Vince Tañada overwhelmed by public support, donations for "Katips"

by Julie E. Bonifacio
Sep 13, 2022
Katips cast
Katips, the award-winning musical drama movie, kicks off its world tour mid-September 2022 in key cities in the Middle East, Europe, Asia, the United States and Canada. Photo shows cast members (L-R) Nicole Laurel Asensio, Vince Tañada, Johnrey Rivas and Vean Olmedo.

Masayang ibinalita ni Vince Tañada na kasado na ang world tour ng pelikulang Katips, kunsaan siya ang producer, direktor, at bahagi rin ng cast.

Humakot ng awards ang Katips sa 70th FAMAS Awards, kabilang na ang Best Picture, Best Director, at Best Actor para kay Vice.

Read: FAMAS 2022: Martial law film Katips bags seven awards; Charo Santos-Concio wins Best Actress

Pahayag niya, “Napakahalagang pagkakataon ang gagawin namin para sa Katips kasi bihira naman na ang isang pelikula ay magkaroon ng world tour.

“At ang dami… ito ay unang pelikula ko pa lang.

“Sabi ko nga, napakasuwerte ko dahil unang pelikula ko. 'Tapos, nagkaroon ng award at meron pang world tour. Maraming bonus, puro firsts ko na aking na-experience. Malayo na ang narating ng movie, literal yun.

“E, wala naman ito. Wala lang, ito kasi hindi naman talaga namin akalaing mapapalabas ito.

"Una, advocacy ko lang ito. Sabi ko nga, namatay ang tatay ko, gawa tayo ng pelikula. Para naman yung pelikulang kahit matanda na ako, andiyan pa rin ang pelikula. Puwede kong panoorin paulit-ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"E, hindi namin alam na ganito pala ang pupuntahan.”

Nanghinayang si Vince na hindi na inabot ng kanyang ama ang tagumpay ng kanyang first film, na tumatalakay sa panahon ng martial law.

Hinaing niya, “Sayang hindi niya napanood ito at, oo, hindi na niya na-witness yung nangyayari sa movie.

"Yung tatay ko ang nagdala sa akin sa EDSA. Yung tatay ko ang nagdala sa akin sa libing ni Ninoy [Aquino] nung 1983. Yung tatay ko talaga, nakikipaglaban para sa katotohanan kaya nakakalungkot. Siguro proud na proud siya sa akin.”

Nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Vince at ang fellow Katips cast member niyang si John Rey Rivas sa presscon para sa world tour ng Katips.

Ginanap ito sa Philippine Stagers Foundation Blackbox Theatre sa G. Tuazon, Sampaloc, Manila, last Wednesday, September 7.

VINCE OVERWHELMED WITH PUBLIC SUPPORT, DONATIONS

Happy si Vince na hanggang ngayon ay may iba’t ibang non-government organizations (NGOs) na nagpapa-block screening para sa Katips.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Vince, “Matagal na kaming tumakbo sa mga sinehan at nag-run yung Katips for, like, four weeks. Nakakatuwa yun dahil up to now may block screenings ng iba’t ibang mga NGOs, educational institutions, mga companies.

“In fact, last Friday [September 9], nasa Rockwell kami para sa dalawang block screenings na pinamunuan nina Senator Bam Aquino.

"At nung Sabado [September 10] ay nag-block screening din si [Manila] Mayor Honey Lacuna sa SM Manila naman. At ito ay para sa mga personnel and employees ng City of Manila.

"Kaya nakakatuwa na hanggang sa kasalukuyan, panglimang linggo na simula nung kami ay magbukas sa mga sinehan, marami pa rin ang sumusuporta at gustong mapanood ang Katips.

Kumusta naman ang response ng mga tao sa probinsiya kung saan ipinalabas din ang Katips?

Ayon kay Vince, “Lahat ng provincial screenings there, kasi I want to go personally to really thank them at nakita naming ang pagbabalik ng kumpiyansa ng mga tao sa panonood ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yun palagay ko ang pinakamahalaga, dahil tayong mga trabahador sa pelikula, nagtataka nga lang ako kung bakit nagamit sa politika. Pero ang totoo niyan, tayo ay nandito to utilize our art not only in entertaining the public, but to educate them as well.”

Kuwento pa niya, “Pagdating namin sa Iloilo, dinala kami doon sa mall. Hindi ko naman akalain na, kasi nga five-star hotel, hindi tayo sanay na ganoon ang turing sa atin. Pero pagdating namin sa Iloilo, doon sa may airport, nagsisigawan yung mga tao.

“Nagulat na lang tayo dahil nanalo pala si VP Leni [Robredo] doon. At malaki ang lamang niya. So, siguro yun ang naging daan kaya napakaraming tumatawag sa atin ng Ka Panyong [pangalan ng karakter niya sa Katips].

