Watch Now

Siege Ledesma: dating call center agent na natupad ang pangarap maging scriptwriter

by Jojo Gabinete
Jul 8, 2022
Siege Ledesma, Dondon Monteverde, Erik Matti, Reality Entertainment
Siege Ledesma (left) on her love for filmmaking: "Nag-call center ako for the longest time, nagkaroon ako ng quarter-life crisis, nag-enroll ako sa iba’t ibang M.A. Nag-Clinical Psychology pa ako, at ang unang libro na hiniram ko sa library, History of Experimental Cinema in the Philippines. Sabi ko, parang mali. Psychology [graduate] ako pero bakit ito pa rin? Parang binabalik-balikan ko."
PHOTO/S: Reality Entertainment / @erikmatti Instagram

Si Siege Ledesma ang isa sa limang direktor na pinapirma ng kontrata ng Reality MM Studios producers na sina Dondon Monteverde at Erik Matti.

Nakita ng dalawa ang potensiyal ng 39-year-old Psychology graduate bilang mahusay na scriptwriter at direktor.

May background din si Siege sa pagsusulat ng script para sa digitals ad at television series tulad ng Starla at The Goodbye Girl ng Kapamilya Network.

Siyam na taong nagtrabaho si Siege sa isang call center company kaya isang malaking sorpresa na maging scriptwriter at filmmaker ang itinadhanang propesyon ng Panginoong Diyos para sa kanya.

Lahad niya sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), "Psychology ang background ko sa St. Scholastica's College, pero parang mahilig na talaga ako sa zombies.

"Nag-call center ako for the longest time, nagkaroon ako ng quarter-life crisis, nag-enroll ako sa iba’t ibang M.A.

"Nag-Clinical Psychology pa ako, at ang unang libro na hiniram ko sa library, History of Experimental Cinema in the Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko, parang mali. Psychology [graduate] ako pero bakit ito pa rin? Parang binabalik-balikan ko."

Patuloy niya, "Naglakas-loob ako, nag-enroll ako ng one year filmmaking course sa Asia Pacific Film Institute [AFPI].

"During that time, nagsa-submit na rin ako ng mga script sa Cinemalaya, Cinema One.

"Sakto naman nung nag-enroll ako sa APFI, naging finalist na yung script ko sa Cinema One, yung Shift na tungkol sa call center ang kuwento."

SIEGE THRILLED THAT "BUDGET IS NOT AN ISSUE"

Malaki na ang pag-asang magkaroon ng katuparan ang mga dream movie project ni Siege dahil sa suportang ibinibigay sa kanya ng Reality MM Studios.

"Naghahanap si Direk Erik ng concept, nag-pitch kami sa kanya, and then, tinawag nila ako ni Sir Dondon for a meeting. Akala ko for the pitch, in-offer-an nila ako ng management.

"Kinausap na rin ako ni Direk to help with the writing of The Inheritance, it’s a horror series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Excited lang ako na, finally, puwede ko nang balikan yung mga concept na hindi ko na iisipin na hindi ito magagawa kasi mahal.

"Sa filmmakers, writers, at directors sa Pilipinas, parang okay, ire-revise ko ito dahil nasanay na ako na pang-three million pesos [budget] ng script na ito. So, uulit-ulitin ko na lang yung mga location.

"Natuwa ako kay Direk Erik dahil sinabi niya sa akin na, 'Huwag mong isipin ang budget.' Kung ano ang hinihingi ng kuwento iyon ang ilagay ko," puno ng pag-asang sabi ni Siege.

WHAT IT'S LIKE DOING A MOVIE WITH OR WITHOUT A SCRIPT

Dahil malawak ang karanasan niya bilang scriptwriter, tinanong ng PEP.ph kay Siege ang opinyon nito tungkol sa mga direktor na walang script ang mga pelikulang ginagawa.

"Actually, ganyan po ang norm dati tapos may writer sa set. May mga direktor na nagwo-work na kung ano ang maisip nila, yun ang gagawin nila at lahat mag-a-adjust.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Medyo magastos siya kasi ang mag-a-adjust yung ibang mga tao, whereas kung talagang nasunod mo yung may pre-prod kayo na matino, nalinis yung script at involved na yung direktor sa writing process, mas efficient siya at makakatipid.

"Mas maganda rin yung quality kasi parang naluto siya nang maayos. Pero magaganda rin naman yung mga nagagawa nila [na movies walang script]."

Pero binanggit din ni Siege ang mga pagkakataong nagwu-work ang walang script.

"Like si Sir Ricky [Lee], naging estudyante rin niya ako dati. Ikinuwento niya na yung Moral, wala talagang script.

"So, parang synergy lang talaga ang mahalaga. Saka magagaling yung mga artista. Kailangan talaga, kabisado ng team ang isa’tisa."

Ang Moral ang 1982 coming-age of movie ng direktor at ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Marilou Diaz-Abaya.

Walang mag-aakalang walang script ang Moral nang gawin ito ni Abaya dahil critically acclaimed ang pelikula na pinagbidahan nina Lorna Tolentino, Gina Alajar, Anna Marin, at Sandy Andolong.
moral 1982 poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Official entry ang Moral sa 8th Metro Manila Film Festival.

Kahit walang script ang pelikula, Lee, na isa nang National Artist ngayon, ang nanalo ng best screenplay award sa Gabi ng Parangal ng filmfest noong December 1982.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Siege Ledesma (left) on her love for filmmaking: "Nag-call center ako for the longest time, nagkaroon ako ng quarter-life crisis, nag-enroll ako sa iba’t ibang M.A. Nag-Clinical Psychology pa ako, at ang unang libro na hiniram ko sa library, History of Experimental Cinema in the Philippines. Sabi ko, parang mali. Psychology [graduate] ako pero bakit ito pa rin? Parang binabalik-balikan ko."
PHOTO/S: Reality Entertainment / @erikmatti Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results