Angel Locsin explains why she might find it difficult to work with Vilma Santos

Angel Locsin on Vilma Santos: “Mahirap po kayong ka-eksena…dahil bukod sa Vilma Santos na po kayo, kayo rin po ang nanay ng boyfriend ko.” Xian Lim is cast as the son of Vilma's character in an upcoming movie to be directed by Joyce Bernal.


Sa tingin ni Angel Locsin ay mahihirapan siya na makatrabaho si Vilma Santos.

Ito ang sinabi ng aktres sa story conference ng kanilang still-untitled movie na ginanap sa ABS-CBN compound kahapon, March 19.

Si Batangas Governor Vilma Santos ang nanay ng boyfriend ni Angel na si Luis Manzano. Dahil dito, pakiramdam ni Angel ay mahihirapan siya na umarte sa harap ng Star For All Seasons.

Sa pagkakataon na ito ay pinakilala rin si Xian Lim bilang actor na gaganap na anak ni Governor Vilma sa pelikula.

Ang naturang role ay unang na-offer kay Luis Manzano ngunit tumanggi na ito sa sumama sa proyekto kunsaan makakasama niya ang kanyang girlfriend at ang kanyang ina.

Si Bb. Joyce Bernal ang director ng naturang pelikula na tungkol sa isang mayaman na businesswoman (played by Governor Vi), ang kanyang anak (played by Xian) at ang kanyang personal assistant (played by Angel).

Nang tanungin si Direk Joyce tungkol sa proyekto na gagawin nila, pinaliwanag niya: “Tungkol po ito sa mga relasyon na nasira tapos pilit na bubuuin. Pero hindi po siya ganun ka seryoso kasi po gusto lang natin na medyo light lang, pero may mga times na iiyak din po. Yung movie is light drama, pag nag-drama seryoso yung drama. Yung characters are very interesting, very lively at makaka-relate yung mga tao.”


Ano ang pakiramdam ni Governor Vi sa pagbabalik-pelikula niya?

Gov. Vilma: “Definitely, sa akin, it’s my honor doing a film again. I’m so excited. Kasama ko pa of course si Gel [Angel Locsin] at first time namin ni Binibining Joyce Bernal and first time with Xian Lim na gaganap bilang anak ko.”

Ito po ba yung movie na something na hindi ny’o pa nagagawa?

Gov. Vilma: “I guess what’s interesting is…kaming tatlo nina Angel at Xian ay may mga strong personality dito sa pelikula. So, mayroong clash na mangyayari sa aming tatlo. Ako, I have strong character, si Angel has a strong character pati si Xian, may strong character din dito, so, doon magsisimula yung istorya ng clashing ng aming iba’t ibang character, from a mother, to a son and to my personal assistant [Angel].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto n’yo isang teaser lang, si Binibining Joyce Bernal: iyan ang character ni Angel. Hahaha!”

Angel, can you tell us something about your character?

Angel: “Tulad ng sinabi Tita Vilma, si Direk Joyce talaga yung gusto kong peg sa character ko rito sa movie. Yung character ko rito, ngayon ko lang talaga gagawin. Sana, magampanan ko siya ng maayos talaga, dahil, kinakabahan ako sa pelikulang ito. Excited na kinakabahan ako na makatrabaho ko si Tita Vilma. Tapos si Direk Joyce, first time niya uli ako maididirek sa movie. Dati kasi sa teleserye pa yun at nagsisimula pa lang ako nun at bagets pa ako nun, e. Sana matuwa naman siya sa akin sa pelikulang ito. Of course, si Xian na first time ko pa lang rin makakatrabaho.”

Xian, ano ang magiging karakter mo rito bukod sa pagiging anak ka ni Gov. Vi?

