PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Is Allen Dizon disappointed at lack of showbiz opportunities?

"Before, nung nanalo ako ng international awards, tapos dito, parang wala lang."
by Melba R. Llanera
Published Jul 29, 2022
Allen Dizon
Allen Dizon on waiting for big break for mainstream projects: “Siguro dun lang nakakapanghinayang or nakakawala ng gana minsan dahil bakit hindi ako masyado naa-appreciate ng mga Filipino or ng mga network, which is ako ang maraming award sa ibang bansa at maraming award dito sa atin. Nandun ang disappointment and pagkukuwestiyon sa utak ko. Pero wala na, okay na ako sa ganun, tinanggap ko na lang."
PHOTO/S: Melba Llanera / @allentdizon

Nakilala ang husay ni Allen Dizon bilang actor sa mga dekalidad na pelikula na naisasali kahit sa international film festivals.

Pero hindi pa rin siya nabibigyan ng oportunidad na bumida sa mainstream movies at teleserye na karaniwang napipili ay matinee idols.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inamin ni Allen na dumating sa puntong naitanong din niya sa sarili kung bakit hindi pa siya nabibigyan ng break sa kabila ng acting awards na natamo niya sa ibang bansa at pati na rin dito sa Pilipinas.

"Before siguro, nung may time na lagi akong nananalo, parang mayroong ganun dati. Mas dun pa ako kinikilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dito, hindi masyadong marami ang projects ko sa soap opera. Yung ibang mga pelikula ko, dito hindi mainstream.

“Nung time na yun, naitanong ko yun," pag-amin ni Allen.

Itinanghal siyang Best Actor sa Gawad Tanglaw 2022, FAMAS 2021, Art International Film Festival 2021, at International Film Festival Manhattan 2020 para sa pelikulang Latay.

Nanalo rin siyang Best Actor sa MMFF 2019 para sa pelikulang Mindanao.

Noong 2016, nanalo siyang Best Actor sa Salento International Film Festival at Silk Road International Film Festival para sa pelikulang Iadya Mo Kami.

Hindi raw maiwasang makaramdam siya ng lungkot na kulang ng appreciation sa kanyang talento.

“Before, nung nanalo ako ng international [awards], tapos dito parang wala lang.

“Hindi man ako kamukha nila Piolo [Pascual], nila John Lloyd [Cruz], yung mga matinee idol…

“Wala nga akong network, e. Hindi ako contract star ng ABS, hindi ako contract star ng GMA, freelancer ako, e.”

Dagdag ni Allen, “Siguro dun lang nakakapanghinayang or nakakawala ng gana minsan dahil bakit hindi ako masyado naa-appreciate ng mga Filipino or ng mga network, which is ako ang maraming award sa ibang bansa at maraming award dito sa atin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nandun ang disappointment and pagkukuwestiyon sa utak ko."

Pero wala raw dahilan para magdamdam pa, lalo na't may mga bagay na mas mahalaga.

"Pero wala na, okay na ako sa ganun, tinanggap ko na lang.

"After pandemic, parang after a while na-realize ko na, ‘Wala e, siguro ganun siguro talaga.’

“Pana-panahon na lang ngayon. Pag nag-survive tayo, lahat tayo buhay. Siguro, magpasalamat na lang ako na ganun.

“Pero ako naman kasi, ever since, wala naman sa utak ko yun, ‘Nagka-award ako, feeling ko dapat ganito ako,’ Hindi, e. Humble lang, ganun lang."

Hindi naman daw siya nakaranas ng diskriminasyon mula sa ibang malalaking artista gaya ng hindi pagpansin sa kanya.

"Wala pa naman. So far, lahat ng mga soap ko, mababait lahat ng mga nakakasama ko.

“Kilala nila ako kung ano ako sa showbiz, kung ano ang achievements ko. Alam naman nila, hindi naman nila puwedeng i-deny, alam naman nila kung ano ang mga achievements ko."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakapanayam ng PEP.ph si Allen sa story conference ng upcoming movie na Pamilya Sa Dilim.

ON SAVING FOR A RAINY DAY

Isa sa pinakanaapektuhan ng COVID-19 pandemic ay ang movie industry dahil marami ang nawalan ng pagkakakitaan dahil sa strict quarantine protocols at lockdowns.

Sa kaso ni Allen, malaking tulong daw na nakapag-ipon siya sa tuwing may pumapasok na pera sa kanya.

“Kinapos? Hindi naman. May negosyo naman, may bahay at sarili akong sasakyan. Tuluy-tuloy naman.

