Hindi makakalimutan ni Alvin Yapan kung paano naging daan si Shandii Bacolod sa paghulma ng kauna-unahan niyang mainstream movie, ang Call Me Papi.
Ang Call Me Papi ay iprinodyus ng FEAST (Filipino Excellence in Arts, Science and Technology) Foundation at dinistribute ng Viva Films.
Si Shandi ay producer, talent manager, at director nay pumanaw sa edad na 39 noong Hunyo 2022.
Si Alvin ay director ng Culion, ang 2019 Metro Manila Film Festival entry na prinodyus din ni Shandii.
Balik-tanaw ni Alvin sa usapan nila noon ni Shandii:
“After Culion, sabi ni Shandii, ‘Uy, Direk. Gawa naman tayo ng magaan-gaan na pelikula na puwedeng pang-commercial na slant. Gawa tayo na hindi na siya sa loob ng festival ilalabas.’
“So, ang binigay lang sa akin ni Shandii na idea is of, ‘Gawin nating tungkol sa mga kalalakihan. Tapos bigyan kita ng limang artista.
“‘Tapos nakatira sila sa isang apartment…sa isang bahay. [Ang premise], ano yung dynamics na mabubuo nung limang lalaki?’
“Pre-pandemic pa ito, 2019.”
Bida sa Call Me Papi sina Enzo Pineda, Royce Cabrera, Lharby Policarpio, Aaron Concepcion, at Albie Casiño.
Si Shandii raw ang personal na pumili sa limang lead stars.
Kuwento pa ni Alvin: “As in literally ang nagyari sa amin ni Shandii noon, ako lang ang taga-oo ni Shandi pagdating sa casting.
“Of course, kapag may mabigat akong request at suggestion, binibigay ko, sinasabi ko kay Shandii. Pero pag wala naman, okey naman ako. So, eto talaga lahat kay Shandi.
“Halimbawa, si Enzo, suggestion siya ni Shandii. Si Aaron, si Royce.
“Si Albie ay kakilala nung producer. So, kinausap namin at binigay namin sa kanya [Albie] yung script.
“Tapos sabi namin, ‘Kung gusto mo yung script baka puwede kang sumali sa production.’ Nagustuhan naman niya. So, pasok.
“Tapos si Lharby, pati pala siya si Shandii rin. Hindi ko rin kilala si Lharby before Call Me Papi, e. Kaya lang si Lharby noon, hindi siya nakapag-audiiton. Nas aibang bansa ata nu’ng nagpapa-audition kami.
“Nauna pa si Royce sa Call Me Papi bago siya nag-BL series nung pandemic.
“Yes, totoo talaga. Ngayon kasi si Royce, sikat na sikat na. Kaya grateful rin kami kay Royce na hindi niya kami iniwan, yung production, at tinapos niya.”
Hindi raw akalain ni Alvin na ang Call Me Papi na ang huling proyekto nila ni Shandii.
“Tapos, yung last two days, bandang December noong 2021, nandoon pa si Shandii. That was the last na nandoon siya sa set ng movie,
“Tapos nitong July [2022], ayun. One last day na lang kami, hindi na namin kasama si Shandii.
"Yung last day lang ang wala si Shandii sa set. Si Shandii talaga ang producer.”
Three years in the making ang pelikulang Call Me Papi dahil naantala ng COVID-19 pandemic.
“Literally, natapos lang ito nung July of this year [2022]. Literally, kasado na yung shoot. Tapos after three days, nag-hard lockdown.
“Tapos, sa kalagitnaan ng three years na yun biglang lumuwag. Gusto nilang i-test kung puwede na. So, nag-lock-in din kami sa hotel noon sa ano, along Kalayaan Avenue. May hotel diyan.”
How many days silang nag-shoot na lock-in?
“Supposed to be tatapusin na namin yung movie doon. But after two days, hard lockdown na naman. Uwian na naman. Magastos. Doble-dobleng gastos,” saad ni Alvin.

