Aminado si Perci Intalan na ang ex-partner at award-winning director na si Jun Robles Lana ang nakapag-impluwensiya sa kanyang pasukin ang pagdidirek sa pelikula at telebisyon.
Ikinasal ang dalawa sa isang same sex-wedding ceremony sa New York nung October 14, 2013.
Pero noong December 10, 2021, nauwi sa hiwalayan ang walong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa.
Read: Filmmakers Jun Lana, Perci Intalan separate after eight years of marriage
Ang kabuuang itinagal ng kanilang romantic relationship ay 18 years. Co-founders sila ng content company na IdeaFirst Company mula noong April 2014.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ikinuwento ni Direk Perci ang malaking ambag ni Jun sa kanyang karera bilang director.
"Actually, nahawa lang ako sa dream niyang yun. Of course, I mean, wala naman sa industriya ang inisip one day gustong maging direktor.
"Reality ito na kanya-kanya tayo ng mga roles. Ako, never kong inisip na kaya kong mag-direct because parang producer ako by heart, e.
"Parang iniiisip ko lagi as producer, laging nas likod ka ng iba, may ibang gumagawa," bungad ni Perci.
Si Perci ay First Vice President for Entertainment ng TV5 mula 2004-2013. Nagtrabaho rin siya bilang executive producer sa Walt Disney mula 1998-2004, at promo producer ng GMA Network noong 1993-1998.
Patuloy niya: "Pero nung nag-retire ako sa TV5, dun ko inisip kung ano ang gagawin kong bago.
"Si Jun yung nag-push. Sabi nga niya, 'Subukan mo lang.'
"The last time na pinush niya ako, nung 2008, pinush niya akong magsulat ng one-act play at i-submit sa Palanca Awards, and nag-second place ako.
"It's a one-act play in English, Secret Identity ang title. Tungkol sa isang gay na superhero, na nung time na yun ay novelty, [pero] ngayon ay napaka-common na.
"Na-extend kasi ang Palanca deadline. Tapos isang araw nagpunta si Jun sa kuwarto ko, 'Uy, na-extend ang Palanca deadline, sali ka. Sali ka, malay mo.' Sabi ko, 'Okay, sige.'
"Ganito ang play ng conversation. 'Dun ka sa one-act play, maikli lang.' Sabi ko, 'Sige, pero di ako marunong gumawa ng one-act play.'
"Sabi niya, 'Google ko na lang kung paano.' Ginoogle ko talaga kung paano ang format. Two weeks kong isinulat."
Pero kahit na nanalo siya noon ng award, hindi pa raw agad lubusang isinapuso ni Perci ang pagdidirek.
"Nung sinabi ni Jun na magdirek ako, trinay ko, and I appreciate na pinush niya ako to try something new. Na-enjoy ko naman.
"Until recently, parang kino-consider ko siya na second career. Producer muna bago director.
"And I think, this year, in-embrace ko talaga na, 'Hindi, this time, pag gagawa ako ng pelikula, direktor ako.' Na-psych ko na ang sarili ko na direktor ako this time.
"Hindi na ako apologetic, the fact na, 'Di kasi available si Jun,' or whatever. May ganun ako.
"Na parang, lots of films that I directed [dati]—from Born Beautiful (2019), My Fairy Tail Love Story (2018), Unforgettable (2019), laging nauuna si Jun, tapos susunod ako.
"Ngayon, 'Hindi. Gusto kong gawin ito.'"
Sabay tukoy niya sa dynamics nila bilang close colleagues, "Tapos, I guess, because of our newfound relationship."
Unang directorial job ni Direk Perci ang pelikulang Dementia (2014), na pinagbidahan ng Superstar at National Artist na si Nora Aunor. Dito unti-unting nagustuhan niya ang proseso ng paghulma ng isang pelikula.
"Kaya ako naging direktor nun, kasi pinag-pitch ko na si Ate Guy and si Jun na magkatrabaho.
