Ang Triangle Of Sadness, ang pinag-uusapang Hollywood film ng batikang aktres na si Dolly de Leon, ang naging opening film sa 2022 QCinema International Film Festival na ginanap nitong Nobyembre 17, 2022 sa Gateway Atmos Cinema 5 sa Cubao, Quezon City.
Ito rin ang nagsilbing Philippine premiere ng nasabing pelikulang nagwagi ng prestihiyosong Palme d'Or sa 75th Cannes Film Festival sa France nitong nakaraang Mayo.
Directed by the award-winning Swedish director na si Ruben Ostlund, ang Triangle Of Sadness ay isang "class warfare comedy," o satire na pinapurihan ng world critics na napanood ang pelikula sa Cannes.
Sa afterparty ng QCinema na ginanap sa Tent ng Novotel Hotel sa Cubao, nakapanayam ng Philippine Entertaiment Portal (PEP.ph) at ilan pang entertainment press si Dolly, na tuwang-tuwa dahil sa wakas ay napanood na rin ng mga Pilipino ang kanilang pelikula sa Pilipinas.
DOLLY OVERWHELMED BY PINOY AUDIENCE'S REACTIONS
Anong pakiramdam ni Dolly na panay ang palakpak ng audience sa nasabing PH premiere sa bawat highlight scenes niya sa movie?
"Grabe, tuwang-tuwa ako sa kanila!" bungad niya.
"Kasi iba... Ibang-iba ang reactions ng Pinoy sa ibang mga bansa, yung mga lugar... Na [dito], halatang-halatang kinakampihan nila [ang mga ginagawa ko sa eksena]."
Ganoon na lang daw ang excitement niya dahil mga kababayan na natin ang sa wakas ay nakapanood na ng foreign film niyang ito.
"Ay, oo! As in sobrang excited talaga ako.
"Kasi dapat andun pa rin ako [sa Amerika] para mangampanya [for Oscars 2023], pero sabi ko, gusto kong umuwi. Importante sa aking umuwi ng Pilipinas," sabi ni Dolly.
DOLLY MOURNS co-star CHARLBI DEAN'S PASSING
Sa kabila ng mga nakatutuwang kaganapan, nabahiran din ng lungkot ang grupo nina Dolly dahil sa napabalitang pagpanaw ng isa sa kanilang co-star.
Nitong nakaraang Agosto lang ay sumakabilang-buhay ang Triangle of Sadness co-star ni Dolly na si Charlbi Dean (na gumanap bilang si Yaya in the story) sa edad na 32.
Kaya ba nag-black ang Instagram account niya ay dahil sa pagpanaw ng co-star niya?
"Yes, siya ang dahilan," malungkot na pag-amin ni Dolly.
"Naging close kami [while filming]... As in, lahat naman kami sa cast ay naging close, pero si Charlbi, ibang level ang naging closeness namin, kasi sobra kasi siyang accessible, friendly. Talagang totoong tao.
"E, di ba, model siya? Yun ang totoong profession niya, e. Pero mabait."
Kailan siya pumanaw?
"After Cannes," pahayag ni Dolly. "August 29, she died.
"Thirty-two years old lang siya. Hindi na niya inabot yung US premiere. Hindi na rin niya inabutan yung South African premiere. That's where she's from."
Anong reaction niya after she died, lalo na't sa bandang ending ng movie ay may isang mahalagang eksena silang ginawa?
Pag-amin niya, "Hindi ko kayang makita. Hindi ko kayang manood. Hinawakan ko nga ang kamay ng daughter ko noong yun na ang part...
"Lalo na nung nagyakapan kami. Kasi, totoo yung yakap na yun, e. So, ang hirap panoorin. Actually, first scene pa lang, ang hirap, yung unang scene niya sa restaurant."
Since nakatrabaho niya sa movie ang banyagang aktres, kumusta ito sa off camera o sa totoong buhay?
"She was peaceful, lady-like, warm, gentle, light, sweet, at the same time funny, at the same time, sa work ay very empathetic, concerned about everybody. Napakabait na tao. Mabait na cool!