- Call Me Papi, maipalalabas na sa mga sinehan pagkatapos ng tatlong taon
- Pitong pelikula, labu-labo sa takilya bago mag-showing ang Avatar: The Way Of Water
ALVIN YAPAN'S FIRST MAINSTREAM MOVIE
Pinapasa-Diyos na lamang ni Alvin Yapan ang pagpapalabas ng Call Me Papi sa mainstream cinemas.
First commercial film kasi ni Alvin ang Call Me Papi.
Paliwanag niya, “Kasi usually before Call Me Papi puro ako ano, film festivals. Festival boy talaga ako, both local and international.”
Isa sa kontrobersiyal na pelikula niya na naisali sa international film fest ay ang Ang Panggagahasa Kay Fe.
“Kasi directorial debut ko yun, tapos nanalo siya sa Cairo, Egypt. That was 2009. After that yung An Kubo sa Kawayanan (The Hut by the Bamboo Grove) noong 2015 sa Singapore naman.
“Pero sa gitna noon marami pang pasingit-singit na movies ko. Pero yan kasi ang tumatak talaga."
Ibinahagi rin ni Alvin ang iba pa niyang pelikula.
Patuloy niya, "Yung ano rin, Debosyon [2013], nag-ano rin [screening] yun sa Canada. Puro talaga film festivals.
“Dito naman sa Philippines, Cinemalaya baby talaga ako. Ang sinali ko sa kanila yan, Ang Panggagahasa kay Fe [2009], Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa [2011], Debosyon, lahat.
“Tapos after that, nag-Cine Filipino rin. Nag-QC Cinema rin, yung GayDar [2013]. Pero yun kasi kahit mala-commercial hindi siya commercial release kasi nasa loob pa in siya ng festival.”
Sabay tukoy ulit ni Alvin sa Call Me Papi, “So, ito talaga yung kauna-unahan ko commercial release. Una, ang Call Me Papi ay distributed by Viva [Films]. Tapos, nababaliw ako ngayon na nationwide talaga.”
ON BOX-OFFICE RESULTS of call me papi
Inamin ni Direk Alvin na “nao-overwhelm” siya sa pagpapalabas ng pelikula niya nationwide dahil nag-a-adjust pa rin ang moviegoers sa pagbabalik-sinehan.
“Nakakatakot, ha,” pasubali ni Direk Alvin.
“Nakakatakot ito kasi nasa gitna tayo ng pandemic pa rin. So, hindi ko alam kung may mga manonood.
“So sana makabawi at the very least. Makabawi sa invest dito ng buong foundation.
“Pero again, alam naman namin na ang labanang ito ay long-term at sugal talaga. Kaya eto, tine-test namin ang waters kung ano yung panlasa ng Filipino audience. At kung ano yung papatok sa commercial cinema.”
Nanibago rin si Alvin sa paggawa ng pelikulang comedy ang genre.
“Isa pa yan sa kinakabahan ako,” pag-amin ni Direk Alvin.
“Kasi palagi akong seryoso sa mga pelikula ko. Trinay ko sa Gaydar pero hindi masyadong nag-work.
“Ang Gaydar kasi, yun pa yung panahon na kinakapa pa ng QCinema [Film Festival] kung ano ang identity nila. Kung serious art house ba sila?
“E, di ba, yung tatlo kami noon na.. ‘Tsaka kasi may Pink Festival pa sila noon.
“Tapos doon sa tatlong unang pelikula ng QCinema, ako yung pinaka-mainstream. Kasi may super experimental…basta tatlo yun na [entries na] magkakaiba kami.
“Pero yun kasi, nasa loob ng isang festival.”
Nag-premiere sa mga sinehan ang Call Me Papi noong December 7, 2022, at showing pa rin ito hanggang sa kasalukuyan.
MORE HOT STORIES
