PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Lloyd Cruz official photographer of Cinemalaya directors

John Lloyd Cruz: From actor to photographer.
by Bernie V. Franco
Published Jul 20, 2022
john lloyd cruz
Cinemalaya: “This year, sa pambihirang pagkakataon, isang aktor ang humawak ng camera para kumuha ng larawan ng mga direktor. Yes, it’s the big swap we didn’t see coming!”
PHOTO/S: Gab Garces for Cinemalaya

May bagong venture si John Lloyd Cruz dahil kung siya ay laging nasa harap ng camera, ngayon ay siya ang nasa likod nito.

Ito ay matapos kumpirmahin ng Cinemalaya Independent Film Festival na ang dramatic actor ang napiling maging official photographer ng mga direktor ng full-length at short film entries ng annual film festival.

Read: Mga direktor ng Cinemalaya 2022 entries, tinapos ang mga pelikula sa gitna ng pandemya

Magiging bahagi ng Cinemalaya 2022 si John Lloyd hindi bilang artista kundi photographer.

“He is official portrait photographer of the 11 filmmakers in competition,” hayag ni Cinemalaya director Chris Millado sa ABS-CBN News.

Kinumpirma rin ni Millado na ang nagrekomenda kay John Lloyd ay ang painter-photographer na si MM Yu, ang recipient ng 13 Artist Awards ng CCP noong 2009.

john lloyd cruz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

john lloyd cruz

Sa kanyang Facebook page, ipinost ni Millado ang behind-the-scene (BTS) photos ng nakatalikod na si John Lloyd Cruz, na kinukunan ang mga direktor ng Cinemalaya entries this year.

Ayon sa FB post ng direktor na si Zig Dulay, excited siyang makunan ng larawan ni John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Post ni Zig: "Mga kapitbahay, kalma! Hindi ako ang salarin, at hindi rin ito sa SOCO pero utang na loob minsan lang mangyari 'to -- model ako ng The John lloyd Cruz! Yes, mga marites, si Popoy nga!"

Samantala, sa Facebook page ng Cinemalaya ngayong Miyerkules, July 20, inilabas nila ang “photographer reveal” at inanunsiyo na si John Lloyd nga ito.

Pahayag ng Cinemalaya, “Every year, nag-iimbita ang Cinemalaya ng photographer para kumuha ng portraits ng mga filmmakers na kasali sa kompetisyon.

“This year, sa pambihirang pagkakataon, isang aktor ang humawak ng camera para kumuha ng larawan ng mga direktor. Yes, it’s the big swap we didn’t see coming!” na ibig sabihin ay si John Lloyd ang kalimitang subject ng camera.

Sa loob ng dalawang araw, nakasama ng 18 filmmakers si John Lloyd na kumuha ng kanilang portraits.

Bukod sa 11 full-length films ay may pitong short features.

Kuwelang bahagi pa ng caption: “Sino kaya sa mga filmmakers ang qinilig?! Ugh! I don’t get jealous, I can’t be jealous, I’ve never been jealous - ngayon lang!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kuha ang linyang ito sa John Lloyd-Sarah Geronimo movie na You Changed My Life noong 2009.

Samantala, ang mga kuha ni John Lloyd ay idi-display sa pagbubukas ng Cinemalaya sa Cultural Center of the Philippines sa August 5, 2022.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cinemalaya: “This year, sa pambihirang pagkakataon, isang aktor ang humawak ng camera para kumuha ng larawan ng mga direktor. Yes, it’s the big swap we didn’t see coming!”
PHOTO/S: Gab Garces for Cinemalaya
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results