"Huling kita ko sa kanya, nanood kami ng Decision To Leave sa Cannes, yun yung huling araw na nagkita kami," malungkot na pagbabalik-alaala niya sa yumaong co-star.
DOLLY STARSTRUCK WITH JACLYN JOSE
On the lighter side, noong opening pa rin ng QCinema sa Gateway, naging star-studded ang attendance sa audience.
Kabilang sa dumalo si Jaclyn Jose, na unang Pinay actress namang nanalo ng Cannes Best Actress. Anong feeling niya nung nakita niya sa theater si Jaclyn, ngayong ang film naman niya ay Cannes winner na rin?
"E, siyempre, starstruck ako, ano?!" sagot niya.
"Although nakatrabaho ko naman si Ms. Jane noon pa, pero parang, yung thought na papanoorin niya yung Triangle Of Sadness, nakakakilig. Kilig na kilig ako, as in! Starstruck ako, siyempre!"
Mary Jane Guck ang real name ni Jaclyn.
DOLLY SHRUGS OFF PLAUDITS
Kung na-starstruck siya kay Jaclyn, sa nangyari sa PH premiere, starstruck na rin sa kanya ang Pinoy moviegoers, dahil kahit na sa social media ay pinag-uusapan ang mahusay niyang performance sa pelikula.
Anong pakiramdam niyang iba na ang reception at treatment ng mga tao sa kanya ngayon?
"I feel that everybody should watch this film! That's what I feel. November 30 na ang theatrical release namin [sa PH cinemas].
"Masarap yung nangyari sa premiere dito, na warm ang reception and everything, pero para sa akin, mas masarap kung maraming manonood ng pelikula."
Mula noong magwagi ang movie sa Cannes Filmfest nitong taon, at papurihan ng film critics all over the world ang ipinamalas niyang husay sa pag-arte, marami ang naglabasang balita na malaki ang chance ni Dolly para ma-nominate as Best Supporting Actress para naman sa Oscars 2023.
DOLLY TAKES SHORT BREAK FROM OSCARS CAMPAIGN
Kumusta ang takbo ng kampanya sa Oscars para sa film nila?
Lahad niya, "Naka-break muna ako, so yung director muna namin ang nangangampanya. Dito muna ako sa Pilipinas, dito ako magpa-Pasko, magnu-New Year, magtatrabaho nang kaunti. Magwo-work muna.
"And then, kung papalarin, babalik ako. Kung palarin... Sana!"
Ang foreign press, natutuwa at naaaliw sa kanya everytime na nakakapanayam siya ng mga ito, na sinasabi nilang "cool" raw siya.
Saad niya, "Siguro, dahil nasanay sila na pag nag-iinterbyu sila ng Asians, hindi marunong mag-English! May mga interpreter, di ba?
"Pero sa Pilipinas naman kasi, lumaki tayong marunong mag-English e, karamihan... Kahit nga yung mga hindi magaling, eh nakakaintindi.
"Siguro, yun yung reason kung bakit naaaliw sila [sa akin]."
May pressure ba sa feelings niya na ang pelikula ay sinasabing nakaka-elevate sa PH cinema or Pinoy artists dahil napapansin ito sa world cinema?
Paglinaw niya, "Hindi naman pressure. Para sa akin, I mean...
"Actually, I feel privileged na part ako ng film industry sa Pilipinas, na mga actors, gaya ni Chai Fonacier, Soliman Cruz, yung mga ganoon.
"So, proud ako, actually. Wala naman akong nararamdaman na pressure. Yung pressure na yun, mas ano... Ang laki na ng expection sa akin!
"So, ineenjoy ko na lang kung anuman ang trabahong dumating sa akin."
More than thirty years na si Dolly sa entertainment industry, at pakiramdam niya ay hindi pa talaga huli ang lahat na sumubok at ituloy lang ang pangarap to make it "big," ika nga.
"Almost 33 years na akong umaarte," pahayag niya. "Lahat na yata ng mga roles at teleserye, nagawa ko na! Umikot na yata ako sa lahat [ng networks]!
"Parang naging training ground ko ang lahat nang iyon para matuto... Para magawa ko itong ginagawa ko now."
