Itutuon muna ni Andrew E. ang kanyang panahon sa pagtatanghal ng Bagong Pilipinas: Tagalog Rap Festival sa iba’t ibang bansa.
Nakalatag na ang kanyang world tour, kaya naisantabi muna ang isa pang pelikula na pinirmahan niya sa Viva Films.
“Next year, abangan niyo, I will be producing, ako ang magpo-produce ng Hollywood movie next year!” pagbabalita ni Andrew E. sa exclusive interview ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong Hunyo 28, 2022, Martes, sa Sabroso restaurant ng Carlosta Hotel, Ormoc City.
Tampok sina Andrew E., Zsa Zsa Padilla, at Gigi de Lana sa culminating concert ng month-long Piña Festival 2022 sa lungsod kung saan si Lucy Torres-Gomez ang bagong mayor, kapalit ng asawang si Richard Gomez na nahalal bilang congressman.
Co-producer si Andrew E. sa Hollywood movie kung saan isa siya sa mga bida. Siyempre, may co-star siya rito mula sa Hollywood.
“For now, hindi pa muna puwedeng isiwalat yung Hollywood actor. Pero ang liberty ko lang sabihin, yung ako, yung side ko,” pagmamatwid ng 54-anyos na rapper-comedian.
“Side ko pa lang ang puwedeng i-reveal. Yung side ng co-producer din, hindi ko puwedeng iano.
“Remember, nasa Amerika ako noong December-January? Yun, nag-brainstorming kami dun.
“And coincidentally nung January, nag-open ako ng American office and company, BroadLive USA, para magawa ko yun.
“Ang office ko ay sa Glendale. Kasi, kung wala kang company, hindi mo magagawa.”
Anu-ano ang business na papasukin ng BroadLive USA?4
“Unang-una, movie production. Tapos, project installation. Ibig sabihin, yung project ng mga American brand, puwedeng mag-campaign,” tugon ni Andrew E.
“Branding campaign. 'Yan, sa linyang yun. Alam mo na, nasa industriya tayo. So, yung linyang yun ang pwede kong ma-master.
“Puwede kong i-present dun at puwedeng pagalawin at paandarin. Kasi, kung ibang linya, hindi pupuwede.
“Kasi, 30 years kong ginawa ito sa Pilipinas.”
ON HIS RECORDING CAREER
Gumawa na siya noon ng record label, ang Dongalo Wreckords.
“Iyon, OK yun, pero siyempre, more on Tagalog yun, e. Hindi yun more on English, e,” paliwanag ni Andrew.
“Pero kung English yung tatargetin ko, puwede. Pero siyempre, kung hindi ganun ang tatargetin mo, Philippines ang the right place.”
Gagawa rin siya ng album na English?
“Hindi. Wala sa ano na yun. Kasi, masyadong ano yun… may I say, hindi gaanong adaptive yung ganung mga project,” pag-amin ni Andrew E.
“Kasi, maliit yun, e. Maliit yun, e.”
May plano ba siyang gumawa ng bagong album na naglalaman ng mga bagong obra?
“Kung sasabihin ng mga young ones ngayon, ano bang tawag diyan? Generation… Gen Z,” sambit ni Andrew E.
“Kung sasabihin ng Gen Z na, ‘We want a new one, can you?’ Oh, e di, we’ll see.
“Pero sa ngayon… wala, e! Nag-e-enjoy sa mga luma kong kanta, e.”
Sa tatlumpo’t dalawang (32) taon ni Andrew E sa local music industry, nakagawa na siya ng tatlumpo’t limang (35) albums.
May gusto ba siyang maka-collab?
Napailing si Andrew, “Wala, e, walang collab. Kasi, unang-una… I shall say, ang hindrance sa collaboration is pag hindi mo kalinya ng genre, hindi na pupuwede.
“Kunyari, kalinya mo naman ng genre. Pag kalinya mo ng genre at hindi mo naman kalinya ng recording company, hindi rin puwede.”
Pagsikat noon ni Andrew E, sumunod si Michael V o Bitoy. Iyong hit niyang "Humanap Ka Ng Panget," sinagot ni Bitoy ng "Maganda Ang Piliin (Ayoko Ng Panget)."
Posible bang magsanib-puwersa sila ni Michael V?
“Michael is concentrating on TV, and at the same time, parang yung mga sitcom, di ba? Yun ang gusto niya, di ba?” malumanay na lahad ni Andrew E.
“So, hindi mo maiaalis na kung ano iyong ginagawa niyang energy ngayon, hindi puwedeng baguhin yun for quite some time.
“Hindi mo puwedeng iano. Kailangan, ituluy-tuloy niya yun, kasi you know. Ang Pilipinas ngayon, napakadaling magpalit ng isip.
“Social media kasi, remember? Dati, bigyan mo ng one year, may bagong sikat. Then lumaon, six months.
“Ngayon, may social media. Three days, katapusan na ng sikat. Three days!”
Pero yung mga kapanahunan niyang sumikat…
“Matatagal!” sambot ni Andrew E.