“At lahat ng restaurants na puntahan namin, nag-meryenda kami nung hapon, kami-kami lang. Wala kaming kasama. Nilibre na kami.

"Pagkatapos, yung aming pinuntahan na mga institutions, gaya nung Lawyers for Leni na nag-schedule sa amin doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakakagulat yung sa La Union dahil yun ay solid north nga, sabi nila. Pero napakaganda ng pagtanggap sa amin ng mga taga-La Union.

“In fact, doon lang ako nakakita na after ng screening, yung mga doctor, Doctors for Leni ‘to, nagbibigay ng tseke. Hindi namin alam kung bakit nagbibigay ng mga tseke sa akin.

“'Tapos, sinabi nila they want to contribute something para sa world tour, kung meron daw kaming pocket money na. E, di kami naman, siyempre tuwang-tuwa kami na inaabutan kami ng mga tseke.

“Alam mo ba na para lang sa La Union na yun, inabot ng P300K yung mga pinagbibigay na tseke mula sa Doctors for Leni. Kaya nakakatuwa na, this has become a people’s project na ang tao na ang tumutulong sa atin.

“Dahil alam niyo naman ito ay hard-earned money ko, mga pinanggastos natin sa pagpo-produce. Ito ay earnings ko for the past 22 years na ako ay abogado. At sabi ko nga, naubos yun dahil sa pagpo-produce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero napalitan naman sa pamamagitan ng pag-ibig ng mga tao na nagko-contribute. Para lang, ‘Meron na po ba kayong pamasahe pagpunta sa ibang bansa?’ So, yung mga tao mismo ang nagpi-pledge para kami makarating sa iba’t ibang bansa.”

Bukod sa pagpapalabs ng Katips, meron din daw magaganap na symposium after ng film showing sa kanilang world tour.

Dagdag ni Vince, “Ang ating world tour ay hindi lamang simpleng screening. We will be using the powerful tool of media and the film in educating our young people about history. Kasi iyan ay nakakalimutan, kaya ito ang bentahe ng aming world tour.

“This is a screening and symposium. May post-symposium after ng screening, sa lahat iyan na tutunguhin namin na mga bansa. Kaya gagamitin pa rin natin ang pelikula, at the same time nandoon tayo para mag-debriefing para sa mga katanungan. Para mag-explain sa kanila ng mga tunay na kaganapan sa ating kasaysayan na palagay ko ay hindi natin dapat makalimutan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KATIPS WORLD TOUR SCHEDULE

Umalis ng bansa si Vince kasama ang ilang cast members ng Katips para sa kick-off ng world tour nito kahapon, Linggo, September 11.

Mauunang ipalabas ang Katips sa mga bansa sa Middle East. Iniwasan kasi muna ni Atty. Vince ang mga bansang nagre-require ng quarantine dahil nasasayangan siya sa panahon. Magki-kick-off ang Katips world tour sa Dubai on September 13, Abu Dhabi on the 14th, Kuwait on Sept. 15-22, U.A.E on Sept. 15-22, Bahrain on Sept. 15-22 and Oman on Sept. 15-22.

Then, balik-Asia sila sa Tokyo, Japan on Sept. 19.

Ipapalabas din ang Katips sa mga bansa sa Europe gaya ng New Zealand (Auckland-9/18, Wellington - 9/18 Christchurch), 10/8), Spain (Barcelona -10/16), United Kingdom on October 18 to 20, Germany (Stutgard 10/22-23, Luxembourg -10/24 to 25), Switzerland (Geneva -10/28, Zurich-10/29) and Italy (Rome-10/31 to 11/2), Meron din sa USA (New Jersey- 11/11, New York-11/12-13, Washington DC- 11/14-16, Los Angeles-11/17-19, San Francisco-11/20-22, Sacramento-11/23) and Hawaii on December 12.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Meron din sa Canada (Vancouver -11/28-29, Edmonton-11/30, Winnipeg- 12/2-3, Montréal-12/5, Ottawa-12/7, Toronto-12/9-10). Gayundin sa Australia (Melbourne -10/1, Adelaide -10/2, Brisbane -10/5, Gold Coast -10/5 at Sydney.

And ang last country na naka-schedule ay sa Hongkong on December 12 from 17 to 18.

May mga madadagdag pa raw na mga bansa pero hindi pa nila puwedeng i-announce dahil may mga inaayos pa na ilang detalye.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Katips, the award-winning musical drama movie, kicks off its world tour mid-September 2022 in key cities in the Middle East, Europe, Asia, the United States and Canada. Photo shows cast members (L-R) Nicole Laurel Asensio, Vince Tañada, Johnrey Rivas and Vean Olmedo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results