"Kaya sabi ni Jun, 'Di ba, may material ka, yung Dementia, e, di ikaw na lang ang magdirek?' Kaya immediately may material na agad ako kasi, again, dapat kay Jun yun.
"Na-appreciate ko talaga yung process. Like anything, habang ginagawa mo, pag nakita mo na yung [finished film], 'Dapat ginawa ko ito, e.' Parang gusto ko pa ng isang chance. Tapos every film, ganun."

- Maggie Wilson speaks up about money issue involving Victor Consunji's trusted employee
- Maritoni Fernandez talks about being busy mom in blended family
- Hunk actor, ibinuko ng guwapong model na nag-"service" sa kanya
ON BEING TRUSTED BY OTHER PRODUCERS
Nakatulong nang malaki kay Direk Perci para magkaroon ng kumpiyansa sa pagdidirek ang tiwala sa kanya ng ibang stakeholders sa entertainment industry.
Kabilang dito sina Lily at Roselle Monteverde ng Regal Entertainment, Vic del Rosario ng Viva Entertainment Inc., pati na sina Lauren Dyogi at Ruel Bayani ng ABS-CBN.
"I'm happy and thankful din ako kay Mother Lily saka kay Roselle kasi, after Dementia, in-offer-an nila akong magdirek ng Shake, Rattle and Roll ng isang epsiode.
"Thankful din ako kila Direk Lauren Dyogi saka kay Direk Ruel Bayani, kasi after Dementia, kinuha rin nila ako na magdirek ng isang episode ng Ipaglaban Mo.
"Dahil hindi ako producer ng dalawang projects na yun, pero direktor, parang feeling ko may nagtaya sa akin.
"Kasi kung ako ang producer, parang nandun lahat ng self-doubt mo, di ba? That helped push me na, 'O sige, mukhang may nagtitiwala naman sa akin, i-embrace na natin ito.'"
Sa ngayon ay may dalawang pelikulang ipalalabas si Direk Perci, ang horror-thriller na Livescream at ang romanic-comedy nq Mahal Kita, Beksman. Ang Livescream ay ipalalabas sa Vivamax Plus habang ang Mahal Kita, Beksman ay ipalalabas sa mga sinehan.
Bukas din ba siyang makisabay sa daring movies na kadalasang tema ng Vivamax movies?
Sagot ni Perci: "I guess, pag tiningnan mo naman, medyo sexy ang Livescream. Ano siya, e, body horror. Medyo sexual yung inspiration.
"I think sa Vivamax, okay naman yung medyo sexy themes kasi yun ang audience nila, e."
Binibigyan naman daw siya ng creative freedom ni Vic del Rosario, na founder ng Viva Entertainment Inc.
"Pero natutuwa naman ako kay Boss Vic kasi they are open with the idea na kahit na medyo sexy, dadalhin ko sa ibang genre, like sexy-comedy, sexy-horror, sexy-drama na may bali dun sa kuwento.
"I really appreciate the fact na binigyan kami ni Boss Vic ng freedom to do all of those."

ON CASTING FOR VIVA MOVIES
May apat na pelikula pang nakalinya na gagawin si Direk Perci sa Viva.
May requirement bang dapat ay panay Viva artists ang kunin niyang artista?
Sagot ni Direk Perci: "Alam mo, no. In fairness kay Boss Vic, he's upfront naman. Sinasabi niya na may mga artista ang Viva and he'd like siyempre may mga trabaho ang artista niya.
"When I pitched Livescream, when I said na si Elijah Canlas ang best-friend role, wala naman siyang tanong.
"Kinast namin si Phoebe Walker saka si Kat Dovey ng Viva. Nag-audition ako dun.
"Pero kung wala akong nahanap dun, puwede akong mag-demand na yung artista to be somebody else [na hindi Viva artist]."
Sa Mahal Kita, Beksman, na pinagbibidahan nina Christian Bables at Keempee de Leon, ang cast member na si Katya Santos lang ang Viva artist.
"He trusted us na we will go [with] kung sino ang dapat," tukoy pa ni Direk Perci kay Boss Vic.