“Advanced ako mag-isip, e. Every time na may kita, magtatabi ako,” sabi ni Allen.

Lagi raw kasi niya isinasaisip ang pamilya.

“Saka di naman ako nag-iisa—may-asawa ako, may anak ako. Kung ako lang, kaya kong mag-survive kahit ako mag-isa, [pero] paano sila?

“Lagi ko silang iniisip—family ko, family ko na mga kapatid ko—sila ang priority ko.

“At saka laging may naka-allot sa kanila. Paano kung kapusin? May huhugutin ako.

“One-day millionaire yung iba; ako, ayoko ng utang. Kung kaya kong bilhin ng cash, bilhin ko ng cash. Ipon muna."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

ON FILM INDUSTRY

Ngayong bumabalik pa lang ang sinehan at maraming mga Filipino movies ang hindi pa rin gaanong kumikita sa takilya, hindi tinago ni Allen na nandun ang kaba niya para sa mga nagpo-produce ng mga pelikula.

“Actually, sa dami ng gustong mag-produce pa rin, yun nga ang question ko pa, e, ‘Bakit sila nagpo-produce? Paano yung ROI [return of investment] nila? Paano sila kikita?’

“Sana mag-ROI man lang puwede na. Bumalik lang yung pera, puwede na.

"Pero paano kung nalugi? Ano ang gagawin nila sa mga pelikula ko? Paano nila ipapalabas sa ibang bansa, e, hindi rin naman kikita,” nag-aalalang saad ni Allen.

Dagdag niya, “Mananalo ng awards, okay, pero pagdating sa Pilipinas parang wala lang.

"Pero thankful ako, at least, may mga nagpo-produce kaya nagkakaroon ng mga trabaho. May trabaho ang mga tao.

“Sana bumalik unti-unti. May mga bumibili din naman kasing mga network, ABS, GMA, Netflix… Kumbaga, marami silang choices ngayon. May online streaming. Sana magtuluy-tuloy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Allen Dizon in Latay

ON KONTRABIDA ROLE IN PAMILYA SA DILIM

Kasama si Allen sa cast ng upcoming film na Pamilya Sa Dilim, tampok sina Direk Laurice Guillen, Ina Feleo, Sunshine Cruz, Marcus Madrigal, at iba pa, sa ilalim ng direksiyon ni Jay Alterejos.

Dalawang karakter ang gagampanan ni Allen—sina Eddie Boy Sr. at Eddie Boy Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Actually, excited ako na natatakot. Yung kaba, normal naman sa artista iyan, e. Pagdating sa shooting, may kaba pa rin.

"Hindi nawawala yung kaba kasi gusto mo na maging maayos ang role mo. Gusto mong galingan lahat ng mga eksena kasi magaling ang mga kaeksena mo.

"Natatakot ako dahil hindi ako ito, e. Malayung-malayo sa totoong buhay ko ito.

"Excited ako dahil kasama ko si Direk Laurice. So, paano yung gagawin ni Direk Jay? Paano niya gagawin ang bawat character namin na magiging smooth ang lahat?"

Ayon kay Allen, ang peg ng kanyang role ay ang kontrobersiyal na pulis sa Tarlac na harap-harapang pinatay ang isang mag-ina dahil sa alitang magkapit-bahay.

"Oo, ako talaga yun, dun naka-pattern. Talagang pinatay yung mag-ina, mayroong ganun.

"Galit na galit ako sa ginawa nung pulis na yun, ngayon ako naman ang gaganap. Parang ang bigat, 'no?"

Allen Dizon, Laurice Guillen, Sunshine Cruz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kailangan daw niyang paghandaan ang kanyang kontrabida role.

"Siyempre, ang mga tao sigurado magagalit sila sa akin. Mga taong manonood nito, isusumpa nila ako.

"Imadyinin mo, may mga eksena anak, asawa, kapatid, tapos pumapatay ka ng tao? Nasaan ang puso ng taong ito, di ba? May konsensiya pa ba ito? May tama sa utak.

"For sure, magagalit sa akin ang mga tao pag napanood nila ang Pamilya Sa Dilim."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Allen Dizon on waiting for big break for mainstream projects: “Siguro dun lang nakakapanghinayang or nakakawala ng gana minsan dahil bakit hindi ako masyado naa-appreciate ng mga Filipino or ng mga network, which is ako ang maraming award sa ibang bansa at maraming award dito sa atin. Nandun ang disappointment and pagkukuwestiyon sa utak ko. Pero wala na, okay na ako sa ganun, tinanggap ko na lang."
PHOTO/S: Melba Llanera / @allentdizon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results