PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bela Padilla reacts to Lorna Tolentino praising her directorial style

Bela admits she felt more nervous about her second directorial job.
by Rose Garcia
Published Apr 13, 2023
Bela Padilla and Lorna Tolentino
Bela Padilla on co-stars Lorna Tolentino and Boboy Garrovillo: "Ang sarap makatrabaho yung mga taong naa-appreciate yung ginagawa nila. And at the same time, naa-appreciate yung effort namin na behind the scene." Seen on the right is a behind-the-scene snapshot of Bela directing a scene of Lorna in Yung Libro Sa Napanood Ko.
PHOTO/S: Rose Garcia / Courtesy of Lorna Tolentino

Puring-puri si Bela Padilla ng award-winning actress na si Lorna Tolentino.

Nagkatrabaho ang dalawa sa Yung Libro Sa Napanood Ko, isa sa walong entries ng isinasagawang 2023 Summer Metro Manila Film Festival (MMFF).

Si Bela ang director, writer, at lead actress ng pelikula. Katambal niya rito ang baguhang South Korean actor na si Yoo Min Gon.

Ayon kay Lorna, na-enjoy niya ang shoot nila sa South Korea kahit na maiksi lang ang appearance ng karakter niya sa movie.

Nagprisinta pa si Lorna na sana ay kasama siya uli sa cast sa susunod na pelikulang gagawin ni Bela.

Read: Lorna Tolentino, bilib sa istilo sa pagdidirek ni Bela Padilla

Ikinatuwa ni Bela ang positibong feedback sa kanya ni Lorna sa premiere night ng Yung Libro Sa Napanood Ko.

"Kami rin, equally, sobrang nag-enjoy kami na kasama si Ms. LT," nakangiting sabi ni Bela.

Si Lorna ang gumanap na ina ni Bela sa pelikula, habang ang ama niya ay Boboy Garrovillo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Todo rin ang naging papuri ni Boboy kay Bela.

Reaksiyon ni Bela, "I love him. Ang sarap makatrabaho yung mga taong naa-appreciate yung ginagawa nila.

"And at the same time, naa-appreciate yung effort namin na behind the scene."

ON BEING A DIRECTOR

Ang Yung Libro Sa Napanood Ko ang ikalawang pelikula ni Bela na siya ang nagdirek at nagsulat. Nauna ang 366 kunsaan katambal niya si Zanjoe Marudo.

Pero hindi pa raw masabi ni Bela na confident na siya sa pagdidirek.

Sa 366 ay nakaalalay pa raw sa kanya ang direktor na si Irene Villamor at cinematographer na si Pao Orendain.

"Yung core group ko, like yung cinematographer ko, si Pao, kabarkada ko kasi siya. Kaya niya akong sabihan na, 'Bels, pangit yan, wag yan.'

"First time na completely alone ako dahil lahat sila, may ibang trabaho. Parang first time na feeling ko, solo na solo talaga ko."

Read: The Ultimate Guide to the 1st Summer MMFF entries

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NEW PROJECTS

May bagong script na raw dine-develop si Bela, kasabay na may ginagawa siyang pelikula katambal si JC Santos.

Masasabi ba niyang 50/50 sa buhay niya bilang isang artista at director/writer?

Sagot ni Bela, "Well, at the end of the day, I think, kung papapiliin ako, actress pa rin talaga ako. Yun ang comfort zone ko, e. I’m really enjoying."

More hot stories on PEP.ph:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bela Padilla on co-stars Lorna Tolentino and Boboy Garrovillo: "Ang sarap makatrabaho yung mga taong naa-appreciate yung ginagawa nila. And at the same time, naa-appreciate yung effort namin na behind the scene." Seen on the right is a behind-the-scene snapshot of Bela directing a scene of Lorna in Yung Libro Sa Napanood Ko.
PHOTO/S: Rose Garcia / Courtesy of Lorna Tolentino
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results