DOLLY PRAYS FOR OSCARS NOMINATION
Kung sakaling suwertehin ay siya ang magiging kauna-unang Pinay actress na maaaring ma-nominate as Best Supporting Actress sa prestigious na Oscars 2023.
Na-process na ba niya sa utak niya ang ganoong idea?
"Medyo na-process ko na naman, in a way na, first Filipino nga, pero yung totoo, hindi pa natin alam kung magkakatotoo nga o mangyayari nga! Pero, sana, sana, sana talaga!
"Sana talaga ay ma-nominate tayo. Kasi, kung ma-nominate tayo, napakalaking karangalan yun na makakapasok tayong mga Pinoy doon, for the first time!"
Parang siya ang maaaring magbukas ng pintuan para sa mga Pinoy actors for Oscars nomination, if ever.
"Sana, sana," dasal niya.
"Ang pinaka-challenge lang talaga ay mas maano sila sa recall, yung matunog ang pangalan... E, hindi naman matunog ang pangalan natin, so yun yung challenge."
Pero if ever ba ay may naisip na siya kung sino ang gagawa ng kanyang gown?
"Definitely, Pinoy! Sa Pinoy tayo," diin niya.
DOLLY GRATEFUL FOR WARM PINOY RECEPTION
Sa lahat ng mga nangyayaring ito sa buhay at career ni Dolly, nao-overwhelm ba siya?
"Overwhelming yung mga nangyayari sa States, dahil nasa foreign country ka, 'tapos, hindi mo ginagamit ang sarili mong lengguwahe, 'tapos, yung timezone, iba. Wala yung pamilya mo. Yun ang overwhelming.
"Dito kasi, nasa bahay ako, nasa Pilipinas ako. Our country... So, masarap ang feeling dito.
"Hindi siya overwhelming dito, more on ang sarap ng feeling na ganito ka-warm ang pagtanggap sa iyo na everyone is very generous and sweet in welcoming me."
HOW DOLLY BAGGED HER TRIANGLE OF SADNESS ROLE
Paano ba napunta sa kanya ang role na ito ng Triangle Of Sadness?
"Nag-audition talaga ako. Lumipad sila papuntang Pilipinas, 'tapos, pina-arte nila sa akin yung tatlong eksena, na nagbibigay ako ng pagkain, yung hindi nila binantayan yung fire, at yung isa pang eksena ni Abigail [her character].
"In-audition ko lahat yun, may sides, binigay lang nila ang sides o mga eksena lang, hindi ko nabasa ang script."
DOLLY RECALLS INTIMATE SCENE WITH HARRIS DICKINSON
Ang lead actor ng movie na si Harris Dickinson ay sadyang kay guwapo at marami ang nagkaka-crush. E, sa movie ay may "intimate moments" si Dolly with him—sa loob ng isang tent!
Kumusta naman ang foreign actor na kaeksena niya?
"Alam mo, pag umaarte kasi kayo sa eksena, hindi mo talaga... kasi, masyado ka maraming naririnig, iniisip... like yung eksena, ang blocking, ang lines...lahat!
"Okey siya kaeksena, masarap syang kaeksena, kasi very pro siya. Mahilig siyang mag-experiment and open siya for improvisation. Lahat sila, masarap kaeksena!
"Walang mayayabang. Lahat sila, mabait! Lahat nila, sobrang bait!" pahayag niya.
DOLLY'S FORTHCOMING MOVIE/TV PROJECTS
For her next projects, kasama siya sa cast ng Cinemalaya 2023 full length film na Pukaw, directed by Carl Papa.
"Live action yung ishu-shoot namin, papatungan niya ng animation. Kami ni Carlo Aquino yun. Nasa Keys To The Heart din ako, with Zanjoe Marrudo and Elijah Canlas, a movie for Reality Entertainment," pagbabalita ni Dolly.
Tampok rin siya sa Dirty Linen, isang bagong teleserye ng ABS-CBN na tatampukan pa rin ni Zanjoe with Janine Gutierrez, Francine Diaz, and Seth Fedein.
Ang November 30 playdate ng pelikula sa Pilipinas ay released and distributed by TBA Studios.