PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alvin Yapan vows to be a "better director" after Oro controversy

"Na-misinterpret siguro ako, misunderstood, na-miscontextualize."
by Melba R. Llanera
Published Sep 1, 2022
Alvin Yapan, Oro, Hulagway
Director Alvin Yapan (left photo) on lesson learned after including a dog slaughter scene in the 2016 MMFF entry Oro: “Promise ko naman sa mga tao, sa mga nanonood sa akin, I want to be a better director. Paghuhusayan ko pa, siguro talagang di mahusay ang pagkakagawa nun, sana mapaghusayan ko pa." Oro is a crime drama that stars (right photo) Mercedes Cabral, Irma Adlawan, and Joem Bascon.
PHOTO/S: Melba Llanera / Screengrab from Oro trailer

Aminado ang direktor na si Alvin Yapan na marami siyang natutunan matapos masangkot sa kontrobersiya ang idinirek niyang pelikulang Oro noong 2016.

Ang Oro ay kalahok noon sa 42nd Metro Manila Film Festival (MMFF).

Bida sina Irma Adlawan, Joem Bascon, at Mercedes Cabral sa Oro, isang crime drama na nagpapakita ng panggigipit ng isang armed group sa mga ordinaryong minero. Base ang kuwento sa real-life Caramoan massacre.

Inireklamo ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang Oro dahil sa pagkatay sa isang aso sa isang eksena ng pelikula.

Na-ban si Direk Alvin sa MMFF 2017 dahil sa isyu.

Noong August 24, 2022, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Alvin sa press screening ng Hulagway, na ginanap sa Cinema '76 Anonas.

Pahayag niya, "I want to be better, of course. Siguro dun ay miscalculation, di ko talaga na-estimate na ganun kalaki yung mangyayari.

“Promise ko naman sa mga tao, sa mga nanonood sa akin, I want to be a better director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Paghuhusayan ko pa, siguro talagang hindi mahusay ang pagkakagawa nun, sana mapaghusayan ko pa."

Pagbabalik-tanaw ng Hulagway director, pinili niyang manahimik noon, lalo't isa sa ipinukol sa kanya ay nagpapakontrobersiyal lang siya para sa publicity ng pelikula.

"Nagkaroon ako ng ganung phase sa aking career bilang direktor na ang naging pokus ko talaga ay kultura ng mga katutubo. Mga kultura na hindi nandito sa Metro Manila.

“Ang ano lang ay na-misinterpret siguro ako, misunderstood, na-miscontextualize.

“Ang dami kasing issue nung lumabas na yun kaya ayokong magsalita, patung-patong na ang lahat.

“Siguro ang punto ko, mayroon akong reyalidad, katotohanan na pinapakita.”

Tila ang tinutukoy niya ay ang nakunang eksena sa pelikula kunsaan may kinatay na aso sa lugar.

Sinabi noon ni Direk Alvin na natiyempuhan lang ang shot na iyon at walang kinalaman ang produksiyon sa insidente.

Pero bilang proteksiyon sa animal rights, sadyang mahigpit na ipinagbabawal sa paggawa ng isang pelikula ang may masaktang hayop dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagalit nga yata sa akin ang mga tao nun kasi akala nila nagpapa-sensationalize ako, na gusto kong attention-grabbing, papansin.

“Napansin niyo naman na hindi naman ganun, dumaan ang panahon na hindi ko in-exploit.”

Bukas naman si Direk Alvin na makasali at magkaroon muli ng entry sa MMFF sa kabila ng kontrobersiyang kinasangkutan noon.

“Yes, of course, why not? No bad blood naman kami ng Metro Manila Film Fest. Friends naman kami, I'd like to say,” ani Direk Alvin.

HOT STORIES

ON THE MAKING OF STUDENT FILM HULAGWAY

Excited naman si Direk Alvin sa Hulagway, ang bagong pelikula niya na ang tema ay pagpapahalaga sa mga namamatay na mga lokal na wika sa bansa.

