 2022 National Artists noong gabing iyon ay sina Agnes Locsin (Dance), Salvacion Lim-Higgins (Design), Gemino Abad (Literature), Fides Cuyugan-Asensio (Music), at Tony Mabesa (Theater).

Read: Nora Aunor finally gets elusive National Artist for Film recognition

FIRST TIME IN MALACAÑANG

Hunyo 10, Biyernes, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa-Duterte ang Proclamation Number 1390 na kumilala sa walong bagong Pambansang Alagad ng Sining.

Hunyo 16, Huwebes, ang Conferment ng medalyon sa honorees sa Malacañang Palace.

“Medyo masyadong formal yung sa Malacañang. Hindi ko pa alam kung paano ako gumalaw,” salaysay ng 74-anyos na si Ricky Lee.

“Palagay ko, noon lang ako nakatuntong ng Malacañang. Hindi ko matandaan kung nakatuntong na ako before. Parang noon lang.

“So, ayun. Medyo formal, at saka hindi ako sanay na nagbabarong. Tumatanggi ako na magninong, lahat ng okasyon na may barong.

“Pero kailangang magbarong dahil Malacañang and then dito. Worth it naman na magbarong.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naunang napabalita na ang parangal kay Ricky ay para sa Panitikan (Literature), pero iyon pala ay sa Pelikula at Broadcast Arts din gaya nina Nora at Direk Marilou.

“In fact, ang pagkalitong iyan ay nagsimula sa hindi ko alam na napili ako nung Friday ng gabi,” wika ni Ricky.

“Sinabi lang ng assistant ko na napanood niya sa TV Patrol, naka-screen grab na napili ako.

“So, nagulat ako. ‘Ah, napili ako?!’ And then bago ako maka-react, nagtatawagan na lahat yung mga kaibigan.

“So, hindi na ako nakapag-react, kasi nagre-react na ako sa reaksiyon nila sa nangyari, na masayang-masaya sila.

“So, masaya ako dahil masaya sila. Hindi ko pa maramdaman yung sarili kong tuwa.”

Naramdaman ni Ricky Lee ang sariling tuwa ay nang makausap niya ang mga nagsulong sa kanya upang maging National Artist.

“So, masarap! Pero ang mas masarap na pakiramdam, sa apat na nag-nominate sa akin bukod sa UP, PUP, at Screen Writers Guild, ni-nominate ako ng Directors Guild,” pagsisiwalat ni Ricky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ni-nominate ng mga direktor ang isang scriptwriter. So, sa akin, malaking bagay yun.

“Na ni-recognize nila at sinasabi nila sa mga tao na, ‘Ang pelikula ay hindi lang kami ang gumawa, mga direktor. Ang scriptwriter ay mahalaga rin.’

“So, I was so happy na ni-nominate ako ng Directors Guild.”

THREE NATIONAL ARTISTS FROM THE FILM INDUSTRY

Nakatutuwa rin siyempre na tatlo sila nina Nora at Direk Marilou na sabay-sabay na pinarangalan sa larangan ng Pelikula at Broadcast Arts.

“Masaganang ani sa okasyong ito na tatlo kami! At hindi lang yun, close friends ko yung dalawa, si Marilou at si Nora,” sambit ni Ricky.

“So, parang… ito iyong mga kumupkop sa akin, e, nung nasa industry ako, e — si Marilou at si Nora — naging close ako.

“Konti lang naman ang naging close ako sa taga-industriya. So, masarap na napagitnaan nila akong dalawa.

“At ang masarap dito, hindi kami pinag-compete-compete na tatlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, nung una, ang fear ko, ‘Naku, magkukumpetisyon kami! Mahal ko si Nora! Mahal ko si Marilou! Mahal ko ang iba pang taga-pelikula.’

“Ito, na-relieve ako na, ‘Ay! Hindi kami naglabanan! Hindi kami nag-agawan!’ Lahat kami, binigyan. So, how generous!”

First time na magkakasabay na kinilalang National Artists ng bansa ang tatlong tao na mula sa iisang larangan.

“So, masarap. Masarap din na… nalulungkot din ako dahil wala na si Marilou, pero masaya ako na nandito pa kami ni Guy,” saad ni Ricky.

“Kasi, I feel na… sana, ibigay nila itong karangalang ito sa iba pang mga artist habang malakas pa sila.

“Kasi, the moment na nakatanggap ka ng ganitong karangalan, lumalakas yung incentive mo, energy mo, drive mo na, ‘Lalo akong magke-create, lalo akong magse-share! Patutunayan ko na sineseryoso ko itong responsibilidad na ito.’

“So, sana bigyan nila yung mga artists, pag National Artists, ng panahon na makapagbalik pa, makapag-give back pa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FELLOW BICOLANO

Parehong Bikolano sina Ricky Lee at Nora Aunor. Taga-Daet, Camarines Norte si Ricky, samantalang taga-Iriga, Camarines Sur ang 69-anyos na si Nora.

Read: Nora Aunor, dumalo sa tribute para sa National Artists sa kabila ng karamdaman

“Noong sa Malacañang, nagte-text-an na kami. Kasi, excited siyang um-attend doon sa Malacañang,” kuwento ni Ricky kaugnay sa Superstar.

“Gusto talaga niyang pumunta. Nagtatanong na siya, ‘Anong oras ka pupunta, Kuya Ricky?’ Hindi siya pinayagan ng doktor dahil sa kanyang kalagayan.

“Eto uli, nagka-text-an uli kami, pati sina Matet [de Leon]. So, excited siya. Siyempre, masarap… masarap yung pakiramdam.

“Nagyakap kami. ‘Eto tayong dalawa, finally. Magkasabay tayong dalawa na nakatuntong sa iisang entablado.

“‘Pareho tayong Bikolano, pareho tayong nagtatrabaho. Magkaibigan tayo. At nandito tayo sa entablado, nakatuntong.’”

Matapos ang Conferment ng medalyon noong Hunyo 16 sa Palasyo ng Malacañang, umuwi si Ricky sa kanyang hometown kasama ang ilang kaibigan upang magpahinga muna sana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kababalik ko lang the other day… Hindi nila ako pinayagang magbakasyon!” nakangiting hinaing ni Ricky.

“Kabi-kabila na yung parangal mula mula sa municipal government, mula sa provincial government. Kabi-kabila!

“Lahat ng meals namin, naging meals ng mga imbitasyon. Araw-araw mula umaga, may imbitasyon. Wala akong binayarang meals except once.

“Masarap! Kasi, nagsimula ako sa Daet. Sa Daet ako natutong magbasa. Sa Daet ako natutong magsulat.

“Doon ako nagsulat ng kauna-unahan kong short story. So, sa Daet ako nagmula. Siguro, tama lang na bago ko tinanggap ito ngayon sa CCP, ay bumalik muna ako sa Daet.”

Anim na araw si Ricky sa Daet, mula Hunyo 22 hanggang 27.

“Actually, ang masaya dito is pag nakikita mong mas masaya sila kaysa sa akin,” pakli ni Ricky.

“Pero kanina, sa stage, parang nakalutang ako. May ganung feeling.”

NATIONAL ARTIST AWARD

Ang National Artist Award ay nilikha sa bisa ng Proclamation 1001 na inisyu noong Abril 27, 1972. Walumpo’t anim (86) na lahat ang kinilala bilang National Artists.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahahalagahan kaya ng bagong administrasyong Marcos ang Sining?

Pananalig ni Ricky, “Yeah, kasi ahhhm, regardless of my political views, I have to admit na… sa karamihan ng mga administration, nakakiling sa Kultura ang administration nila.

“So ito, I really hope.”

Dumalo sa Tribute to the 2022 National Artists sina National Artist Benedicto “BenCab” Cabrera (Visual Arts), National Artist Ryan Cayabyab (Music), National Artist Ramon Santos (Music), at National Artist Alice Reyes (Dance).

Present din sina CCP Chairperson Margie Moran Floirendo, NCCA Executive Director Oscar Casaysay, pati members ng CCP Board of Trustees, at NCCA Board of Commissioners.

Streaming sa Facebook page ng CCP at NCCA (National Commission for Culture and the Arts) ang Parangal sa mga Pambansang Alagad ng Sining 2022.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ricky Lee on National Artist recognition: "The moment na nakatanggap ka ng ganitong karangalan, lumalakas yung incentive mo, energy mo, drive mo na, ‘Lalo akong magke-create, lalo akong magse-share! Patutunayan ko na sineseryoso ko itong responsibilidad na ito.’ So, sana bigyan nila yung mga artists, pag National Artists, ng panahon na makapagbalik pa, makapag-give back pa.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results