PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

JC Santos weighs in on having OFW parents

JC Santos grew up with his friends instead of his parents because...
by Noel Orsal
Published Dec 10, 2022
JC Santos on Family Matters, MMFF 2022
JC Santos on how he learned to be independent: "Ang catch lang kasi sa akin, di ako lumaking may pamilya, kasi OFW parents ko. Seaman daddy ko, tapos my mom is OFW sa America. So sixteen pa lang ako, ako na bahala."
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi maiwasan ni JC Santos na maalala ang sariling karanasan dahil sa temang pampamilya ng Family Matters.

Ang Family Matters, na pinagbibidahan ng ensemble cast, ay isa sa walong entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022, na magsisimula sa December 25.

Naka-relate si JC pagdating sa kinalikahan niyang malayo sa mga magulang.

"Panganay kasi ako sa magkakapatid. Ang catch lang kasi sa akin, di ako lumaking may pamilya, kasi OFW parents ko.

"Seaman daddy ko, tapos my mom is OFW sa America.

"So, sixteen pa lang ako, ako na bahala," kuwento ng Kapamilya actor.

Aminado si JC na dumaan siya sa pasaway na stage noon. Hindi raw siya sanay na may sinusunod na authority figure.

"So, naka-relate ako sa bunso part kasi bunso ako ng magkakaibigan. I grew up with friends, kapag sinabi nila na, 'Hoy mali iyan, ah, don't go on that path.'

"Kasi kapag parents ang nagsabi niyan, parang you hear na rebellious ka, susundin mo na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kapag kasi kaibigan ang nagsabi sa iyo nun, sasabihin mo, 'Is that a challenge?' So, lumaki ako na maraming bad decisions, maraming mistakes, I always learn the hard way.

"So, parang in a way, I liked the part of growing with friends kasi madali akong maging vulnerable.

"Pag I think [I can] go on full-on emotional with them. So, I think yun yung advantage."

Humarap si JC kasama ng ibang cast sa media conference ng Family Matters, na ginanap sa La Breza Hotel sa Quezon City, noong December 7, 2022.

Ang kuwento ay tungkol sa pamilya ng mag-asawang Francisco, na ginampanan ni Noel Trinidad, at Eleanor, na ginampanan naman ni Liza Lorena.

Gumaganap na magkakapatid sina Nonie Buencamino, Mylene Dizon, Nikki Valdez, at JC.

Ayon sa buong cast, ang pinakagusto raw nilang character sa kuwento ay iyong kay JC, na bunsong anak nina Noel at Liza sa pelikula.

Trending sa social media ang trailer ng pelikulang Family Matters. Kaya naman marami na ang nag-aabang at sabik mapanood ito sa mga sinehan sa darating na Pasko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa loob lamang ng iilang araw, nakakuha ang trailer ng Family Matters ng milyun-milyong views sa iba’t ibang platforms.

Handog ng Cineko Production, ang Family Matters ay idinirek ni Nuel Naval sa panulat ni Mel Del Rosario. Si Nuel ay siya ring nagdirek ng pelikulang Miracle Cell No. 7, na nag-top sa box-office noong MMFF 2019.

Kasama rin sa cast sina James Blanco, Ana Luna, Ina Feleo, Ketchup Eusebio, Roxanne Guinoo, at introducing si Ian Pangilinan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JC Santos on how he learned to be independent: "Ang catch lang kasi sa akin, di ako lumaking may pamilya, kasi OFW parents ko. Seaman daddy ko, tapos my mom is OFW sa America. So sixteen pa lang ako, ako na bahala."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results