Xian: “Yes, yun nga, anak ako ni Gov. Vilma, pare-pareho pong malalakas yung character namin, doon po makikita yung tension. Sa pelikulang ito medyo matagal na po kaming hindi nagkikita ng nanay ko. Dito, magkakaroon ng parang kung paano nga yung dynamics ng character namin, kung paano mag evolve yung character from other characters.”

Gov. Vi, ano yung kakaibang karakter n’yo rito compared sa ibang characters na ginawa n’yo sa ibang pelikula?

Vilma: “Basta, isa akong mayaman na mayaman at very authoritative at mayabang ang character ko rito. Yun lang muna!”

Angel, ano naman pakiramdam mo na makakatrabaho finally si Gov. Vi first time sa isang movie?

Angel: “Eto, namamawis pa rin yung kili-kili ko. Hahaha! Magkahalo kasi, e, kausap ko nga si Direk Joyce tinanong ko sa kanya, ‘Paano ko kaya magagawa yung eksena ko pag kaharap ko na si Tita Vilma?”

Sabat ni Gov. Vi kay Angel “Bakit ako na naman?”

Sagot ni Angel, “Kasi po, mahirap po kayong ka-eksena…dahil bukod sa Vilma Santos na po kayo, kayo rin po ang nanay ng boyfriend ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hirit pa ni Gov. Vi, “Doon ka kabahan!” [sabay tawa]

Angel: “Sabi nga namin baka hindi ako makaarte at manood na lang sa eksena ni Tita Vilma, kasi nga sobra kaming starstruck kay Tita Vilma. Si Direk Joyce naman, alam naman nating si Direk Joyce, madaming magagandang pelikulang ginawa ‘yan. Sobrang happy lang talaga ako na nagkaroon ako ng chance makatrabaho uli si Direk Joyce, si Tita Vilma Santos at si Xian Lim na first time ko lang rin makakatrabaho.”

Xian, hindi ka ba nakakaramdam ng pressure na puro award winning actresses ang makakarabaho mo sa movie na ito?

“Oo naman, siyempre naman, isang malaking karangalan na makasama ko si Ms. Vilma Santos at Ms. Angel Locsin, di ba? Pero, more than the pressure, I feel very blessed, tapos si Direk Joyce pa ang director namin. For the second time makakatrabaho ko uli si Direk Joyce. Yung dynamics namin, yun ang excited ako, e, hindi ko alam yung mararamdaman ko on our first shooting day, kung paano namin iha-handle yung iba’t ibang character namin. At katulad din ng sabi ni Direk Joyce na it’s a light drama na serious po siya pero maraming room for laughter at maraming nakakatuwang eksena rito.”

May love interest din ba kayo ni Angel dito sa pelikula?

Xian: “Feeling ko, yun din yung dapat abangan.”

Pinangarap mo ba na sa career mo ay makatrabaho ang isang Vilma Santos?

Xian: “Oo naman, hindi ko akalain na magiging magkatabi kami ngayong dalawa ni Gov. Vi. Noong dumating nga siya kanina, na out-of-words ako sa kanya.”

Gov. Vi, medyo natagalan uli bago nakagawa kayo ng pelikula. Ano ang meron sa proyektong ito at tinanggap n’yo ang pelikula?

“Ito siguro yung pagkakataon ko para mapasalamatan ang Star Cinema. Kasi hindi talaga bumibitiw ang Star Cinema sa pag encourage na gumawa uli ako ng pelikula sa kanila. Kasi alam n’yo naman yung schedule ko as a public servant.

“In fact, doon ako natuwa na they are willing to wait. Depende sa availability ko daw, at siyempre depende sa script, kung nababagay ba sa sitwasyon ko ngayon being a government official. So, pag medyo nakakagawa ako ng kamukha nito, malaking bagay din yun sa akin. Kasi sa totoo lang I miss showbizness, kaya sa project na ito excited na naman ako. Whether you like it or not, yung puso ko, nasa acting talaga but of course it’s very fulfilling to be a public official and a public servant. I miss this kind of life.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN