Direk Jojo Nadela thanks Ricky Lee for jumpstarting his directorial career

by Noel Orsal
Sep 11, 2022
Daniel Red
Direk Jojo Nadela
Soliman Cruz
Direk Jojo Nadela (middle) acknowledges National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee for inspiring him and starting off his directorial career. Photo also shows Pula Ang Kulay ng Gabi cast and crew Daniel Red (left) and Soliman Cruz (right). (Photo: Noel Orsal)

Palabas na ngayon via streaming ang pelikulang ginawa ni Direk Jojo Nadela para sa AQ Prime, ang Pula Ang Kulay Ng Gabi na pinagbibidahan ni Aljur Abrenica at Yana Fuentes. Kasama rin sina Rob Sy, Zia Zamora, Elijah Filamor and Soliman Cruz.

Pula Ang Kulay ng Gabi

Sa pamamagitan ng Facebook Messenger, nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Direk Jojo, at inalam namin ang mga detalye tungkol sa kanyang makulay na career bilang direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bungad niya, “Ako kasi from the very start eto talaga gusto kong gawin, paglapag ng mga paa ko sa pier ng Maynila, hinanda ko na sarili. Binulong ko na agad sa sarili ko, sooner or later, makikita ang name ko sa dyaryo at at sa mga TV screen! So help me God!

“Passion is the key. Dapat you should keep it burning, wag mo hayaang ang mga pagsubok at pagmamaliit sayo ang pumatay sa apoy na yun.

“Along the way kasi, kailangan mo lang naman ng mga taong magtitiwala sayo, yung gagamitin ni Lord para buksan ang oppurtunity na yun para sa iyo.

“Kaya salamat sa mga taong yun na unang nagbukas ng pintuan para sa akin."

Kabilang sa mga unang directing gig niya sa GMA-7 ang Dear Uge at Stories For The Soul ni Manny Pacquiao. Sa ngayon ay nakatutok siya sa Wish Ko Lang.

Pag-amin niya, “Medyo late na kasi ako nag-focus sa TV directing, mga year 2019 na yata, 'tapos nagka pandemya pa! At some point, nakuntento na ako sa pagiging writer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nakalimutan ko na yung isa kong passion, which is directing. Kaya thank God at naging instrumento yung friend ko na nagtiwala sa aking idirek yung isang video project nila. Mula noon, napukaw na ulit yung interest ko at nagtuluy-tuloy na."

May limang full-length movie na ring nagawa at naiderek si Jojo. Kasama na rito ang Sugarol, Miraquel, Tarantanods, Pilapil at Ayoko Na Sa Earth #Balakajan.

HOW DIREK JOJO STARTED HIS SHOWBIZ CAREER

Tinanong namin si Direk Jojo kung anong kurso ang kinuha niya nung college, at bakit directing ang nagustuhan niyang pasukin.

Lahad niya, “Mga workshops/seminars lang, pero formal schooling wala naman, kasi AB Journalism talaga course ko, e. Di naman filmmaking.

“Then, may isang tao pang pinagkakautangan ko ng utang na loob bukod sa Professor kong si Sir Rodolfo Ordoñez at boss Rudy Salandanan.

"May isang Boy Silverio pa na nagbigay sa akin ng break sa showbiz writing! Haha! So, naging Marites din tayo nong araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Binigyan ako ni Boy ng pahina sa showbiz magazine niya noon. Nag-iinterview ako ng mga artista minsan, 'tapos mga kilalang direktor.

“Kaya nung ma-interview ko si Direk Boy Vinarao na napakabait sa akin, naging inspirasyon ko siya na mangarap uli. Yun nga yung mapasok ang industriya ng TV at pelikula.

“After ko maging assistant staff sa Liwayway, 'eto na, kumatok na sa akin ang mundo ng telebisyon. Eto yung nang makikilala ko si Maestro Ricky Lee. Doon nagsimula ang lahat."

DIREK JOJO ON MEETING HIS IDOL RICKY LEE

Patuloy niyang kuwento, “Isang hapong nag-malling ako after ng work ko sa Liwayway, nakita ko si Ricky pakalat-kalat din sa mall.

"Kasama pa niya noon si Direk Rahyan Carlos. E, nakikilala ko na si Ricky noon dahil nakikita ko mukha niya sa TV at nababasa ko siya sa mga dyaryo at magasin.

“Ayun, naglakas-loob na ako, sinundan ko sila sa mall. Hahaha! Naging stalker ang peg ko! Hahahha! Tsumempo ako!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kinapalan ko na mukha ko. Lumapit ako sa kanya, nagpakilala at binigay ko yung calling card ko, kako baka lang kako makatulong ako pag may gusto silang ipanawagan sa dyaryo o magazine. 'Tapos, yun na, ngumiti lang si maestro at oks daw.

“Tapos nilagay na nya sa bulsa nya yung tarheta ko. So, parang feeling ko noon nung pagtalikod ko, 'naku, nasa bulsa lang niya. Baka di na niya maalala at baka malabhan lang yung calling card ko!' Hahaha!

"Wala na! End of my dreams! Oo nga naman. Sino ba ako kay idol!?”

DIREK JOJO STARTS GETTING BIG BREAKS

Marami na rin daw siyang short films na nagawa, kung saan daw siya talaga nagsimula.

Paano at saan nga ba nagsimula ang career ni Jojo bilang direktor?

Saad niya, “Nagsimula talaga ako sa ABS-CBN. After nga noong makilala ko si Ricky Lee na consultant at head writer na rin ng mga shows sa ABS noon, siya talaga kumuha sa akin at unang nagtiwala sa akin sa industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung taong akala ko e di pinansin yung calling card ko noon, na akala ko malalabhan lang yung calling card ko! Hahaha!

"Yun pala nasa wallet lang niya! After nung first meeting namin sa mall, di na ako umasa.

“Pero after mga 3-4 months siguro, may tumawag sa akin, secretary niya. At ang sabi nga sinama raw ako ni Sir Ricky sa sampung trainee writers para ipasok sa ABS-CBN. Grabe yun!

“Halos iwan ako ng kaluluwa ko sa sobrang tuwa! Haha! So there. Doon na po nagsimula ang TV career ko. That was year 2000 yata. 'Tapos, yun nga, payo sa akin ni Ricky mamili na raw ako—yung regular job ko sa Liwayway Magazine or maging TV writer.

"Dahil trainee pa lang, 2500-3k pa lang yata ang retaineer's fee namin noon. At talagang walang kasiguruhan. Puwede kami maligwak anytime, lalo na pag di type ng mga boss mga galawan namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero yun nga, you can't serve two masters. Need na may igi-give up. Ang hirap, kasi regular job ko na yung Liwayway Magazine pero kailangan kong mamili. Inisip ko na lang... yung pagiging writer sa TV at pelikula dream ko talaga yun, nakita na sa dyaryo at magasin ang name ko, sa TV na lang hindi pa.

“E, eto na yung opportunity. Minsan lang ito, saka bata pa ako noon. Walang pamilyang magugutom, kumbaga. Pag di ako pinalad, e sikmura ko lang magugutom.

“So, yung risks sa akin lang pag nagkataon. Kesa naman pag may pamilya na ako saka ako susugal sa walang kasiguruhan.

"So yun yung naging basehan ko na piliin ang TV industry at iwan na nga ang prose writing—ang publication na bumuhay din sa akin ng ilang taon.

DIREK JOJO'S EARLY PROJECTS WITH ABS-CBN

Patuloy pang kuwento ni Direk Jojo, “MMK at Kasangga Mayor Alfredo Lim ang mga una kong naging show sa ABS, then 2005 yata ako pumasok sa Kapuso Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“From drama shows sa Kapamilya, paglipat ko sa GMA, napunta na akong comedy. Bahay Mo Ba 'To ang una kong show, 'tapos Bubble Gang, etc.

"Nagtuluy-tuloy na. Then later on, nakakatawid na rin ako sa drama.

“May mga soap opera rin ako, pero mostly ang ganap ko doon is as brainstormer.

“Pero dati kasi, uso pa at puwede pa rumaket sa ibang network. Kaya noon nakakapagsulat pa ako sa RPN-9, sa Channel 13. Iba-ibang programs/genre sinusulat ko doon.

“May pangkahayupan at agrikultura, mala Gerry Geronimo at Negosyete! Pinapatos ko iyan! Hahaha!” natatawang pagbabalik-tanaw pa ni Direk Jojo.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Jojo Nadela (middle) acknowledges National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee for inspiring him and starting off his directorial career. Photo also shows Pula Ang Kulay ng Gabi cast and crew Daniel Red (left) and Soliman Cruz (right). (Photo: Noel Orsal)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results