THREE DECADES
Mahigit tatlong dekada na sa local entertainment industry si Andrew E.
Bakit tumagal siya sa industriya? Marami sa kakontemporaryo nila ni Michael V ay hindi na aktibo.
Natigilan sandali si Andrew E. bago sumagot, “Well, maybe ano, ahh… puwede ba akong magbuhat ng bangko? OK, ano' yan, e.
“Nagtanim kasi ikaw o nagpondo ka ng mabuting pangalan.
“Kasi, kahit anong galing mo, kung dinungisan mo ang pangalan mo, hindi ka magtutuloy. Hindi ka magtutuloy.
“Kaya noon pa man may nag-advise sa akin bago pa ako maging artista, bako ako maging popular na Andrew E., yun ang advice sa akin.
“‘Huwag kang tutuntong sa paniwalang ang magdadala sa ‘yo sa tagumpay ay masamang pangalan.’”
Meron bang panahon na naramdaman niyang nalaos siya?
“E, hindi naman ako malalaos, alam mo kung bakit?! Hindi naman ako naging uso, e!” pagkunot-noo ni Andrew E.
Naku, huh?! Andami niyang movies!
Kabilang sa mga pelikulang pinagbidahan niya ang Manchichiritcit (1993) with Maricel Soriano, Megamol (1994) with Sharon Cuneta, Ikaw Ang Miss Universe ng Buhay Ko (1994) with Charlene Gonzalez, at Banyo Queen (2001) with Rica Peralejo.
“Kanta ang naging uso, hindi ako!” pananalig ni Andrew E.
“Kasi, kung ako, naging uso, heto wait… Kung ako naging uso, dapat nagbilang ako ng commercial ko.
“Meron ba? My point is, kaya ka nga kinukuha to endorse is because you are helping another brand to put up.
“Your name will help the other brand to pick up. Why will they get me kung they will not be put up by my name?
“On second thought, nobody got me. Which means no one thought of putting their product together with me.
“Come on, minimum, lima. Sige nga… ang mga usong artista, magkabilaang kamay, bibigyan kita —limang endorsement.
“Limang artista, meron, tama? Hindi ako magkakamali. Tama? Ibig sabihin nun, sila yung nauso!
“Nauso kasi sila kaya another brand is getting them to promote, and be promoted…
“And it’s not you, you’re helping another brand who has a lesser name with you. Kaya nga ikaw ang kinukuha para to keep them up, e!
“Ang tanong, kukunin ka ba kung hindi ka uso?”
Baka ngayon ang panahon para maging “uso” siya at kuning endorser ng mga produkto?
“Chechekin natin 'yan, hanggang sa mangyari 'yan, hanggang sa mangyari!” maigting na bulalas ni Andrew E.
“Pero hanggang hindi nangyayari, you cannot correct me. Kasi, hindi nangyari 'yan. For thirty-two years, hindi nangyari 'yan, e!”
Naghihinampo ba siya o naghihinanakit na walang kumuha sa kanya na endorser, at hindi niya masabing uso siya?
“Wala! I’m OK! Kasi, I’m happy with my family!” sagot ni Andrew E.
ON MICHAEL V
Nagdirek si Michael V ng pelikulang Family History (2019), at ito na rin ang direktor ng Kapuso sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.
Posible kayang maidirek ni Michael V si Andrew E. sa pelikula?
“Unang-una talaga, kung papansinin mo, iba na ang direksiyon ng punta ng idinidirek ni Michael V,” wika ni Andrew E.
“My point is, yung direksiyon ba niya… kung babasahin mo, hindi yun ang nasa direksiyon nung movie ko.
“Sexy comedy ang akin. Kulang na nga lang, maghubad ako, e. Vivamax, remember!”
Kabilang sa recent Vivamax movies ni Andrew E ang Shoot! Shoot! (Di Ko Siya Titigilan) with AJ Raval and Sunshine Guimary, at Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2 Aussie! Aussie! (O Sige!) with Janno Gibbs, Dennis Padilla, Rose Van Ginkel, Stephanie Raz, Ali Forbes, and Angela Morena.
Pagbibiro pa ni Andrew E, “Konting-konti na lang, Porno King na ako, e! Konting-konti na lang… konting-konti na lang! Konting-konti na lang!
“Pag nagtanggal pa ako ng sinturon, ayun na yun! Di ba? Di ba? Konting-konti na lang, e!
“Sinturon na lang ang hindi ko hinuhubad dun, e! Di ba?! Pero nakakatuwa. I mean, alam mo yung direksiyon. Hindi mo ita-tangle up.”
Interesting na idirek siya ni Michael V!
“Everything is possible but, you know, yung tangle up is importante, yung tangle up,” pagdidiin ni Andrew E.
“Yung kayo ba ay maglalandas to be in one part, di ba, something like that, di ba, parang ganun.
“Hiwalay kasi. I mean, unang-una, Vivamax artist din ako, di ba, hindi maikakaila. Tatlo nang movies ko ang andun, di ba?
“Kaya ang sigaw sa akin, ‘Andrew, kailan ka maghuhubad?!’”
