PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ricky Lee scriptwriting workshop to push through May or June 2023

Ricky reminisces his glory days as award-winning screenwriter
by Jerry Olea
Published Apr 16, 2023
Ricky Lee
Paolo Contis
Ricky Lee (shown with Paolo Contis) assures his loyal followers that his face-to-face free scriptwriting workshop will push through this year. He says, "Sigurado this year. Sometime May or June. Itutuloy ko na.”
PHOTO/S: Jerry Olea

Nangalahati na ang Abril pero hindi pa matiyak ng National Artist na si Ricky Lee kung kailan uumpisahan ang libreng face-to-face scriptwriting workshop niya ngayong 2023.

“Dapat noong March pa. Na-postpone,” sabi ng multi-awarded writer bago ganapin ang gala night ng Dick Talk nitong nakaraang Sabado, Abril 15, sa RCBC Theater, Ayala Ave., Makati City.

“E, natambak ang trabaho ko sa GMA. So nausad. Pero sigurado this year. Sometime May or June. Itutuloy ko na.”

At most ay 35 ang tatanggapin niyang students sa free workshop na ito, na at least ten (10) whole-day sessions pag Sunday.

“During the pandemic, yung online, kung minsan nakaka-100+ ako in one batch, e,” kuwento ng 75-anyos na Pambansang Alagad ng Sining.

“At saka may mga taga-Saudi, taga-Singapore, UK. Eto siyempre na face-to-face, dito lang unless may magbibiyahe.

“Kung minsan naman, may nagbibiyahe. Mula Cebu, o Cabanatuan, nagbibiyahe sila. So hanggang Pilipinas lang.”

Napakaraming gustong mag-workshop kay Sir Ricky, kabilang si Paolo Contis na nakatsikahan ng premyadong manunulat sa RCBC Theater.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Baka magtampo yung ibang celebrities na hindi makasama sa batch. Depende sa availability nila?

“Yes and also… well, may next pa naman, wala akong magagawa. Naiintindihan naman nila na may susunod pa,” sambit ni Sir Ricky.

“Pero ang isa sa pinakamadugo sa workshop, yung pagpili. Kasi laging sobra-sobra yung nasa listahan.

“And then last minute, ang daming naghahabol. Nire-recommend and so on. So matrabaho pero masarap, at hindi ko naman ititigil yun!”

RICKY OPTIMISTIC ABOUT CURRENT STATE OF LOCAL CINEMA

Dumalo si Sir Ricky sa special screening ng 1st Summer MMFF entry na About Us But Not About Us, maging sa premiere night ng Apag.

Ano ang pananaw niya sa ongoing summer edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na nag-umpisa noong Abril 8, Sabado de Gloria at magtatapos sa Abril 18, Martes?

“All in all, I think it’s still good na nag-attempt tayo. Na I think mas madalas tayong magpalabas ng mga pelikula at gumawa ng lahat ng paraan para bumalik ang audience natin sa sinehan,” pananalig ni Sir Ricky.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“I think maganda yun kasi naranasan ko lately na manood sa big screen nung Himala, ng Moral sa CCP. Iba pa rin, e!

“Iba sa TV, sa computer, sa laptop. And then suddenly, ang laki-laki ni Nora Aunor sa screen. Kita mo bawat galaw, naririnig niyo bawat tunog.

“And then community kayo, sabay-sabay kayo lahat na nagre-react, tumatawa, unlike yung mag-isa ka sa harap ng computer. Iba pa rin siya, e.

“In the end, alam kong mahal ang tiket at hirap tayo sa buhay… but in the end, it’s worth it na gastusan.

“So sana maengganyo ang mga tao na manood sa mga sinehan.”

RICKY REMINISCES HIS GLORY DAYS AS AWARD-WINNING SCREENWRITER

Sa 8th MMFF noong 1982, Best Picture ang Himala ni Ishmael Bernal, Second Best Picture ang Moral ni Marilou Diaz-Abaya, at Third Best Picture ang Haplos ni Antonio Jose Perez.

Ang screenplay ng tatlong pelikulang iyan ay pawang obra ni Ricky Lee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naturalmente, si Sir Ricky ang nagwagi ng Best Screenplay — para sa Moral, hindi para sa Himala.

“Pinakamarami kong awards, sa buhay ko, MMFF. MMFF baby ako,” napangiting pakli ni Sir Ricky.

Hindi pa naulit sa MMFF na ang tatlong Best Picture ay iisa ang sumulat ng screenplay.

“Mahirap naman maulit yung ganun, pero I think malaking dahilan kaya ako nakilala ng masa, maski saan ako magpunta, dahil sa festival na yun in 1982 na tatlo, ako ang naglaban-laban.

