Inamin ni Miko Gallardo na nauwi uli sa breakup ang relasyon nila ng kanyang Fil-American girlfriend.
Ito ay makalipas ang isang taon mula nang ibahagi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagkabalikan sila ng nobya.
Balak sana ni Miko na magpakasal sila kahit pareho silang 24 years old lang.
Read: Miko Gallardo reconciles with non-showbiz girlfriend during his brief showbiz break
Nakausap uli ng PEP.ph si Miko nitong Marso 2, 2023, Huwebes ng hapon, sa Paco Park, Manila.
Si Miko ay dating contestant ng "BidaMan" contest ng It's Showtime.
"I was supposed to get married. Yeah, I think I said that before. I proposed to my ex. We’re separated now," pag-amin ni Miko.
"I was planning to get married, start a family, and move on with my life.
"Akala ko yun na, pero alam mo naman ang Diyos, minsan iba ang ibinibigay sa yo sa mga plano mo.
"Kaya ayun, umalis na siya ng bansa. And now I’m back."
Humigit-kumulang dalawang taong "nawala" sa eksena sa showbiz si Miko. Maging sa social media ay naglaho siya.
Ang ex-girlfriend ba niya ang dahilan kaya “nawala” siya?
Napabuntong-hiningang sabi ni Miko, "Hindi naman. She was there when I was looking for myself.
"Pero… at least now, nung nawala siya, okay, accept na lang," saad ni Miko.
"I wish her the best. There’s nothing wrong I can say. But now I’m back, and I’m happy.
"I focused on myself. I focused on the business."
Sa mga nakalipas na taon, hinanap daw ni Miko ang sarili.
"It's hard, but… ano naman, it’s good in a way na you find purpose in your life and what you wanna do."
LIVING IN PALAWAN
Ikinuwento rin ni Miko na sa Puerto Princesa, Palawan, siya nakabase ngayon.
Mayroon daw siyang nabiling property doon.
"May lupa na. May beachfront na, pero hindi ko pa naitatayo yung beach house.
"May itatayo nang beach house doon for the family, but not yung gusto kong style para sa akin. Malawak yun, e."
Nagmistulang paraiso raw ang Puerto Princesa para sa kanya nitong pandemya.
"Ahhmm, yeah, that’s where I stayed for the past two years. Dun ako based ngayon," pakli ni Miko.
"Uwian ako. I fly to Manila, I fly to Palawan, back and forth. Sa beach talaga ang gusto ko."
Ano ang buhay ni Miko kapag nasa Palawan siya?
"Go to the beach. Drink some coconut. Go to the market. Magluto ako sa bahay," tugon ni Miko.
NEW SERIES
Masaya si Miko dahil muli siyang abala ngayon sa taping ng My Story, na sequel ng Pinoy BL series na My Day.
Sa My Day, nakatambal ni Miko si Aki Torres, at gumanap sila roon bilang Sky at Ace, respectively.
Dito sa My Story ay katambal naman niya si Teejay Marquez.
Read: Meet Miko Gallardo, Iñaki Torres, other young stars of #MyDay The Series
Dalawang taon at apat na buwan na ang lumipas mula nang magtapos ang My Day, kaya may pagbabago raw na dapat abangan sa karakter ni Miko bilang Sky.
"As a person, both si Miko at si Sky, nag-mature. Ha! Ha! Ha! Ha! In a way that he can reflect on his own na.
"And he values himself more. And respects himself more, and also others. And yung sariling flaws ko, I know na."
May mga eksena sa My Story na kinunan sa Thailand.
"Oh, it was nice, fun. Very fun. Memorable talaga siya," saad ni Miko.
Itong My Story na raw ang huling BL series niya?
Sagot ni Miko, "Yes, possibly 99 percent sure that this is my last BL. Moving on to new genres now sa pagbabalik ko after resting for a bit. And now, ang ganda ng ending, kasi it’s with Teejay."
Dahil 99 percent sure na last BL ni Miko ang My Story, sinasabing bigay-todo siya rito.
Napangiti si Miko, "I should say na mas bigay-todo si Teejay ngayon!"
Katabi ni Miko si Teejay nang kinapanayam ito.
Kaya hirit ni Teejay, "Sinabayan ko lang yung pagiging todo ni Sky, ni Miko. Siyempre, di ba, napanood ko rin yung part nila."
Napabungisngis si Teejay, "Gusto ko lang talagang sabayan ang galing ni Miko.
"So, medyo naglabas din ako ng ano… ng effort. Dapat niyong abangan!"
Maganda ang working relationship nina Teejay at Miko sa My Story dahil nagkatrabaho na rin kasi sila sa Season 2 ng BL series na Ben x Jim.

miko's NEW MANAGEMENT?
Pino-promote ng Cornerstone Entertainment ang My Story sa social media dahil kay Miko.
Nang tanungin kung bahagi siya ng Cornerstone talent management company, nilinaw ni Miko na unofficial ang pakikipagtrabaho niya sa Cornerstone.
"Ahm, lumapit lang sila. Lumapit and they offered to help me so sabi ko, ‘Wow! Why not?’ Di ba?" saad ni Miko.
"I lost my management from the first season. They’re gone, but not forgotten. I’m with Cornerstone, pero we’re not really official.
"Nagtutulungan lang kaming dalawa for now. For now. Walang official contract."
Titingnan pa raw nina Miko at ng Cornerstone kung ano ang susunod na plano para sa kanyang career.
"We’re still discussing it. Sabi ko, after ng project na ito, mag-usap kami."
Tinulungan din si Miko ni Direk Easy Ferrer pero hindi niya ito naging manager.
MORE HOT STORIES ON PEP.PH:
- Tito, Vic & Joey, kinakausap ng Net25 para sa isang noontime show?
- Romy Jalosjos children in, Tony Tuviera out sa TAPE; Tito, Vic & Joey, aalis na sa Eat Bulaga?
- Tito Sotto reacts to rumored goings-on in Eat Bulaga!: "Who says we’re splitting?"
- Joey de Leon unfazed amid reported rebranding of Eat Bulaga!
- Willie Revillame, nadadawit sa isyung rebranding ng Eat Bulaga!; napipisil umano na pumalit sa TVJ?