"Ang pinakamensahe lang talaga ng movie, sana ma-encourage natin ang audience natin na alagaan talaga ang wika natin, lalung-lalo na yung nawawala talaga.

“Kahit ako, before pa ng project na ito, hindi ko alam mayroon palang tinatawag na endangered languages, na may ganung state pala sa ating bansa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Mayroon talagang namamatay na wika. Hindi talaga biro ang situwasyon."

Ikinuwento rin ni Direk Alvin kung paano siya napasama sa proyekto na financed by the National Commission for Culture and Arts (NCCA).

"Pakana ito ni Mike Corosa, siya yung sa NCCA head ng National Commission for Language Transition.

“Tapos alam naman niya na ako ay nagdidirek, ibinigay niya sa akin itong project na ito. Ako naman, 'Ay, exciting, may ganyan pala.'

“Nagulat ako na may ganyan pala, kasi kung di ako nagkakamali, 2019 or 2018, year of endangered languages sa buong mundo. Kaya ito ang naging project nila.

“Nagbigay sila ng seed grant, I think 1.2 to 1.5M pesos. Parang sa Cinemalaya, bibigyan ka ng base grant pero dadagdagan mo kasi di talaga kakasya pag budget lang nila.”

Bagamat advocacy niya ang gumawa ng pelikula na may kinalaman sa kulturang Pilipino, inamin ni Direk Alvin na hirap talaga ang team niya sa pagbuo ng Hulagway.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa kakulangan ng tao ay may security issue pa raw sa location shoot nila.

"Yes, kung mayroong magbo-volunteer to help us document the other endangered languages, why not?

“Pero yung ginawa kasi namin, Darna talaga. Kasi 12 to 15 lang kami [na tao] tapos jeep lang, kuliglig… Patayan talaga, buwis-buhay.

“Siguro kung gagawa pa kami ng ibang documentary, gusto ko medyo matino yung transportation, hindi kami malalagay sa panganib.

“Hindi ko na nga kinuwento pa yung ibang di natuloy kasi may danger talaga na involved.

“Baka kailangan na mayroon kaming security. Kasi yung ibang pinupuntahan naming mga lugar, minsan maraming rebelde. Kaya minsan nag-a-advance party ako bago sila papuntahin."

SYMBOLISM OF HULAGWAY

Tinanong din namin ang direktor kung ano ba ang ibig sabihin ng titulo ng pelikula, at ano ba ang sinisimbulo ng alimangong kamay ni Sue Prado sa istorya.

"It means Cebuano word for images, at hindi ako ang nagbigay niyan, nanggaling sa kanila. Sila ang nagbigay ng title.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May mga nag-react na mga students nung pinanood ito, ‘Sir, that's cannibalism.’ Pero hindi.

“Ang ibig sabihin nun, yung creativity mo, kinukuha mo mula sa sarili mong katawan.

“Yung imagination mo, ang ginagamit mo ay ang sarili mong katawan. You're eating yourself in that way."

Sa ngayon ay wala pang schedule para mapanood sa mga sinehan ang Hulagway dahil ang target audience nito ay mga estudyante sa eskuwelahan.

"Sana [mapalabas sa mga sinehan], pero ang goal muna kasi ngayon ay mga eskuwelahan, kasi yun naman talaga yung point.

“Pero kung magka-public screening man, of course kayo ang unang makakaalam,” saad ni Direk Alvin.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Alvin Yapan (left photo) on lesson learned after including a dog slaughter scene in the 2016 MMFF entry Oro: “Promise ko naman sa mga tao, sa mga nanonood sa akin, I want to be a better director. Paghuhusayan ko pa, siguro talagang di mahusay ang pagkakagawa nun, sana mapaghusayan ko pa." Oro is a crime drama that stars (right photo) Mercedes Cabral, Irma Adlawan, and Joem Bascon.
PHOTO/S: Melba Llanera / Screengrab from Oro trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results