Vice Ganda sponsors screening for Kathniel after month-long tiff with Daniel Padilla


Last Saturday (March 21), nag-sponsor si Vice Ganda ng block screening ng pelikulang Crazy Beautiful You nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ang screening na ginanap sa SM North EDSA, The Block ay bahagi ng treat niya sa kanyang fans sa nalalapit na birthday ni Vice Ganda sa March 31.

Kaya bago sinimulan ang pagpapalabas ng blockbuster movie na ito ng Kathniel tandem, binigyan ng cake ng kanyang fans si Vice at kinantahan siya ng “Happy Birthday.”

Nakapanayam ng PEP.ph si Vice ay sinabi nito kung bakit may birthday cake sa event na iyon kahit na next week pa ang kanyang natal day.

“Wala ako kasi sa birthday ko, kaya parang ito na yung birthday gift ko para sa mga Little Ponies ko,” nakangiting kuwento niya.

Sinabi rin ni Vice kung paano nagsimula ang pagpapa-block screening niya ng movie nina Kathniel.

“Bigla-biglaan lang, e,” saad ni Vice na napatigil sandali nang dumating si DJ.

Pagpapatuloy niya, “Biglaan lang, kasi magkasama kami ni DJ noong isang araw. Sinundan niya ’ko, sabi niya, ‘Napanood mo na ba?’

“Sabi ko, ‘Hindi pa nga.’ Pero tapos sabi ko, ‘Magpapa-block screening ako, plano ko talaga magpablock screen, pero hindi ko lang alam yung date.’

“Kaya nang tinawagan ko yung management, tapos sabi nila ay aayusin daw nila. The following day, nagpa-book na sila,” paliwanag pa ni Vice.

Nabanggit ni Vice sa It’s Showtime na isang buwan silang hindi nagpansinan si Daniel. Ngunit nagkabati na raw sila ni DJ (Daniel’s nickname). Paano nangyari ito at saan?

“Oo, nagkita kami sa Embassy. E, ganoon naman kami, lagi naman kaming nagtatampuhan niyan. Pero wala lang, walang artehan… yung kapag nagkita kami, super okay kaming dalawa agad.”

Bakit kayo nagtampuhan?

“Ayun…Basta!

“Nagkaroon ng conflict yung mga fans… nag-ano… Pero kasi kami ni DJ, kapag nagtatampuhan kami, wala… ganoon lang kami, para kaming magkaedad,” nakangiting saad ni Vice.

Dagdag pa niya, “Oo umaarte din ako, kunwari kaedad niya ako. Ako talaga yung umaarte…!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi pa ni Vice na si Daniel ang gumawa ng first move nang magkita sila sa Embassy.

“Siya [ang nag-break ng ice], kasi mas maarte ako e. E, hindi naman siya maarte.

“Ganoon kami, kapag nagtatampuhan kami, walang usap-usap. Magkatinginan lang kami, as in tapos na kami agad.

“Kaya nga noong kinakausap ako ni Karla [Estrada, mother of Daniel], sabi ko, ‘Ano ba, wala kaming… kami na bahala ni DJ doon.’”

Nang usisain naman si Daniel tungkol sa tampuhan nila ni Vice, mabilis ang naging sagot niya.

“Kadarating ko lang, ano na naman ba iyan?” nakangiting reaksiyon ni Daniel.

Nagkatampuhan pala kayo ni Vice?

“Ha?! Nagkatampuhan kami?! Ha?” sabi pa ni DJ.

Nakatawang sabat naman ni Vice, “Inaway ko siya nang hindi siya aware.”

“Hindi ang nangyari, kasi ay nagkakasawaan na kami ni Vice. Kailangan naming gawin yun, para may bago naman,” nakatawang sabi naman ni DJ.

Ano ang pakiramdam na nag-effort si Vice para magpa-block screening ng pelikula ninyo?

“Oo naman…” simula ni DJ na naputol sa pagsingit ulit ni Vice.

“At saka siya rin naman ang nagbayad nito,” pabirong saad ng komedyante patungkol kay DJ.

Sagot naman ng Kapamilya teen actor: “Oo nga, ako ang nag-invite sa kanya [Vice],” nakatawang saad nya. “Hindi, loko lang!”

Patuloy pa ni Daniel, “Kasi nga, ayaw niyang panoorin. Ayaw panoorin ito ni Vice, kasi nagtatampo siya sa akin. Pero ngayon ay okay na siya. Sabi nga niya ay magpapa-block screening daw siya.”

Ikaw daw ang lumapit sa kanya sa Embassy?

“Oo, babae kasi si Vice, e. So, kailangan ako ang lumapit.”

Hindi mo rin siya matiis?

“Oo naman,” matipid na tugon pa ng Teen King.

Gaano mo kamahal si Vice bilang kaibigan?

Bago makasagot si Daniel, ay nag-react muna si Vice, “Nakakaloka! Parang papunta na yata sa love team iyan, e.”

Tugon naman ni Daniel, “Awkward ha! Okay na iyan, okay na iyan,” paiwas na hirit ng 19-year-old actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahal namin ito ng nanay ko, ng buong pamilya ko, mahal itong si Vice,” sabi pa ni Daniel.

Nang may nag-usisa kay DJ kung sinabi ba talaga ni Karla na yakapin na niya si Vice para maayos na ang tampuhan nila, ito ang naging pahayag ni Daniel.

“Si Mama hindi nakikialam sa amin iyan.”

So, kusang loob mo iyong ginawa?

“Secret!” nakatawang sabi ni DJ. “Okay na yun!”

Nang hingan ng message para sa Little Ponies, ang tawag sa mga fans ni Vice, ito ang sinabi ni DJ, “Enjoy the movie, guys!”

Ikaw Vice, ano ang iyong birthday wish?

“Wala lang, ano lang health lang para sa akin at saka sa mga mahal ko sa buhay… maayos na kalusugan para happy lahat.”

Ano ang message mo para kay Daniel?

“Congratulations! Ang taray! Blockbuster!

“Kaya excited na akong gawin iyong pelikula namin for December."

Nice ba ang feeling na okay na kayo ni Daniel?

"Korek! Oo, super okay naman kami. Papunta na nga ito sa love team,” nakatawang saad ni Vice.

Inusisa rin ng PEP sa komedyante kung ano ang comment niya sa lakas sa box office ng movie nina Kathniel.

“Hindi naman ako nabigla roon, talaga namang ine-expect kong talagang malakas na malakas itong movie nila.”

Ibig sabihin ba nito, sa movie ninyo ni Daniel sa December, dapat ay mas matindi ang io-offer ninyo sa fans?

“Oo naman, siyempre. Kaya nga ako sumasama sa kanya, para mas lalong tumindi.

“Ginagamit ko lang naman talaga si DJ, para sa career ko,” pabirong pagtatapos ni Vice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN