Natawa nang malakas si Arron Villaflor nang tanungin kung naranasan na niya ang mang-iwan ng puso ng iba o ang puso niya ang iniwan.
"Naku, single pa rin ako! Grabe!" bulalas ni Arron.
Isa sa naging girlfriend ni Arron na taga-showbiz ay si Jane de Leon.
- Arron Villaflor admits breakup with former GirlTrends member Jane de Leon
- Arron Villaflor, may sama ng loob sa ex-girlfriend na si Jane de Leon?
Nanligaw din siya noon kay Yen Santos, pero nanatili silang magkaibigan lang.
Huling napabalitang karelasyon niya ay ang Miss Chinatown 2020 candidate na si Camille Buenaventura.
Sa ngayon, "sobrang enjoy" daw si Arron sa being single.
"Pero despite of being single kasi, parang I already put my heart in my craft, which is acting.
"And I’m turning 33 this coming July. So, for me, we have to prioritize what needs to be prioritized in life. My priority now is work. Also, myself.
"Kasi grabe, e. Grabe yung projects natin sa Viva ngayon. Sobrang umaapaw and thankful ako sa Viva."
Pumirma raw siya ng kontrata sa Viva nitong pandemya, at 15 pelikula ang nakalinya niyang proyekto sa kumpanya na pag-aari ni Vic del Rosario.
"I’m not forgetting my ABS-CBN family. But, yung excitement ko sa trabaho, para sa akin hindi ako pwede huminto.
"I signed up with them for two years, but renewable. Naka-five [projects] na ako with them. Naka-almost one year na ako sa kanila."
Panay Vivamax movies ang gagawin niya?
Sagot ni Arron, "Eto nga, e, dahil very broad ang Vivamax project natin sa Viva, I told them na, 'Sige, Boss Vic.' Kina Boss Veronique and Boss Vincent, walang problema.
"And for me, it’s time na rin. I’m already fit [for] my age to do these things. Kaya sabi, I’ll accept that as long as it’s a good story."
Pinaghahandaan na rin daw niya ang pagsabak sa sexy films.
"Of course! Kailangan mag-workout. I have to be aware of [my] physique, muscles."
Hanggang saan ang kaya niyang gawin sa pagpapaseksi?
"Ayan, nayari na naman tayo diyan,” natatawa niyang tugon.
"Basta for the film gagawin ko. Kaya I always pray for good projects, good materials, di ba?
"Natutuwa ako kasi everyone is acknowledging me sa Viva na parang, ‘Ron, parang ikaw yung hari ngayon ng Vivamax.'"
Dagdag pa ni Arron, “Sabi ko, well, it’s flattering for me to here those things, di ba? Pero I’m not stopping myself to do more dramatic materials under them."
Noong 2022, naiulat ang butt exposure ni Arron sa series na 'Wag Mong Agawin ang Akin kasama ang ex-Pinoy Big Brother housemate na si Jamilla Obispo.
ON LETTING GO OF MOTOCROSS
Itinigil na ni Arron ang nakahiligang motocross sports pagkatapos ng dalawang injuries na sinapit niya.
Nagsimulang masubukan ni Arron ang pagmo-motocross noong 2015. Pero tumigil siya bago mag-pandemic noong 2020.
Nagkaroon siya ng fracture sa wrist at sa kanyang collar bone.
Hanggang ngayon ay di pa rin malimutan ni Arron ang sakit na naranasan niya sa dalawang injuries.
Pagbabalik-tanaw ni Arron, “I love adventure. I used to have this sport, yung motocross. It’s very risky.
"I’m not forcing everyone to do it kasi I already had two injuries. I had a broken collar bone and bali rin ‘tong wrist ko. Pero, wala e. I love the extreme activities.”
Ang aktor na si Sam Milby ang madalas na kasama ni Arron sa pagmo-motocross noon.
“Si Samuel, sobrang lakas din ng loob niyan. And every time we compete sa Visayas and Mindanao, I enjoyed it talaga,” napangiting kuwento ni Arron.
Sa sobrang pagkahilig niya sa pagmo-motor, sumasali pa siya sa iba’t ibang motocross competition sa bansa.
Nanalo ba siya?
“Yes,” mabilis na sagot ni Arron. “But not to the level na mga pro na. Not yet.
"Usually, mga intermediate na class, beginners. Minsan pumapasok tayo doon depende sa mga player or riders na kalaban natin.
"For me, it’s a good sport. Again, I’m not forcing everyone to do it. But if you have the balls, go for it,” panghihikayat ni Aaron.
ON HANGING OUT IN ANTIPOLO
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arron sa Taverna restaurant kamakailan.
Ang Taverna restaurant ay matatagpuan sa Greek-inspired suite ng Luljetta’s Hanging Gardens Spa & Suites sa Sitio Loreland, Barangay San Roque, Antipolo City.
Madalas imbitahin si Arron ng mga namamahala sa lugar.

Bukod sa Greek at Mediterranean food sa restaurant, isang attraction sa lugar ay ang giant swing.
"Ay, the best," bulalas niya sa kanyang experience sa pagsakay sa giant swing.
Kuwento pa ni Arron, "Medyo natakot ako ng konti. Pero it’s very safe kasi all gears are complete. At yun naman talaga ang kailangan natin na for safety and protection.
Nung una akala ko ano, alam mo yung parang maiiwan mo yung puso mo sa itaas?
"Pero kung mae-experience mo naman pala, it’s more of like yung mapi-feel mo yung presko, yung pagbangga ng hangin sa yo once na na-swing ka na niya."