“I think tumatak yun sa mga tao.”

Noong 1990s, anim na taon ng MMFF na nagwagi siya ng Best Screenplay.

Ang mga ito ay para sa Andrea, Paano Ba Ang Maging Isang Ina? (1990) kung saan katuwang niya ang direktor na si Gil Portes, Ang Totoong Buhay ni Pacita M (1991), Takbo, Talon, Tili (1992) katuwang si Jose Bartolone, Muling Umawit Ang Puso (1995), Jose Rizal (1998) katuwang sina Jun Robles Lana at Peter Ong Lim, at Muro Ami (1999) katuwang si Jun Robles Lana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yung Muro Ami ang huling pagwawagi ni Sir Ricky sa MMFF. So far, walo ang Best Screenplay award niya sa December filmfest.

Tabla sila ni Roy Iglesias na nagwagi para sa Ganito Kam Noon, Paano Kayo Ngayon? (1976) katuwang si Direk Eddie Romero, Nasaan Ang Puso? (1997), Yamashita: The Tiger’s Treasure (2001) katuwang si Direk Chito Roño, Mano Po (2002), Filipinas (2003), Baler (2008), Mano Po 6: A Mother’s Love (2009), at Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story (2011).

RICKY LOOKS BACK AT HIS BRAZEN MMFF ’87 AWARD SNUB

Ang isa pang napagwagian ni Ricky Lee ay para sa screenplay ng MMFF 1987 entry na Olongapo: The Great American Dream kung saan credited din ang co-producer na si Frank Vrechek.

Ang nasabing pelikula ay idinirek ni Chito Roño, at tinampukan nina Jaclyn Jose, Chanda Romero, Joel Torre, Susan Africa, Raoul Aragonn at Marilou Sadiua.

Tinanggihan ni Sir Ricky ang award na iyon pero nakalagay pa rin ang pangalan niya bilang winner sa listahan ng mga nagwaging screenplay sa kasaysayan ng MMFF.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya ayun, meron akong love-hate relationship sa MMFF,” pakli ni Sir Ricky.

Sa ngayon, ano ang masasabi niya pag naalala ang pagtanggi niya sa Best Screenplay for Olongapo: The Great American Dream?

“Naisip ko rin na ang lakas din ng loob ko noon. Kasi kaharap ko noon yung mga jurors, e, sina Fr. Nick Cruz,” pagbabalik-tanaw ni Sir Ricky.

“At umakyat pa ako ng entablado. Actually, bago ko yun tinanggihan, nag-billiards kami ng ilang kaibigan ko.

“’Tapos, may kaibigan kaming nagsasabi, ‘O, malapit na yung portion ng screenplay.’ Saka lang ako pumunta dun para tanggihan.

“Kasi may nag-leak na sa akin na ako ang mananalo. Then pagkatapos kong tanggihan, niyakap ako nina Raquel Villavicencio at lahat, and then bumalik ng billiards.

“Pero ngayong binabalikan ko, looking back, naisip ko… siguro nanginginig yung tuhod ko nun.

“Ang lakas ng loob ko na tanggihan yung award sa harap ng mga tao, rather than huwag um-attend.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RICKY RECALLS MMFF JUROR EXPERIENCE

Kontrobersyal din ang 3rd MMFF noong 1977, kung saan nakamit ng Burlesk Queen ang pitong awards, kabilang ang Best Film, Best Director (Celso Ad. Castillo), Best Actress (Vilma Santos), Best Actor (Rolly Quizon), Best Supporting Actress (Rosemarie Gil), Best Supporting Actor (Joonee Gamboa), at Best Screenplay (Mauro Gia Samonte).

Ang two other awards na ipinamigay noon ay Best Cinematography at Best Art Direction na parehong nakamit ng Mga Bilanggong Birhen.

“Binawi” ang awards ng Burlesk Queen, pero hindi isinauli ang mga tropeo. Nasa listahan pa rin ng MMFF ang mga karangalang ipinagkaloob dito.

Pagtatapat ni Sir Ricky, “Isa ako sa jurors ng Burlesk Queen, kasama ni Rolando Tinio. So umikot ako from being a juror to an awardee na tumanggi.

“OK naman ako. Nag-juror din ako sa MMFF two years ago, nung panahon ng Big Night! (2021). So, I have a very beautiful relationship with the MMFF.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ricky Lee (shown with Paolo Contis) assures his loyal followers that his face-to-face free scriptwriting workshop will push through this year. He says, "Sigurado this year. Sometime May or June. Itutuloy ko na.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results