PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Roderick Paulate's Mudrasta Held Up? Producer Speaks Up

T-Rex Entertainment producer Rex Tiri explains status of Roderick's Mudrasta.
by Julie E. Bonifacio
Published Mar 9, 2023
Roderick Paulate and T-Rex Entertainment's Rex Tiri
T-Rex Entertainment founder Rex Tiri on Roderick Paulate being found guilty of graft: "Hindi ako aware sa kaso niya. But ang sinabi lang sa amin was ia-appeal ang kaso, and I think there’s still a process dun sa pag-appeal na yun. Ah, it is just unfortunate that it happened, but hopefully, maayos din yun."
PHOTO/S: Roderick Paulate Facebook / Julie Bonifacio

Bago bumaba ang desisyon ng korte sa kasong graft and falsification of public documents sa aktor at dating konsehal ng Quezon City na si Roderick Paulate, natapos na niyang gawin ang pelikulang Mudrasta.

Ang Mudrasta ay iprinodyus ito ng T-Rex Films, at ang direktor ay si Julius Alfonso.

May katagalan na rin mula nang natapos gawin ni Roderick ang dapat sana'y comeback film niya bilang bida sa pelikula.

Ang founder ng T-Rex Films, si Rex Tiri, ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at nagbigay siya ng update sa proyekto.

Nakaapekto ba ang paglabas ng desisyon sa kaso ni Roderick sa pagkaantala ng pagpapalabas ng Mudrasta sa mga sinehan?

Sagot ni Tiri: "Right now, we are hoping for the best. Hindi ako aware sa kaso niya.

"But ang sinabi lang sa amin was ia-appeal ang kaso, and I think there’s still a process dun sa pag-appeal na yun.

"Ah, it is just unfortunate that it happened, but hopefully, maayos din yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong December 2, 2022, naiulat na nahatulang guilty si Roderick sa kasong graft at falsification of documents.

Paglilinaw pa ni Tiri, hindi ang legal battle ni Roderick ang dahilan ng delay sa pagpapalabas sa pelikula.

"Naging rason lang talaga because of pandemic. Kasi, plano na sana na ipalabas siya noon pa.

"Natapos naman siya during pandemic. Pero yun nga, nagkaroon kako ng problema.

"Sa mga susunod na araw ia-announce namin kung ano ang plano namin sa film."

Dagdag ni Tiri: "Kasi magkakaroon ng konting pagbabago doon sa film production. Pag-uusapan kung ilang films ang gagawin namin this year.

"Very exciting yung mga gagawin namin. At hindi lang kami sa film, pati sa iba pa."

Wala pang definite date kung kailan ipalalabas sa mga sinehan ang Mudrasta sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

REX TIRI'S LATEST VENTURE

Nakapanayam ng PEP.ph si Tiri sa opening ng ikalawang branch ng Limbaga 77 restaurant sa Level 1, Garden Restaurants sa Trinoma Mall, noong March 1, 2023.

Present sa grand opening ng Limbaga 77 ang mga celebrity na sina Sylvia Sanchez, Julia Barretto, at Diego Loyzaga.

Sonny Fortuna, Julia Barretto, Rex Tiri, Real Florido, and RJ Agustin

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bukod sa T-Rex Films, si Tiri ang co-owner ng Limbaga 77 at iba pang restaurants.

Ang RT Heptagon Holdings (RTH Holdings) ang holding company para sa kanyang mga negosyo.

Unang itinayo ni Rex at ng kasosyo niyang si Sonny Fortuna ang Limbaga 77 sa Tomas Morato, Quezon City. At ngayon, meron na siyang ikalawang branch.

"Sabi namin, para maiba naman, subukan natin sa mall gawin at magtayo. And then, let’s find out kung ano ang mas okey.

"So that kung maging maganda ang performance niya sa mall, then, sa mall tayo magko-concentrate.

"Ngayon naman, kung hindi, so itutuloy namin kung ano yung model na ginawa namin sa first branch namin," saad ni Tiri.

MORE HOT STORIES ON PEP.PH:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
T-Rex Entertainment founder Rex Tiri on Roderick Paulate being found guilty of graft: "Hindi ako aware sa kaso niya. But ang sinabi lang sa amin was ia-appeal ang kaso, and I think there’s still a process dun sa pag-appeal na yun. Ah, it is just unfortunate that it happened, but hopefully, maayos din yun."
PHOTO/S: Roderick Paulate Facebook / Julie Bonifacio
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results